32: WAKE UP

108 11 0
                                    

Caidence's POV

"Wake her up."

"Why me?"

"Just do what I say."

"Ano ka? Chix? Mas chix pa 'to kaysa sa 'yo—okay, nagsasabi lang naman ako ng totoo—"

"One more comment, Enrico and I'll stop your brain from functioning."

Nakaramdam ako nang mahinang tapik sa pisngi ko. Unti-unti akong nagmulat hanggang sa masilayan ko ang mukha ng isang lalaki. Nasa likod niya si Stella na may hawak na baril habang nakakrus ang parehong braso.

"Good morning." The guy greeted me with a smile.

"C-Chiro..." Nanghihina kong bulong.

Pakiramdam ko ay bagsak na bagsak ang talukap ng mga mata ko at wala akong lakas magsalita.

"Si Ichiro Breeze ba ang tinutukoy mo? Sorry pero ako si Enrico. Don't worry, next week ako na siya—"

Napatigil siya sa pagsasalita nang ikasa ni Stella ang hawak niyang baril.

"You talk too much. Magtrabaho ka na."

"Tinataboy mo na agad ako?"

"Bakit? Sabi mo gusto mo lang siya makita?"

"Oo nga, gusto ko kayong ikumpara. It turns out na mas maganda talaga siya—"

"Shut up and leave, you stupid jerk."

"Tss, okay fine."

Naglakad na siya palabas ng kwarto hanggang sa maiwan na kami ni Stella.

"W-What's... the date today?" I asked as I heaved a deep sigh.

"Saturday. 8:09 am. I just came to check if you're still breathing—"

"Where are the others?" I cut her off.

"On their way—oh I think, they're here."

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang bugbog saradong mukha ni Chiro. I'm sure he's Chiro because of his basketball jersey.

"Itali niyo na sa upuan." Utos ni Stella sa dalawang naka-itim na lalaki.

Haines and Asher.

"They're not your friends but soon they will be." She smirked as if she read my face.

Sa abot ng makakaya ko ay inirapan ko siya dahil sa sobrang inis. Wala akong magawa para saktan siya dahil nakagapos pa rin ako hanggang ngayon.

"Pasensiya na, nanlaban kasi kaya ayan, napuruhan." Usap sa akin ng lalaking kamukha ni Haines. "I'm Leon, by the way." He even smiled at me.

"Hindi ko nga inakalang makakahalata siya, e." Sambit naman ng kamukha ni Asher sabay tawa. "I'm Francis nga pala. Ako 'yong naghanda ng pagkain mo kahapon, masarap ba?" Aniya at tila hinintay pa talaga akong sumagot.

"It sucks like all of you." Matapang kong sagot.

Nakatanggap naman ako ng isang napakalakas na sampal mula kay Stella. Tila umikot ang mundo ko dahil doon.

"It's the other way around." She hissed as she walked closer to the two guys. "Enough distance will do. I know they missed each other." Then she left the room.

Pagkatapos nilang igapos si Chiro ay kinaladkad nila ito palapit sa pwesto ko. Isang metro ang layo namin sa isa't isa kaya wala akong magawa kahit pa gustong gusto ko siyang lapitan.

"Chiro, hey." I called as tears came rolling down to my cheeks.

May ibinubulong siya pero hindi ko marinig nang malinaw.

"Chiro, don't talk. Let me use my sixth sense. Talk to me using your mind and just rest." Aniko atsaka pumikit nang mariin.

"Ilang araw ka naming hinanap, alam mo ba 'yon? Alalang alala kami sayo. Naibalita na ang pagkawala mo at nagkalat na ang mukha mo sa mga poste at pader. Imbes na sa akin mabaliw si Siam, sa 'yo na dahil hindi sapat ang clues na nakuha namin para mahanap ka. Hindi kami natulog at pumasok para maghanap ng lead. Sa totoo nga lang, akala ko wala ka na... and now, you're here. Thank God, you're safe."

"I'm sorry... pinag-alala ko kayong lahat." I cried even harder.

"This is what friends for. Handa ka naming hanapin kahit pa habambuhay."

I sobbed quietly.

"You will be my forever sister, Caid. I'm so happy that I finally found you. After all those sleepless nights, you're now at my side."

I opened my eyes to look at him. Puro pasa at sugat ang mukha niya. I can't treat him even if I want to and that made me cry hopelessly.

"Salamat... sa paghahanap sa 'kin..."

"Y-Your eyes... g-gold."

Tumango ako nang marahan.

"It will be more intense once I used my sixth sense for about 10 seconds and above."

"Y-You've already improved. Dr. Valencia will be h-happy to know this."

Tumango ako ulit kahit pa walang kasiguraduhang makikita ko pa ulit ang tumayong Lolo naming lahat.

"Chiro..."

I heard him heaved a deep sigh. Tila ba naubos ang lakas niya sa pagsasalita kanina. Mas lalo akong naiyak.

"I... I don't wanna die." Hinang hina niyang bulong.

Paulit-ulit akong umiling.

"You won't die. Just hang in there." Sa huling pagkakataon ay narinig ko ang determinasyon sa sarili kong boses.

Even me, I don't want to die but I'm willing to risk my life just to save him. I'm the reason why he's here. I'm going to save him no matter what. I have to be strong. I need to.

"Chiro?" I called his name but I didn't get any response anymore.

I tried to close my eyes to hear his inner voice but there was nothing but silence.

"C-Chiro... Please stay alive... Don't leave us... Don't leave me..."

For the nth time, pinilit kong kumawala mula sa pagkakagapos.

"Chiro! Tell me you're just sleeping! Chiro, please!" I know I'm asking nonsense but I really don't know what to do when he dies right beside me!

Bugbog sarado ang katawan niya at may nakikita rin akong dugo sa sintido niya. Hindi ko alam kung pinukpok ba siya sa ulo pero natatakot akong baka malala ang kalagayan niya. Kailangan niyang madala agad sa hospital kung ganon. Mamamatay siya rito!

"Chiro! Wake up! Talk to me, please!"

Wala pa rin akong nakuhang sagot kaya halos magwala na ako sa pwesto ko.

"CHIROOO!!!!"



//.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now