23: CORNERED

113 9 0
                                    

Caidence's POV

Nagpabalik-balik ang mga mata ko sa rear view mirror at side mirror ng sasakyan. Sinusundan niya pa rin kami.

Full speed na ang sasakyan namin nang biglang pumreno si Asher. Napasigaw ako sa gulat nang tumalsik sa likod ng kotse ang killer. Hindi niya siguro inaasahang bigla kaming titigil. Halos umusog pa ang kotse dahil sa lakas ng impact nun.

"Let's go." Tinanggal na ni Asher ang seatbelt niya kaya tinanggal ko na rin ang akin.

Kamalas-malasang nanginginig pa rin ang mga kamay ko kaya hindi ko iyon mahawakan nang maayos.

Nagulat ako nang bigla siyang mag-lean sa akin at siya na mismo ang nagtanggal niyon.

"T-Thanks." Utal kong sabi atsaka bumaba nang tuluyan. Tumakbo ako patungo kila Siam nang bigla akong matumba.

Napasigaw ako sa sakit nang may makita akong palaso sa binti ko. Konti na lang ay maiiyak na talaga ako, mabuti at tinulungan agad akong tumayo ni Asher.

"Are you okay?"

"I'M NOT! IT HURTS!" I cried.

Inalalayan niya akong tumakbo patungo sa direksyon nila Siam.

"Caid! Stay there! We got this!" Ani Haines atsaka pumwesto sa harapan ko.

"Where are the others?" Asher asked.

"They're on their way. Mas malapit ang HeliXa Village dito kaya nakarating agad ako." Sagot naman ni Heather at tinignan ang palaso sa binti ko. "Hindi ko alam na magaling siya pumana."

"He was good at shooting, paniguradong pati sa archery." Sabat ni Siam.

Muli akong napasigaw nang mas lalo iyong sumakit. Sobrang lalim nang pagkakabaon non at talagang nasira ang laman ko.

"I'll drive you to the hospital—"

"How? Ayun ang kotse mo, hindi tayo makakaalis kung nandiyan ang killer. Ako ang pakay niya, ako ang gusto niyang patayin." Putol ko sa kaniya habang tumatangis.

"Let me treat it, then." Aniya atsaka umupo sa sementadong kalsada. May inilabas siyang scarf sa bulsa niya at walang anu-ano'y hinugot ang palaso sa binti ko.

Mas lalo akong naiyak sa sakit.

Itinali niya agad ang scarf niya sa binti ko para mapigilan ang pagdurugo niyon.

"Hello there, brother. Miss me?" Lumayo kami nang kaunti sa kanila nang magsalita na si Heather

"Traitor." Bakas ang galit sa boses ng killer pero kahit na ganoon, alam kong sa akin pa rin siya nakatingin. Kahit pa nakatakip sa ulo niya ang sumbrero ng suot niyang hoodie, sigurado akong pinapatay niya na ako sa isip niya.

"Our parents are both criminals. I didn't expect you to be like them as well, Kuya." Mahinahong usap ni Heather sa kapatid.

"We were born to be criminals, Ashanti." Allerio walked slowly towards us.

He's still holding the crossbow he used to shoot me and the quiver that holds his arrows on his back. He literally looks like Robin Hood right now but a psycho one.

"No, we were not born to be like them. You were the one who told me to be a good person, right? Then what happened to you? Having troubles 'bout reflecting and applying?"

"Come back to us, Shan. Let's make our parents proud." He tried to convince Heather. "Don't you want Dad to praise you like he used to? You really love it when they compliment you. Dad cares so much about you that he agreed to let you go. He's still hoping you'll return to us one day. Shan, you are still welcome in our family. We're just waiting for you."

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now