13: LEFT THOUGHT

125 8 0
                                    

Eagan's POV

"Sigurado ka bang naka-hoodie 'yong nakausap mong estudyante, Siam?" Tanong ni Avia, hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon.

"Oo nga! Kitang kita ng dalawang mata ko! Akala ko nga transferee kaya ganun 'yong suot niya." Sagot ni Siam.

Nandito kaming tatlo sa parking lot at nagmamasid. Hinihintay naming lumabas 'yong killer. Ang tapang ba namin? Kung ordinaryong tao lang kami, kanina pa kami umuwi pero hindi, we are above normal, we are extraordinaries and we have extraordinary sixth senses. We can do this without the assistance of the authorities, as Ishmael stated. I believe we are capable of defeating the enemy on our own. We must believe on ourselves.

"Tagal tumawag ni Asher, takte! Baka napatay na 'yon!" Asik ni Siam. Binatukan ko naman siya nang mahina.

"Bunganga mo talaga, walang preno." Sermon ko sa kaniya. Sumimangot na lang ulit siya atsaka tumingin sa paligid. Ganun din ang ginawa namin ni Avia babes ko.

"Nag-text si Caid, wala na raw tao sa south gate." Avia updated.

"Sa north?" Tanong ko.

Tatlo ang gates dito sa university: North, South and Parking. Naghiwa-hiwalay kaming siyam para siguradong walang takas ang killer.

Ako, Avia babes at Siam dito sa parking. Sina Caid, Ishmael at Chiro naman sa South. Sina Royalty at Haines sa North. Si Asher ang nasa control area, sitting pretty siya doon habang nakaharap sa recording CCTV cameras. Si Tita Callixa na mommy niya ang owner ng school kaya he could freely do anything he wants—even without a proper consent.

Avia's phone suddenly rang.

"Ano na?"

"Papunta na siyang parking."

Naalerto kaming tatlo. Siguradong papunta na silang anim dito. Ilang saglit pa ay may dumaang naka-hoodie at pants. Saktong sakto sa description ni Asher ang suot niya.

"Siya ba 'yong nakausap mo kanina?" Bulong ko kay Siam, makailang beses naman siyang tumango. "Tapusin na natin 'to." Pinatunog ko pa ang leeg at mga daliri bago naglakad palapit sa killer.

Syempre hindi kami ganun katanga para sumugod nang walang panghampas man lang. May hawak kaming piraso ng mga kahoy panlaban, kinuha lang namin 'to sa garden kanina kaya may lupa-lupa pa.

Pumwesto na ako sa likod ng killer bago pa siya makasakay sa kulay itim niyang kotse. Hinampas ko ang likod niya dahilan para sumalampak siya sa sahig.

"Para 'yan sa pagpatay mo kay Kylho Dee." Matigas kong sambit kahit hindi ko naman personal na kilala ang Kylho na 'yon.

"Para 'to kay Maeve Santos!" Sunod siyang hinampas ni Avia sa braso. Saktong nagsidatingan na sina Ishmael, humahangos pa dahil kagagaling lang nila sa pagtakbo.

"Ito ang para kay Rosalie Cruz at Jessica Sandig!" Hinampas naman siya ni Siam sa binti.

Nilapitan ako ni Caidence, inagaw niya ang kahoy na hawak ko atsaka hinampas sa likod ng killer.

"This is for what you did to Crystal Kim. You deserve more than this!" Nanggagalaiti niyang giit.

"Hawakan mo, Haines." Utos ni Asher. Agad namang sumunod si Haines since super strength ang sixth sense niya.

Sapilitan niyang pinatayo ang killer kahit pa parang matutumba na ito anumang oras. Nakapagtataka dahil nanatili lamang itong nakayuko at walang imik. Tila iniinda niya na lang lahat ng sakit sa katawang natamo niya mula sa amin.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now