09: SOLVED

152 10 0
                                    

Haines' POV

SATURDAY. 9:27 pm. Logictic Hospital.

"Where's Asher?" Tanong ko kay Eagan nang makaupo ako sa tabi niya.

Nandito kaming dalawa sa private room ni Caidence. She's still sleeping, marahil katatapos lang ng operasyon niya kanina. Tinanggal ang balang bumaon sa braso niya and thank God, hindi siya naubusan ng dugo.

"Nasa labas, nag-iisip." Tipid niyang sagot habang hindi nilulubayan ng tingin ang pinsan.

"Si Tito Aiden?"

"Nasa labas din, kausap ang mga pulis."

"Sila Avia?"

"Kasama sina Chiro at Siam sa cafeteria."

"Si Ishmael?"

"Umuwi na."

"Si Royalty?"

"Nasa puso mong pedo ka. Tangina, mukha ba kong hanapan ng mga taong hindi mo nakikita?" Inis niyang asik dahilan para mapahagalpak ako ng tawa.

"Ang seryoso mo naman kasi!"

"Tss, ikaw kaya barilin ko tapos iwan sa bulok na bahay na 'yon?"

Tumikhim na lamang ako atsaka umiwas ng tingin.

Tinawagan kami kanina ni Asher at sinabing nakuha na ni Caidence ang last cipher. Ishmael volunteered to get Caidence out of that place dahil saktong nasa mall sila ni Tita Ice na malapit lang sa St. Andrew Village. Ako naman ang inutusan ni Asher na kumuha ng kotse ni Caid dahil naiwan 'yon doon. Nagpasama rin ako kay Eagan para hindi na ako mamasahe pabalik sa village. Since nandoon naman si Daddy, hinayaan niya kaming pumasok basta wala lang kaming gagalawing bagay sa loob. Sabay pa kaming napamura ni Eagan nang makita ang pugot na ulo sa sahig. Pagpasok namin sa kwarto ay may nakaharang na na kulay dilaw na tali, iyong sa mga crime scene na napapanood ko sa TV. Doon lang din namin nakita ang nakasulat sa sahig... the last cipher.

"Hoy! Ano? Tapos ka na magbalik-alaala? Pinapauwi na tayo ni Tito." Eagan snapped me out of my reverie.

Napalingon ako kay Tito Aiden na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

"Ah, sige po. Uuwi na kami." Napapahiya kong sabi sabay tayo.

"Balitaan niyo na lang po kami kapag nagising na siya." Ani Eagan.

Tango na lamang ang isinagot sa amin ni Tito Aiden bago kami tuluyang makalabas. Napailing na lang ako, siguradong alalang alala siya sa anak niya ngayon. Lalo na't silang dalawa na lang ni Caidence sa buhay.

My phone suddenly beeped kaya napatigil ako saglit sa paglalakad.

From: Killian Asher Helix

Cafeteria. Now.

"Hirap na hirap bumuo ng sentence ang loko." Natatawa kong sabi bago hinatak papuntang cafeteria si Eagan.

Naabutan namin silang lahat doon. Nagulat pa ako nang makita kong kumakain si Ishmael sa tabi ni Avia.

"Akala ko umuwi ka na?" Takha kong tanong atsaka naupo sa tabi ni Asher.

"Malamang nagpalit lang siya ng damit and hospital kaya nila 'to, duh." Mataray na sagot sa akin ni Royalty.

"Chill, hindi ko naman inaangkin." I laughed. Inirapan niya na lang ako atsaka uminom ng milktea.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now