WAKAS

224 11 2
                                    

Caidence's POV

"Dad..." I called.

"I'm fine, Caid." Tipid niya akong nginitian.

"I know you're not."

"We have no choice but to be fine. Hindi magugustuhan ng mommy mo kung parehas tayong iiyak." He chuckled.

"We lost them four years ago. Kuya Chance and Clayton died that time but Mom... she survived but still died as well, two years ago." Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

"But now we can have her." Hinawakan ni Dad ang balikat ko. "Let's get your mom back to us. I'm sure she wants to see us too."

Lumabas na kami ng kotse. May mga pulis at imbestigador na roon mula sa Valencia Organization dahil kailangan din nilang imbestigahan ang bahay nila Andrews. Suot ang plastic na para sa sapatos at gloves, sabay kaming pumasok ni Dad sa loob.

Iginiya kami ng isang pulis papasok sa isang kwarto na nasa second floor. Malinis na kwarto ang bumungad sa amin pero hindi iyon ordinaryong silid lamang.

May nakahigang babae sa kama. Nakapantulog siya at tila himbing na himbing lamang sa pagtulog. Hahawakan ko na sana siya para gisingin nang mapansin ko ang salaming nakaharang doon.

"Naka-preserve ang katawan niya sa loob ng salaming 'yan. Hinihintay lamang namin kayong magdesisyon kung ano ang gagawin sa bangkay." Sabi ng pulis na kasama namin.

Nilingon ko si Dad. Sobrang sakit makitang tahimik lamang siyang lumuluha. Nilapitan ko agad siya at niyakap.

"I'm sure she misses Chance and Clayton so much. Maybe this is the right time to let her sleep beside them." Dad smiled bitterly.

***

Makalipas ang dalawang araw, nailibing na namin si Mommy sa tabi nina Kuya Chance at Clayton. Hindi na namin pinatagal pa dahil sa kapal ng waxx na nasa katawan niya.

"Hi, Kuya. Hi, Clay. Kasama niyo na pala si Mommy diyan sa langit, hindi niyo man lang sinabi sa 'kin." I joked but still ended up crying. "Miss na miss ko na kayo."

"I'm sorry, Love. You can now rest comfortably. I promise to look after our daughter. Don't worry, I'll do everything I can to make her happy. Look after Chance and Clayton as well. We love you. I love you... Dianna."

Hinintay naming maubos ang kandila bago umalis. Nag-iwan din ako ng bulaklak para sa kanilang tatlo dahil alam kong paborito nila ang mga 'yon.

Ngayong napabagsak na namin ang Pyronel Organization, magiging mapayapa na ang lahat. Just what we had hoped for.

Napag-alaman ko ring ipinasok sa Logistic Mental Hospital si Allerio para pagalingin but at the same time, there are authorities guarding him. He is convicted of crimes. He really surrendered to the cops, just like he said. Si Heather naman, hindi pa rin namin nakikita. Siguro ay nagpakalayo-layo muna dahil na rin sa nasira niyang pamilya.

I would do the same if I were her. After what happened to my family and seeing how my father destroyed my brother's humanity, I would definitely seek mental peace. She most likely gave herself the rest she deserved. It had been a long and exhausting journey for her. I'm praying for her well-being and happiness. I hope she was able to find it somewhere.

We've lost a lot of people. Darkness has caused us a great deal of pain. We've put in a lot of time and effort to defeat the enemy. Everything was a long and intense experience for all of us. Even though I can't say I'm fine right now, I hope this never happens again. I'm done with brawls. From now on, I want to live a peaceful life. Despite the fact that our lives had changed three years ago, I still wished for a normal day.

I just want everyone to smile from the bottom of their hearts because in that case, we will be able to fight the dilemmas and overcome the challenges of life with ease.

***

AFTER THREE YEARS

"Ayusin niyo ang paghawak! Paano mababasa ni Heather 'yan?" Sermon ni Siam kina Chiro at Haines.

"Itaas niyo pa kaya? Atsaka pantayin niyo." Dagdag pa ni Royalty.

"Ha! Hirap talaga kapag under ng mga jowa." Pang-aasar ni Eagan sa kanila. Hinampas tuloy siya ni Avia.

"Tumulong ka kaya at nang magkadulot ka naman."

"Baby naman."

"Help them, Grey Eagan."

Napakamot na lang ng batok ang pinsan kong unggoy. Pumwesto siya sa gitna ng malaking banner at hinawakan iyon habang nakasimangot.

"Kala mo, ah." Chiro.

"Salita pa." Haines.

"Gago." Eagan.

Napailing na lang ako nang mag-asaran ulit sila. Huminga ako nang malalim bago muling tahimik na naghintay.

"What are you thinking?" Ishmael asked.

Sa sobrang tahimik niya, nakalimutan kong kanina pa pala siya nakaakbay sa akin.

"Iniisip ko kung anong iniisip ng iniisip ni Asher." Sagot ko sabay nguso kay Asher na kanina pa pangiti-ngiti sa harap ng phone niya.

"Malamang iniisip din siya." 

"Grabe, hindi ko inakalang magkakatuluyan silang dalawa at mas lalong hindi ko naisip na magagawa nila kahit LDR."

"Tss, why are you thinking about other's relationship? Nandito naman ako." Singhal niya sabay irap.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Takteng banat 'yan."

"That was not banat. It's a fact."

"Okay, whatever." I rolled my eyes jokingly.

Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw sina Siam at Royalty. Nakalabas na pala si Heather na may bitbit na maleta.

"Welcome back, Heather!!!" We all shouted.

Mukhang hindi in-expect ni Heather na nandito kaming lahat. She hugged us one by one but Ishmael declined.

"May dalaw 'yan, hayaan mo na." Biro ko na lang na ikinatawa nito.

Nang magtama ang mga mata nila ni Asher ay sabay-sabay namin silang inasar. Well, maliban ulit kay Ishmael na suminghal lang. Ewan ko ba sa lalaking 'to, napaka-KJ pagdating sa iba.

Hinila ko siya para makapag-grouphug kami. Grabe, after waiting for years, magkakasama na ulit kaming sampu! We went through a lot of things, and I was relieved to know that we're still together despite the years of minding our own businesses.

Hindi man ako masyadong sinwerte sa pamilya, sobrang swerte ko naman sa mga kaibigan.

I will definitely mark this as one of the best day of mine. Despite all the hardships, troubles and problems, we chose to face it all together. We learned something new as we realized the truth of reality. Indeed, this is the best life I could ever have.

- END -

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now