Prologue

30.2K 485 29
                                    

NAKATULALA lang ako dito sa kwarto Matapos umiyak, masasakit na salita nanaman kasi ang pinagsasabi sa akin ni Inay at Itay.

Sanay na din naman ako sa ganitong set up na kada wala silang pera ay sa akin nila ibubuntong ang galit nila.

Napatingin ako sa braso kong puro bakas ng kamay dahil na din sa higpit ng hawak kanina dito ni Itay.

Masakit ang anit ko at halos buong katawan, hindi lang kasi masasakit na salita ang ginagawa nila sakin.

Sinasaktan din nila ako ng pisikal at ako naman si walang magawa kundi ang umiyak nang umiyak.

Masakit para sa akin kapag ako ay sinasaktan nila at pinagsasalitaan ng ganun.

Sa katunayan ay wala naman akong ginagawang masama, Ako pa nga ang nagtatrabaho at bumubuhay sa kanila.

Pero hindi ko alam kung bulag ba sila o ano dahil kahit anong mabuting gawin ko ay hindi pa din 'yun sapat para tanggapin nila ako.

Maya maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto kaya napatingin ako dun at binuksan ito.

Bumungad sa akin ang tatlong gulang na batang lalaking galing sa iyak.

Siya si Pio, ang bunso kong kapatid, dalawa lang kami at siya ay tanggap nila inay at mahal na mahal.

Pero kahit ganon ay hindi ako nagtanim ng inggit sa kaniya o galit.

"Pio, bakit ka nandito at umiyak ka ba?" tanong ko sabay luhod.

"Aktan ka naman nanay?" bulol na sabi nito at nagbabadya na ang luha.

"Pio, baby bear ko diba sabi ko sa'yo ay 'wag mo nang aalalahanin si Mama bear mo." sabi ko nalang dito.

"Ero aaktan ka nila, huhurt ka mama bear." malungkot na saad naman nito.

Baby bear ang tawag ko sa kaniya dahil ito daw ang gusto niya at mama bear naman ang sakin dahil itinuturing niya daw akong mama niya.

"Okay lang si mama bear ha, 'wag mo na kong intindihin,kumain ka na ba baby bear ko?" iniba ko ang tanong dahil ayoko nang ungkatin niya iyon.

Umiling naman ito kaya napangiti ako dahil alam kong gusto niya na sabay kaming kakain.

Kaya inaya ko na ito sa hapag kahit pa masakit ang katawan ko dahil sa mga bugbog.

Hinain ko na ng kanin at itlog na siyang ulam namin si Pio at buti nalang ay wala na dito sa hapag sila inay at itay.

Sumabay na din ako sa kaniya dahil nakaramdam na ako ng gutom kaya masagana itong kumakain ngayon.

Pagkatapos naming kumain ni Pio ay naghugas na ako ng pinggan kasama na dun ang mga pinagkainan ni inay at itay.

Pagkatapos kong maghugas ay nilinisan ko na si Pio st hinanda na ito matulog.

Kinantahan ko lang siya ng paborito niyang kanta hanggang makatulog.

Lumabas na ako ng silid niya at sarili ko naman ang nilinisan para na din makatulog na.

Ginamot ko na din ang ilang mga sugat at pasa ko sa katawan bago nahiga sa papag.

Hindi ako makatulog kaya naisipan kong lumabas muna ng bahay at maglakad lakad.

Nagsuot lang ako ng jacket dahil malamig ang panahon at saka na nagsimulang mag lakad lakad.

Hindi nama ganun kadilim dahil kahit probinsya ito ay maganda naman ang hadhikain ng mayor at pabor sa aking ang mga ginagawa niya.

Tulad nalang ng pailaw sa bawat kalsada.

Habang naglalakad lakad ay tumitingin lang ako sa dinadaan ko hanggang sa mabunggo ako sa isang matigas na bagay.

Gulat na napatingin ako dito at natulala pa ng tao pala ito at isang lalaking matangkad.

"M-mayor..." utal na sabi ko at agad na lumayo sa kaniya.

Si Mayor Beckham Lincoln Smith ang mayor ng Isabela.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya kinabahan ako dahil baka magalit ito dahil sa hindi sinasadyang pagbangga ko sa kaniya.

"What's your name?" seryosong tanong nito kaya lalo akong kinabahan dahil baka hininhingi niya ang pangalan ko dahil ipapakulong niya ako.

"M-mayor sorry po h-hindi ko po ka—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumabat siya.

"I said what's your name." mas seryosong tanong nito.

"P-phoebe Calista D-david po" nauutal na sagot ko.

"Phoebe, do you always suttering when you're speaking?" Kunot noong tanong nito.

Umiling lang ako.

Itutuloy.
❄️
So here's the Prologue of Phoebe's weep hope you like it, iniba ko kasi ang Plot st dinelete yung naunang Prologue.

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now