Chapter 31

10.6K 206 15
                                    

ISANG LINGGO NA ang nakalipas mula nang magising si Lincoln at isang linggo na ding comatose si Pio.

Hindi lumilipas ang araw na hindi ko pinupuntahan si Pio at kinakausap.

Nagbabakasakaling gigising siya.

"Let's cuddle."sabi ni Lincoln na nasa tabi ko.

Napabuntong hininga nalang ako,sa isang linggong lumipas ay halata mo talagang nag iba siya.

Para akong nagkaroon ng limang bata dahil sa kulit niya,sobrang clingy niya din sa akin.

Pag tinatanong ko naman kung nakakaalala na ba siya ay umiiling lang siya pagkatapos ay susungitan ako.

Hindi din naman tumatagal ang pagsusungit siya sa akin dahil siya din naman ang sumusuyo sa akin.

Hindi niya din ako matiis.

"Hey! I said i want cuddle."pag uulit niya.

"Lincoln,alam mo naman oras na para puntahan ko si Pio."sabi ko sa kaniya.

Ngumuso lang naman siya at tinalikuran ako.

Napailing iling nalang ako at lumabas na ng kwarto niya para puntahan si Pio.

Parang tinutunaw ang puso ko kada makikita ko si Pio na maraming nakakabit sa katawan.

Umupo ako sa upuan na katabi niya at hinaplos haplos ang noo niya.

Gising ka na anak ko,miss na miss ka na ni mama bear.

Magsasalita sana ako para kausapin si Pio nang may kumalabit sa likuran ko.

"Ma'am Davis,pinapatawag ho kayo ni Doc Dave sa room ni mayor Smith dahil nagwawala ito at hinahanap ka."sabi ni nurse Lei.

"Ganun ba? Sige mamaya nalag kami mag uusap ni Pio at aasikasuhin ko muna yung isa."sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya kaya lumabas na ako at bumalik sa kwarto ni Lincoln.

"Stay away from me! All i need is Phoebe,call her!"papasok palang ako ay rinig ko na agad ang galit na boses ni Lincoln.

"Sir,huminahon ho kayo."
pagpapakalma nang mga nurse.

Pagkapasok ko ay una kong nakita ang doctor ni Lincoln.

"Miss David is here now mr.Smith."
pahayag nito.

Napahinto naman sa pagpupumiglas si Lincoln at agad na tumakbo papunta sa akin.

Agad na yumapos ang nga braso nito sa aking bewang at sinubsob ang mukha sa aking leeg.

"Please,paalisin mo na sila."bulong niya.

Tinignan ko naman ang mga nurse at si Doc Dave at nakuha naman nila ang ibig kong sabihin.

Nang makalabas na silang lahat ay inakay ko si Lincoln pabalik sa kama niya.

"Bakit ka na naman nagwala?"
marahang tanong ko sa kaniya.

Hindi pa din siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin na siyang pinabayaan ko nalang din.

"Iwan mo ko e."mahinang sagot niya.

"Eh kasi nga time na para kausapin ko si Pio,bakit ba kasi ayaw mong sumama nalang sakin para di mo ko namimiss."sabi ko.

"Hindi naman kita miss."sabi niya at kumalas na sa pagkakayap.

Naiiling nalang ako sa kaniya,naku ayaw pang aminin na halos isang segundo lang ako di makita o katabi ay nagwawala na.

Ngayon din pala ang araw na dadalaw ang mga magulang ni Lincoln sa kaniya.

Dapat ay nung nakaraan linggo pa ang kaso ay may importante pang inasikaso ang mga magulang niya sa ibang bansa.

Tulog na si Lincoln nang may kumatok sa pinto.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo at lunapit sa may pinto at ito ay binuksan.

Bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni tita Lia at seryosong mukha ni tito Liam.

Pumasok na sila sa loob nang silid at agad na nilapitan ni tita Lia ang anak.

"How's my son?"tanong naman ni Tito Liam.

Itutuloy.
❄️
Bukas po hahabaan ko ulit,medyo busy kasi.
Bakit parang di kayo nagulat nang sabihin ni Phoebe na anak niya si Pio?
Anyway i hope na maganda ang pagsisimula nang klase ninyo and keep safe po<3

BS #2 Phoebe's WeepOnde histórias criam vida. Descubra agora