Chapter 11

14K 304 77
                                    

NATAWA LANG si nanay sa sinabi ni Lincoln at humawak sa braso nito,
Napatingin naman dun si Lincoln.

"Naku! shempre hindi ko dapat pakialaman si Noel sa pagdidisiplina.
Shempre paano matuto ang anak namin kung laging binababy diba." at humagigik siya.

Naiiritang tinanggal naman ni Lincoln ang kamay ni nanay na nakahawak sa kaniya kaya natigil ito sa pagtawa.

"I know discipline is not like that. Pio will be traumatic because of what you did." madiing sabi niya.

Lumakad siya papunta sa akin at inakay kami papunta sa kwarto.

Pinapatahan ko pa din si Pio dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa din ito.

Naaawa na ako sa kaniya. Ang dami niya pasa at mga ilang galos sa katawan.

Napatingala ako kay Lincoln nang iabot niya sakin ang First-aid kit.

"Gamutin mo siya." sabi niya at umupo din kama.

Kinuha ko naman ang betadine at bulak.

Nang kinuha ko ang alcohol ay lalong lumakas ang iyak ni Pio kaya ibinaba ko nalang at nagpahid nalang ako ng ointment sa mga pasa niya.

Binuhat ko siya pagkatapos at hinele.

Maya maya ay nakatulog na ito kaya dahan dahan ko siyang ibinaba sa kama at hinalikan ang noo bago tumingin kay Lincoln.

"D-dito ka muna. Kakausapin ko lang sila nanay."vpaalam ko sa kaniya.
tinanguan naman niya ako kaya lumabas nako.

"Bakit ninyo naman ho sininturon si Pio?" tanong ko kila tatay pagkalapit ko.

"E gagong bata, ninakaw ba naman ang laruan nung anak ni Pedro!" galit na sagot ni tatay.

"Bawiin ninyo ho ang sinabi ninyo.
Hindi magnanakaw si Pio, kilala ko siya. At kung totoo man ho yang sinasabi ninyo sana naman ay hindi niya ginanun ang bata. Hin—"

Isang malutong na sampal ang tumama sa mukha ko ng sampalin ako ni tatay.

"Aba! tumatapang ka ata ineng!? E sa ninakaw nga ng batang yon ang laruan ng anak ng kumpare ko!" sigaw niya sa akin.

"Noel! ano ba hinaan mo naman ang boses mo at baka marinig tayo ni Mayor Smith!" sigaw na bulong dito ni nanay.

Naiiyak na napatingin ako sa kanila at magsasalita na sana nang may maunang magsalita galing sa likod ko.

"What's happening here?" Baritonong tanong ni Lincoln.

"Nag uusap lang kami iho." sabi ni nanay.

"Why are you crying, baby?" imbis na tignan at kausapin si nanay ay sa akin siya tumingin at lumapit.

Tinanggal niya ang buhok ko na sumasakop na sa mukha ko at kitang kita kong nag igting ang panga niya ng makita ang namumula kong pisngi.

"Who slapped MY Phoebe?" seryosong tanong niya.

Napalunok sila nanay sa kaseryosohan ng boses niya at hindi nakapagsalita.

"I said who slapped my baby!?" sigaw ni Lincoln na nagpatalon sa amin pare pareho.

Hinawakan ko ang braso niya at tumingkayad at bumulong.

"Wag kang sumigaw. Baka magising si Pio." bulong ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin at pumikit nang mariin bago tumango.

"Hindi ba talaga kayo sasagot?" mas mahina niya nang tanong.

"A-a-Ako ho m-mayor." nanginginig pa si tatay habang sinasabi niya iyon.

Nagulat ako ng lumakad papunta sa kaniya si Lincoln at kinuwelyuhan siya.

"Alam mo, palalampasin ko na sana ang pananakit mo kay Pio but this.
Yung saktan mo na si Phoebe ay hindi,hinding hindi. This is my last warning to the both of you. The next time you hurt either Pio or Phoebe i will make your life miserable."
malamig na sabi ni Lincoln at pabalang na binitawan si tatay.

Itutuloy.
❄️
    

         Hope you all have a good day!
                                    💙

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon