Chapter 12

14.2K 294 158
                                    

NANDITO kami sa kwarto at nandito pa din si Lincoln,ayaw niya daw umuwi dahil baka saktan na naman kami ni tatay o nanay.

Pinapauwi ko na nga dahil hindi na kami magkakasyang tatlo sa kama.

"Lincoln umuwi ka na kasi, hindi na din naman kami lalabas ni Pio saka for sure natakot na sayo sila nanay."
sabi ko sa kaniya.

"Oo nga po tito Beckham." sangayon ni Pio.

"But baby." nakangusong reklamo ni Lincoln.

"Umuwi ka na." sabi ko sa kaniya at inayos ang higaan namin.

"Thélo na koimitheís dípla mou."
bulong niya na narinig ko naman.

"Tito, ano po yung sinasabi ninyo?"
tanong ni Pio.

"Nothing." sagot naman ni Lincoln at tumayo na.

Lumapit siya sa akin at yumakap sa aking bewang,isiniksik din niya ang mukha sa aking leeg.

"Baby, please i want to sleep here."
malambing na boses na sabi niya.

Naiiling nalang ako sa sinabi at ginawa niya.

Di nagtagal ay pumayag na din ako kaya't ang ang loko ay tuwang tuwa at sa lapag man siya matulog.

Nagbigay lang ako sa kaniya ng kumot at unan.

Ngayon ay naliligo siya at ako naman ay binibihisan si Pio, naglagay din ako ulit ng ointment para madaling gumaling ang mga pasa at galos niya.

Bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napatingin ako dun at natulala.

Paano ba naman hindi matutulala kung makakakita ka ng pandesal sa gabi.

Naka itim na jogger pants si Lincoln at kitang kita ko ang mga pandesal sa tiyan niya.

Nasuot niya na ang damit kaya naman nahihiyang nag iwas ako ng tingin.

"I'm going to sleep now." pahayag niya pero nakatayo pa din naman sa aming harapan.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok sa banyo upang itapos ang ilang bulak na natapon.

Pagbalik ko ay nakatayo pa din siya dun at nakatingin sa akin.

Pinahiga ko na si Pio at hinaplos haplos ang tenga,ayun kasi ang gusto niya.

Hindi siya makakatulog hanggang hindi ko hinahaplos haplos ang tenga niya at nakasanayan ko na din.

Nang makatulog na si Pio ay nagulat pa ko ng makitang nakatayo pa din sa harapan ng kama si Lincoln.

Bumangon ako sa pagkaahiga at kunot noong tinignan siya.

"Akala ko ba matutulog ka na?" tanong ko sa kaniya.

"W-where's my goodnight kiss?"
nahihiyang tanong niya at nag iwas ng tingin.

Namumula ang tenga niya at pisngi na ikinatawa ko sa aking utak.

"Lumapit ka sakin." sabi ko.

Lumapit naman siya at yumuko.

Hinalikan ko ang pisngi niya pero hindi pa din siya unaayo ng tayo at nakayuko pa din.

Humarap siya sa akin kaya naman natulala ako saglit.

"That's not a kiss." seryosong sabi niya.

"H-ha?" nauutal na tanong ko.

"That's not a kiss, This is the kiss."
pagkatapos ay nilapat niya ang labi sa aking labi.

Nanlalaki ang matang nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay nakapikit habang magkadikit pa din ang mga labi.

Hindi ako sumasagot sa mga halik niya pero pursigido siya at mas nilaliman pa ang halik.

Tumagal din siguro ng limang minuto ang paghahalikan namin bago siya bumitaw at nakangiting nakatingin sakin.

Itutuloy.
❄️
 Taray 5 minutes, grabe ka na, Mayor!

Translation: "I want you to sleep next to me."

Social media accounts:
Fb: ZariyahDeniseWp
Tiktok: ZariyahDenise Wp
Twitter: ZariyahDenise
Meron din po kaming gc, just message me :)) enjoy reading!

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now