Chapter 46

11.5K 169 18
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil balak kong ipagluto ng almusal si Pio.

"Oh,Phoebe iha ang aga mo atang gumising?"tanong ni tita Lia nang makasalubong ko.

May hawak siyang kape at kakagaling niya lang sa may kusina.

"Gusto ko po kasing ipagluto ng agahan si Pio."nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Oh,ganon ba?Nakapagluto na ako pero sige magluto ka pa ng almusal ni Pio dahil kaya naman itong ubusin ni Lincoln."sabi nito na siyang nagpalawak ng aking ngiti.

Pumunta na siya sa kwarto nilang mag asawa,ang sabi niya ay gigisingin niya lang si tito Liam.

Ako naman ay nagsimula nang lutuin ang mga pagkain na paborito ni Lincoln.

Sayang nga lang at wala nang stock ng tocino kaya naisipan ko nalang gumawa ng scramble egg at sinangag.

Pero ang sinangag na niluluto ko kay Pio ay iba,meroon itong kasamang maliliit na ham,hotdog,at nilagyan ko din ng oyster sauce.

Dati ay hindi ko naman talaga ito nilalagyan ng mga ham o hotdog,
dinagdag ko lang ngayon.

Nang matapos kong maluto ang lahat ay naghain na ako at sakto namang bumaba na ang mag asawa pati na din sila Lincoln At Pio.

Kasunod din nila si Elias.

Uupo na sana ako sa tabi ni Pio kaya lang ay inupuan naman ni Lincoln kaya napapahiyang lumipat nalang ako sa tabi ni Elias.

"Pio,ito oh try mo.Niluto ko ito para sayo."nakangiting sabi ko kay Pio habang itinuturo ang pagkaing niluto ko para sa kaniya.

"I don't want that."nawala ang ngiti ko sa kaniyang sinagot.

"Daddy,put a lot of milk on my cereal."
sabi nito kay Lincoln na siyang tinaguan naman ng isa.

Nakatingin sa akin sila tita Lia,tito Liam at Elias kaya napapahiyang nagbaba nalang ako ng tingin.

Akala ko pa naman ay matutuwa si Pio pag nakita niya ang niluto ko.

"Pio,no cereal for today.Eat what Phoebe cook for you."nagulat ako sa sinabi ni Lincoln.

A-akala ko ba ay naglagay siyang gatas sa cereal?

"But daddy......"

"Don't make me mad Pio."masungit na sabi ni Lincoln at nagsimula na itong kumain.

Napatingin ako kay Elias nang lagyan niya ng Pancake ang pinggan ko.

"I believe Phoebe can do that in HER SELF."biglang sabi ni Lincoln kaya napatigil sa paghihiwa ng pancake ko si Elias at napatingin sa kaniya.

"I know,i just want to do it."malamig na sagot naman ni Elias sa kaniya.

Umigting ang panga ni Lincoln sa sinagot ni Elias at lalo na nang itinuloy na nitong muli ang ginagawa.

"I'm done."maya maya ay sabi ni Lincoln at umalis.

Nakita kong hinatid ng tingin ni Pio si Lincoln.

Matapos namin mag agahan ay nandito ako sa likod ng bahay nila tita Lia at pinagmamasdan maligo sa pool si Pio.

Tuwang tuwa siya sa tubig,kasama niya si tito Liam dahil ayaw na naman daw lumabas nang kwarto ni Lincoln.

"Iha,what are you doing here?common."tanong sakin ni tita Lia nang makita niya akong nasa gilid lang at nakasilip.

"Ayoko ho kasing mailang sa akin si Pio."nahihiyang sabi ko.

Totoo iyon,kahit hindi sabihin sakin ni Pio o nila tita Lia ay ilang na talaga siya sakin mula nang pumunta kami dito.

"Iha,kapatid mo naman si Pio at masasanay din naman siya ss presensya mo kaya halika na."yayang muli ni tita Lia at hinawakan na ang braso ko.

Napahinto sa pagtawa si Pio nang makita akong pumasok at dumikit itong lalo kay tito Liam.

"Pio."tila nanaway na wika ni tito Liam pero umiling lang si Pio.

Isinubsob nito ang mukha sa leeg ni tito Liam.

Parang kinurot naman ang puso ko dahil sa inasta niya.

Kaya naman lumayo nalang ako sa may swimming pool at umupo sa malayong upuan.

Makikita ko pa naman din siya pero sila ay hindi masyado.

Maya maya ay siguro akala ni Pio ay umalis na ako ay muli na itong nakipaglaro kay tito Liam at tumawatawa.

Nawala ang atensyon ko kay Pio nang pumasok sa eksena si Elias.

Naka short lang ito at walang pantaas kaya kitang kita ang kaniyang katawan.

Hindi ko alam na may abs pala siya at masasabi kong alagang alaga ito sa gym.

Lumakad siya papunta sa akin at tumabi.

"Gulat ka noh?"sabi niya na natatawa kaya inis na hinampas ko ang braso niya na nagpatawa ng malakas sa kaniya.

Nagtatawanan at nagkukulitan pa kami ng mapatigil kami dahil sa tili ni tita Lia.

Napatingin ako sa may bungad at nakita ang nakatayong si Lincoln na seryosong nakatingin sa akin.

Tanging short na puti lang suot niya kaya kitang kita namin ang katawan niya na talaga namang maganda.

He has those six pack abs that you can stare all day and a toned chest that can fight for you.

Hindi ko napansin na lumapit na pala siya sa amin dahil sa pagkakatulala ko.

"Laway mo tumutulo."para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi niya at dali daling kinapa ang bibig ko.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin ng wala naman akong nakapang laway at nang iinis lang siya.

Tumatawa pa nga ang loko.

Itutuloy.
❄️
Hi! Sorry for being inactive, Naging busy lang po sa pagsagot ng mga school works hehe.
Anyway chapter 47,at epilogue na! Oh diba ang bilis,ganyan talaga HAHAHA
Babawi ako sa last 2 chaps promise!
Love u guys,keep safe💜
This chapter is dedicated toj_rys17

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now