Chapter 34

11.6K 219 23
                                    

MAGANDA ANG mood ko ngayong araw dahil sa halos mahigit na isang linggong coma si Pio ay ngayon gising na siya.

Pero hindi pa din talaga siya ganun ka respond kapag kinakausap at hindi pa nakakapagsalita.

Pero kahit mabagal ang usad ng pag galing ni Pio ay natutuwa pa din ako dahil sa konting prosesong iyon ay kapag pinagsama sama ay lalaki.

Si Lincoln naman ay as usual ay masungit pa din sa akin pero sobrang clingy pa din.

Tumawag din kanina sila Zyair sa akin at sinabing dadalawin nila si Lincoln maging si Pio.

Sinabi din ni tita lia na ngayon ay pupunta dito ang iba pang kaibigan ni Zyair.

May kumatok sa pinto kaya tumayo ako at sumunod sa akin ang tingin ni Lincoln.

Nandito kasi ako sa kwarto niya dahil kanina ay nakay Pio ako pero tuloy na ito ngayon.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha.

"Hi! Dito ba naka kwarto si Beckham?"tanong ng lalaking kulay berde ang mga mata.

May kasama siyang isang babae at tatlong magkakamukhang bata.

"Nabalitaan kasi namin ang nangyari kay Beckham,by the way I'm Russell Ricadalgo and this is my wife, Celeste Ricadalgo."pakilala ni Russell.

"G-ganun ba sorry ha, sige pasok kayo."nakangiting paanyaya ko papasok sa kanila.

"Adonis,Apollo,Cletus behave ha."saway ni Celeste sa mga bata na mabilis na nagsitakbuhan papasok

"Sino kayo?"pagkasara ko palang ng pinto ay narinig ko na ang medyo takot na tinig ni Lincoln.

"Dude di mo ba talaga kami naalala?"
tanong ni Russell.

Tumingin naman sa akin si Lincoln at nabanagan ko ng takot ang kaniyang mga mata.

Napabuntong hininga naman ako at lunapit sa kaniya,agad nitong ipinulupot ang mga braso sa aking bewang.

Magsasalita sana si Celeste nang bumukas ang pintuan at pumasok doon sila Tita Lia at Tito Liam.

"Oh! Ricadalgo fam nandito na pala kayo,oh hi there triplets!"masiglang bati ni tita Lia sa kanila.

Nagbeso sila tita Lia at Celeste ganun din kay Russell at nakangiting tumango naman si Tito Liam sa mga ito.

Ang tatlong bata na triplets pala ay yumakap naman kila tita.

"Phoebe, Kilala mo ba sila?"bulong na tanong sa akin ni Lincoln.

"Iho,Beckham anak si Russell ang kababata mo.Alam kong hindi mo pa siya naalala pero nasabi ko din kasi sa kaniya ang kalagayan mo ng minsan kaming mag usap.Kasama niya din ang asawa niyang si Celeste Afiya at ang triplets nila."paliwanag ni Tita Lia.

"Tito,Kham ano po sakit ninyo?"
tanong ng isa sa triplets.

Pero imbis na sumagot si Lincoln ay ibinaon lang nito ang mukha sa aking leeg at hindi sinagot ang bata.

"Mimi,Hihiya po si tito Kham?"tanong nito sa ina.

Natatawang tumango naman si Celeste sabay hawak sa medyo may kalakihan na nitong tiyan.

"Iha,Celeste ilang buwan na iyang nasa sinapupunan mo?"tanong ni Tita Lia.

"5 months na po tita,sa susunod na buwan ay malalaman na namin ang kasarian."nakangiting sagot naman ni Celeste.

"Baby, I'm 100% sure that this is a twins."natatawang sabi naman ni Russell.

Natawa din kami maging ang mga bata na kahit hindi maintindihan ang pinag uusapan ay nakikitawa din dahil tumatawa ang mga magulang.

"Naku hindi malabo ang sinasabi mo Russell iho,sa una pa nga lang ay nakatatlo na kayo e."natatawa namang sabi ni Tito Liam.

Naputol ang tawanan namin ng marahas na bumukas ang pinto.

"Tangina!bitawan ninyo nga ko kailangan ko lang maghingi ng pera sa anak ko at mamatay na kami sa gutom!"rinig ko ang pamilyar na sigaw.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang tuluyang makapasok sila nanay at tatay.

Pansin kong kapwa silang pamayat at maitim ang ilalim ng mga matang mapula.

"Hoy!Phoebe pagsabihan mo nga itong nars na to!Kung makapagbawal sa amin!pribeyt pribeyt pang nalalaman ang mga hayop!"sabi ni nanay.

Mabilis akong kumalas sa pagkakayap kay Lincoln at pinuntahan sila nanay.

Ang triplets ay nasa likod nila Russell at tinatakpan ni Celeste ang mga tenga ng mga ito.

"N-nay tay wag naman ho kayong mag eskandalo dito.Nakakahiya."sabi ko sa kanila.

"Nurse,Kuya guard bitawan ninyo po sila,ako na po ang kakausap sa mga magulang."nanginingig ako habang sinasabi iyon.

Tumango naman ang tatlong guard at ibang nurse at lunabas nang silid.

Hinawakan ng mahigpit ni tatay ang braso ko at kinaladkad ako palabas.

Narinig ko pa ang sigaw ni Lincoln sa pangalan ko at mga nag aalalang boses nila tita at tito maging nila Celeste.

Huminto sa pagkaladkad sa akin si itay nang nasa may parking area na kami.

"Oy!bigyan mo kami ng pera at wala na kaming makain!"sabi ni nanay at pinakita sa akin ang kamay niya.

"N-nay kakapadala ko lang po sa inyo 3 days ago ng p-pera.Wala wala na rin ho ako may mga gamot pang iinumin si Pio."naiiyak kong sabi.

Simula kasi nang a nandito kami sa  hospital ay bigla nalang nagpakita sa akin si nanay at naghihingi ng pera.

At dahil ayoko sa gulo ay nagbigay nalang ako pero sobra na ito,
kailangan ko pang bayaran ang mga gastusin ko kay Pio.Nahihiya din kasi akong ipabayad pa iyon sa mga magulang ni Lincoln.

"Ano namang pakialam ko sa batang yon!?Ang kailangan namin ay pera hindi yang drama mo putangina naman!"sigaw ni tatay.

Tuluyan na akong naiyak,alam ko naman na wala silang pakialam kay Pio pero sana magkaroon man lang sila ng konsidirasyon.

"Pasensya na ho pero wala talaga na akong mabibigay sa inyo,kahit magsisigaw pa kayo dito ay walang wala na din ho ako."nagtitimpi kong sabi at aalis na sana ng marahas na hablutin ni nanay ang braso ko.

"Aba't sumasagot ka na ha!tangina mo anong karapatan monh sigaw sigawan kami!?kung hindi lang dahil diyan sa lalaki mo ay mahirap ka pa din naman!ayaw pang aminin na hinuhuthutan mo din yon ng pera!"sabi ni nanay at sinampal ako.

Napahawak ako sa aking pisngi na sinampal niya at napayuko.

"Kaya wag mo kong inisin!amina ang pera!"sigaw pa ni nanay at nilahad ang palad niya.

"Punyeta naman Phoebe wag mo kong pinaghihintay at ilagay mo na sa palad ko ang pera!bilis!"sigaw niya kaya wala na kong nagawa kundi ibigay ang huling pera ko na sana ay pambiling gamot ni Pio.

"Magbibigay din pala!dami pang arte.Halika na Noel."sabi ni nanay at hinatak na paalis si itay.

Dahan dahan akong napaupo sa sahig at iyak ng iyak.

Sorry Pio anak,may pambili ka pa sana ng gamot mo pero kinuha pa ng mga sakim mong lola at lolo.

Nang huminahon ako ay pumunta muna akong cr at naghilamos bago pumunta kay Pio.

Parang hindi ko kasi kayang bumalik pa kila Lincoln dahil na din sa kahihiyang ginawa nila nanay.

Nang makapasok ako sa silid kung nasaan si Pio ay para na naman akong maiiyak.

Itutuloy.
❄️
Dapat 2kwords ito pero pigang piga na utak ko kaya sa susunod nalang kaya mag tiis muna kayo sa 1k words hehe.
Anyway stay safe everyone 💜✨

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon