Chapter 22

12.6K 238 30
                                    

KASAMA namin sila Paul at Kiko dito ngayon sa penthouse,nang magkita kasi kami sa elavator ay inaya sila ni Lincoln.

Nung una ay hindi sila pumayag sa kadahilanang nahihiya sila pero kalaunan ay pumayag din.

Ngayon nga ay nandito sila at nakikipaglaro kay Pio na ngayon ay tawa ng tawa.

"Tito,Kiko bakit po puro sugat ang face ninyo?"rinig kong tanong ni Pio nang humupa ang tawa nito.

"A-ah e nakipaglaro kasi kami,t-tapos nadapa kami."medyo alanganing sagot ni Kiko.

Iniba naman ni Paul ang usapan kaya napatawang muli si Pio at mukhang nakalimutan na din ang naitanong.

Binalik ko ang paningin sa aking nilulutong sinigang na hipon nang may yumakasap sa akin sa likuran.

"Baby,You should rest.I know na pagod na pagod ka,sana ako nalang pinagluto mo."malambing na bulong ni Lincoln.

"Baka sumakit lang ang tiyan nang kakain ng luto mo."natatawa kong sabi sa kaniya.

"Baby."ungot niya sa akin.

Napapailing nalang ako sa kaniya,
wala kasi siyang talento sa pagluluto at nung minsang siya ang naunang magising at nagluto ay muntik pang masunog ang penthouse niya.

Kaya ang naging resulta ay nag padeliver nalang kami dahil puro itim ang mga naluto niya.

Nang maluto na ang ulam ay kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Lincoln at siya na ang naghanda ng mga pinggan.

Nang maihanda na namin lahat ay tinawag na namin sila Pio.

Pinagsandukan ko na ng kanin at sabaw si Pio habang si Lincoln ay ganun din ang ginawa sa akin.

Favorite ni Pio ang hipon kaya makikita mo talaga sa mukha nitong excited siya.

Magbabalat na sana ako nang maglagay nang tatlong hipon si Lincoln sa pinggan ko.

Nang tignan ko ito ay patuloy pa itong nagbabalat.

Napailing nalang ako sa kaniya,
binigay ko muna ang mga nilagay ni Lincoln sa pinggan ko dahil dun nakatingin si Pio.

Wala naman akong reklamong narinig kay Lincoln bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang pagbabalat.

Ang dalawang lalaki ay magana ding kumakain.

Matapos kaming kumain ay si Lincoln na ang nagprisintang maghugas at ako naman ay dumiretso sa kwarto.

Maliligo ako dahil ramdam ko na ang lagkit ng aking katawan at hindi na ako komportable.

Habang nagsasabon ako ng katawan ay bigla nalang bumukas ang pinto kaya gulat kong tinakpan ang aking katawan.

Nang makita ko kung sino ito ay bigla akong pinamulahan nang pisngi.

Walang iba kung hindi ang mayor ng Isabela, Beckham Lincoln.

"L-lincoln,ano bang ginagawa mo dito?Alam mong naliligo ako e."
Inis kong sabi at kukuhain na sana ang twalya nang hilahin niya ito.

Basta niya nalang nilapag ang twalya sa sahig kaya napailing nalang ako,
basa na ito.

Pagkatapos naming sabay maligo ni Lincoln dahil ipinilit niya talaga ang gusto.

"Mama bear!"sigaw ni Pio at tumalon sa may kama.

"Pio,dahan dahan ka,baka ikaw mahulog.Sige ka papangit ka."saway ko sa kaniya.

"Ayaw ko po maging kamukha ni tito Beckham."inosenteng sagot niya.

Napatigil naman sa pagdadamit si Lincoln sa narinig at namamanghang tinignan si Pio na ngayon ay nakangiti nang nakakaloko.

Itutuloy.
❄️
BS 3 prologue will be posted later at 10pm.

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now