Chapter 9

13.6K 289 32
                                    

NAKAYAKAP PA din sa akin si Lincoln paglabas ni Navya,nagtataka man ay hinaplos haplos ko nalang din ang likod niya.

"M-may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya habang hinahaplos haplos pa din ang likod niya.

Narinig ko namang bumuntong hininga ito bago kumalas sa akin.

"I'm just tired." sabi niya at umupo sa swivel chair niya.

"Gusto mo bang imasahe kita?" tanong ko.

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya at paglunok,tumango din naman siya.

Pumunta na ako sa likod niya at inumpisahang masahiin ang balikat pababa sa likod niya.

Nakapikit lang naman siya habang ninanamnam ang sarap.

Maya maya ay pinatigil niya na ako at sinabing pupunta na kami sa bahay ng mga magulang niya.

Umusbong na naman tuloy ang kaba ko.

Kinuha lang niya ang cellphone, wallet at susi ng sasakyan.

Ang Jaguar niya kasi ang gagamitin namin.

Pinagbuksan niya na ako ng pinto at sumakay na ako,umikot siya para sumakay sa driver seat.

Siya na din ang nagkabit ng seatbelt ko tulad ng palagi niya nang ginagawa.

Halos trenta minuto ng nakarating kami sa malaking bahay.

Nakita kong may nakaparada nang ashton martin doon.

Pinagbuksan niya ako ulit at inalalayan lumabas.

Mas lalo akong namangha habang papasok kami sa bahay.

Napakalawak nito at napakalinis,
maraming halaman sa gilid gilid at bulaklak.

Nang pumasok kami sa loob ay mas lalo akong namangha lalo na nang makita ko ang litrato ng dating mayor.

Ang tatay ni Lincoln,Josiel Liam Smith.

Nang nasa sala na kami ay nakita ko ang napakagandang asawa ng dating mayor.

"I'm glad you came my son." sabi ng tatay ni Lincoln.

Nakangiti naman sa aming dalawa ang ginang.

"And who's this beautiful lady beside you?" tanong pa si ni sir Josiel.

"Mom, Dad. I want you to meet Phoebe, my girlfriend." sagot ni Lincoln sa ama.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ng ginang nang sabihin iyon ni Lincoln.

"Oh my goodness! Finally after many many years! you finally have a girlfriend!" masayang sabi ng ginang.

Lumapit ito sa amin at nagulat ako ng bigla akong yakapin nito, napatingin ako kay Lincoln na napapailing nalang sa inasal ng ina.

"Mom! she can't breathe." sabi niya kaya naman napipilitang bumitaw ang ginang at nakasimangot na nakatingin sa kaniya.

Iginiya ako nito sa kulay gintong sofa.

"Phoebe, iha tell me.Hindi ka naman siguro pinilit ng an—"

"Mom! I will never forced a girl, you know that." naiinis na sabi ni Lincoln.

Napatawa naman ang ginang maging ang dating mayor at ako.

"I know i know, I'm just kidding. Pikon agad ang baby ko." natatawang sabi nito.

Itutuloy.
❄️
Hello! I just want to clarify something.
Lahat po ng names ng character ko ay galing sa google kaya po if ever na may mabasa kayong kapareho ng name ng ibang stories ay hindi ko po iyon ginaya.Pinili ko po iyon dahil sa tingin ko ay nababagay sa character ko ang ganung pangalan and wala pong kinalaman doon ang ibang stories.Salamat po!

        Hope you all have a good day!
                                    💙

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now