Chapter 39

10.8K 185 46
                                    

NAKATINGIN LANG ako sa kaniya habang pababa siya ng sasakyan niya.

"Oh? You're here pala Phoebe."
kunwaring nagulat pang sabi ni Elias.

"Ano na namang bang pakulo ito Elias?"naiiritang tanong ko.

Nagulat ako ng bigla siyang magseryoso,then he cleared his throat before speaking.

"I know the truth Phoebe."seryosong sabi niya.

"A-anong totoo ba ang sinasabi mo?"
naiiritang tanong ko pa din.

Ewan ko ba at inis na inis ako sa mukha ng lalaking ito.

"Pio is my son."sabi niya nagpakaba sa akin.

"At ngayon ay sinundan kita dahil gusto kong makita si Pio."ani pa niya.

"Nasaan siya Phoebe?"magsasalita na sana ako pero nauna siya.

"H-hindi mo na siy-"

"What the hell!?Anong hindi pwede e ako ang tatay niya!?"nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya.

"Ah sir,May problema ho ba kayo?Kung meron ay wag na ho sana dito nakakaabala na ho kasi sa ibang tao."sabi ng mama na dumaan sa amin.

Agad naman akong hinila ni Elias papasakay sa kotse niya at mabilis niya itong pinaharurot kahit di pa ako nakakapagseatbelt.

"Ano ba!Saan mo ba ko dadalhin!"
sigaw ko sa kaniya.

"Gusto kong makita ang anak ko."
sagot niya.

"Tell saan kayo nakatira."sabi pa niya.

"Wag mo kong inisin Phoebe,isa dalawa tat-"

"Oo na oo na!Nawawala si Pio!"sigaw dahil na din sa frustration.

"W-what do you mean?"nauutal na tanong niya.

"Kaya ako galing sa police station dahil akala ko ay si Pio na ang nakita nila pero ibang bata pala,at dalawang araw na ding nawawala si Pio.Wala naman akong magawa dahil kahit isang picture niya ay wala ako at sira din ang cctv sa amin nang mawala siya."paliwanag ko.

"Damn."rinig kong bulong niya.

"I-i'm sorry,naglilinis kasi ako at hindi ko na napansin na lumabas na pala si Pio,a-alam kong kasalanan ko pero kakapalan ko na ang mukha ko.
Tulungan mo akong mahanap siya,
h-hindi ko kaya mawala ang anak ko."
pagmamakaawa ko sa kaniya.

Oo, desperado na akong mahanap si Pio.

Sa dalawang araw na nawawala siya ay ang dami dami ko nang naiisip na maaaring masamang mangyari sa kaniya.

"Parang awa mo na Elias tulungan mo akong h-hanapin ang anak natin."sabi ko pa.

Kinalas niya ang seatbelt niya bago ako niyakap at hinalikan ang noo ko.

"Shh,tahan na mahahanap natin si Pio."pagpapatahan niya sa akin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Elias."umiiyak na sabi ko sa kaniya.

Maya maya nang tumahan ako ay pinaandar niya nang muli ang sasakyan at pumunta kami sa kilala daw niyang magaling na Investigator.

"I know luke can help us to find Pio.So don't worry we will do our best to find our son."sabi ni Elias at muli akong hinalikan sa noo.

Bumaba na kami ng sasakyan niya at pumasok sa magarang bahay.

Pinagbuksan kami ng guard ng gate at pumasok na kami sa loob ng malaking bahay.

"Hey,Dude anong ginagawa mo dito?"
tanong ng lalaking may angking gwapo ang mukha.

"Luke,we need your help."sabi naman ni Elias.

"My son,oh no our son is missing.I know you can do something about it."sabi pa nito.

"Wait a minute?May anak ka na?Kailan pa?"naguguluhan tanong naman ni Luke.

"Luke naman!Hindi na yan importante ang importante ay mahanap na agad ang anak namin,
ayon kay Phoebe ay dalawang araw na itong nawawala."naiinis na sabi ni Elias.

"Elias."banta ko sa kaniya.

Bata palang kami ay kilala ko na si Elias bilang pikon at dapat ay makuha ang gustong makuha kung hindi ay magkakaalaman na.

"Okay dude,chill nagtatanong lang naman galit ka agad."sabi naman ni Luke na natatawa pa bago buksan ang laptop.

"Babalitaan ko nalang kayo kapag may lead na ako kung nasaan ang bata.For now kasi ay zero clue pa lalo na at wala kayong mapakitang picture."sabi ni Luke.

"Ano ba ang buong pangalan ng bata?"tanong pa nito.

"Pio Miguel."sagot ko dahil hindi naman alam ni Elias ang buong pangalan nito.

"Okay,bigyan ninyo ko ng isang araw at ibabalik ko sa inyo si Pio Miguel."
sabi ni Luke.

Tumango lang naman ako at nag usap muna sila sandali ni Elias bago kami umalis.

"Nagugutom ka na ba?"tanong niya nang nasa sasakyan na kami.

Tumango lang ako at iniwas ang tingin upang tumingin sa labas ng bintana.

Maya maya ay pumarada ang sasakyan ni Elias sa drive thru ng mcdo.

"What do you want?"tanong niya.

"Ikaw nalang ang pumili sa akin."
sagot ko dahil ang totoo ay hindi ko alam din ang gusto ko dahil na din sa pagkalutang ng isip ko.

Tumango naman siya at sinabi sa crew ang mga napili niyang pagkain.

Maya maya umusad na muli ang sasakyan hanggang sa ibigay sa kaniya ang mga pagkain.

Nagulat pa nga ako dahil ang dami niyang inorder,merong dalawang chicken fillet wth rice,meron ding dalawang coke float at dalawang bff fries with 2 burger fillet at dalawang malalaking coke.

"Bakit ang dami mo namang binili?"
tanong ko sa kaniya.

"Gutom ako e."sagot niya at sinimulan nang kumain.

Pumarada muna kami sa may gilid habang kumakain.

Nasarapan ako sa chicken fillet kaya agad ko itong naubos.

"Gusto mo pa?"tanong ni Elias at inalok sa akin ang burger chicken fillet.

Nahihiyang tumango naman ako at kinuha ang binibigay niyang burger.

Bigla ay nakalimutan ko ang problema habang kumakain.

Nang maubos namin ang lahat at fries nalang ang natira ay umandar na ang sasakyan.

Kumakain ako ng fries habang umaandar ang sasakyan.

"Subuan mo naman ako."biglang sabi ni Elias kaya nagtaka ako kung hindi niya lang nginuso ang fries na hawak ko.

Naiilang man ay sinubuan ko na siya ng fries,siya naman ang bumili.

Tumagal nang halos bente minutos bago ihinto ni Elias ang kotse niya sa tapat ng aming maliit na bahay.

At hindi na ako nagtaka nang pagkalabas ko ay lahat ng kapit bahay namin ay nakatingin sa akin.

Itutuloy.
❄️
I miss Chicken fillet with rice🍟🍔 🍗
Anyway hello!This will be my last update for this week kasi magiging busy ako sa acads:)Hope you all understand and i hope y'all have a good day!Stay safe everyone 🦋✨

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now