Chapter 41

10.6K 184 18
                                    

KINAKABAHAN AKO habang nakatingin kila nanay na nakataas ang kilay na nakatingin kay Elias.

"At sino ka naman?Bago ka bang lalaki nito si Phoebe?"tanong ni nanay.

"My name is Elias,ma'am.Father of Pio."sagot naman ni Elias.

"Aba!ikaw pala ang tarantadong bumuntis jan sa babaeng yan."natatawang sabi ni nanay.

"Alam mo bang hindi iningatan nang babaeng yan ang anak ninyo kaya ngayon ay nawawala?"natatawa pang segunda ni itay.

"Mawalang galang na ho sir,Pero hindi ako sangayon sa sinabi ninyo.
Opo hindi ko nakita kung paano pinalaki ni Phoebe ang anak namin pero naniniwala naman po akong hindi niya pinabayaan si Pio."sabi ni Elias na nagpatibok ng malakas sa puso ko.

Pinapanigan niya pa din ako at pinagtatanggol katulad ng dati.

"Aba't sumasagot ka!?"galit na sigaw ni tatay.

Agad siyang lumapit kay Elias at kinuwelyuhan ito,agad ko naman silang inawat.

Kilala ko si tatay,alam kong kahit hindi sila masyadong kilala pag nagalit siya dito ay sasapakin niya agad.

"Tay!bitawan ninyo po siya!"natatarantang sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa kwelyo ni Elias,si Elias naman ay hindi gunagalaw o ano man.

Wala lang talaga siyang reaksyon.

"E bastos naman tong lalaki mo!"
sigaw ni tatay sa mukha ko at pabalang na binitawan si Elias na bahagyang napaatras.

Si nanay naman ay pinaikutan lang kami ng mata at padabog na pumasok sa kwarto nila,agad namang sumunod si tatay sa kaniya.

Naiwan kaming dalawa ni Elias.

"Pasensya ka na,p-pwede ka nang umuwi."nahihiyang sabi ko sa kaniya makalipas ang ilang sandali.

"Sila ba talaga ang mga magulang mo?"akala ko hindi siya magsasalita pero napaangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa tinanong niya.

"A-ano bang klaseng tanong yan Elias?"pekeng tawang tanong ko.

"I'm serious Phoebe.Sila ba talaga ang mga magulang mo?Bakit ganun ka nila tratuhin?"seryosong tanong niya na nagpahinto sa pagtawa ko.

"Sa kanila ako nagkamalay kaya alam kong sila ang mga magulang ko."
tanging sagot ko at tumalikod sa kaniya.

Bastos man na talikuran ang kausap kaso hindi lang talaga ako komportable sa tinatanong niya.

Mahina pa akong napatalon nang hawakan niya ang braso ko kaya muli akong napatingin sa kaniya.

"I'm sorry,i shouldn't asked that."sabi niya at bumuntong hininga.

"U-umuwi ka na."sabi ko.

Itutuloy.
❄️
Very short update again🤭 babawi po talaga ako promise pero hindi pa ngayon:)Anyway gusto ninyo po bang magkaroon tayo ng gc?if gusto ninyo po add ninyo lang ako sa fb Zariyah Denise at iMessage ninyo po ako if want ninyo:)hindi naman po ako nagfefeeling famous or what gusto ko lang po kayong makilala☺️
Comment nalang din po kayo para  mai inform ako thank you.

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now