Chapter 6

14.3K 277 69
                                    

NANG tumahan na si Pio ay pinaupo ko na siya sa aking kandungan at sinandal naman niya ang ulo sa aking balikat.

Nakatingin lang naman sa amin sila nanay at si Lincoln.

Pansin kong medyo ilang din si Pio kay Lincoln nang napatingin siya kanina dito.

Tumingala sa akin si Pio kaya pinunasan ko ang luha sa mata niya.

"M-mama bear,sino po siya?"turo niya kay Lincoln.

"I'm her boyfriend."naunahan ako ni Lincoln na magsalita.

Kita kong nagulat si Pio sa sinabi niya at napatingin itong muli sa akin.

"Totoo po?"tanong niya habang naluluha ang mata.

Unti unti naman akong tumango kaya tumulo na ang luha nito.

"P-pero po hindi ninyo n-naman ako iiwan diba?"natatarantang tanong niya habang pumapatak ang mga luha.

Agad naman akong umiling.

"Shempre hindi Pio."sabi ko dito habang hinahaplos haplos ang buhok niya.

Nang gumabi na ay hinatid ko na sa labas si Mayor.

"I'll call you later."sabi niya at nagulat pa ako ng halikan niya ang aking pisngi.

Nang makita kong nakalayo na ang sinasakyan niya ay bumalik na ako sa loob.

Nadatnan ko si nanay na nakahalukipkip pagpasok ko,lumapit siya sa akin at mahigpit akong hinawakan sa braso na nagpadaing sa akin.

"Shota mo pala si mayor,naku wag kang tatanga tanga ha.Baka hiwalayan mo yun"sabi nito.

"N-nay-"

"Pag may hiningi,ibigay mo agad.Wag ka nang umarte tapos pag wala tayong maulam ay tamang tama at maghingi ka dun,siguradong maraming nakurakot yon."sabi pa niya.

"Nay hindi po siya ganun."
napabuntong hininga ako matapos sabihin iyon.

Biglang nanlisik ang mata ni nanay at lalo humigpit ang hawak sa akin,bumabaon ang kuko niya sa balat na nagpahapdi sa akin.

"Gaga ka!wag mo nga kong sasabihin nang ganyan! Saka tama naman ang sinasabi ko,at saka pag hiniwalayan ka ay akitin mo!magpa buntis ka para pakasalan ka at makaahon naman tayo sa lecheng buhay na to."
pagkatapos niyang sahihin iyon ay binitawan niya na ko at lumabas nang bahay.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa magkabilaang braso ko na namumula.

Naiintindihan ko naman si nanay na gusto niya lang na makaahon kami sa hirap pero hindi naman tamang paratangan niya ng ganun si Lincoln.

Pumunta na ako sa kwarto namin ni Pio at nadatnan ko siyang naglalaro ng kotseng laruan niya.

"Mama bear!"masayang sabi niya at tumakbo sa akin.

Hinalikan ko naman ang noo niya at tinanong kung nagugutom na siya.

Nang umoo siya ay lumabas muna ako ng bahay upang bumili ng sardinas sa tindahan.

Nang makabili ay bumalik na din ako at hinanda na para makakain na kami.

Dalawa na ang binili ko para pag nagutom sila nanay at tatay ay makakain na din sila.

Pagkaalis kasi ni Lincoln kanina ay umalis din si tatay.

Nang matapos kaming kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan at pinaglinis na si Pio.

Inaayos ko ang higaan habang si Pio ay naglilinis,pinagpag ko ang mga unan at sapin.

Niligpit ko na din ang ibang laruan na nakakalat para diretso tulog nalang kami.

Itutuloy.
❄️

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now