Chapter 29

10.9K 199 82
                                    

PAGDILAT ko ng aking mata ay sumalubong sa akin ang puting kisame.

Nangunot ang noo ko nang mapagtantong nasa hospital ako nang bigla kong maalala ang mga nangyari.

Bigla akong napabalikwas nang bangon kaya biglang sumikdo ang sakit sa aking buong katawan.

"Naku ma'am bakit po kayo bumangon."sabi nang nurse na mukhang nagulat pa sa aking pagbangon.

"N-nasan yung mga kasama ko?"
nanginingig kong tanong at binaliwala ang nararamdamang sakit.

"Ah yung bata po ba saka yung matangkad na lalaki?"tanong nito na siyang tinanguan ko.

"Sad to say ma'am pero comatose po ngayon ang bata at ang lalaki naman po ay nag aagaw buhay ngayon."sabi ng nurse.

Bigla akong namanhid sa aking mga narinig at dali daling sinubukang tumayo pero hindi ko kaya.

"Ayy ma'am! Naku hindi ninyo pa po kayang tumayo at bawal pa din sabi ni Doc!"natataranta na ang nurse at inalalayan akong bumalik sa kama pero nagpupumiglas ako.

Hanggang sa magsipasok ang tatlong iba pang nurse at tinulungan ang nurse na pakalmahin ako.

Pero dahil na din sa labis labis na alala at nais makita sila Pio ay hindi ako nagpapigil hanggang sa maramdaman ko nalang namay tinusok sila sa akin.

Dahan dahan akong kumalma hanggang sa naipikit ko na ang aking mata habang nasa isip ko pa din sila Pio at Lincoln.

Muli akong nagising pero ngayon ay kalmado na pero bahagya pa ding naiiyak nang hilingin ko sa nurse na makita si Pio.

Pumayag naman ito at inalalayan ako sa may wheelchair.

Pumunta kami sa ICU kung saan naroon ang mga pasyenteng comatose.

Bigla na lamang bumuhos ang luha ko ng tuluyan ko nang nakita si Pio kahit may harang pa itong salamin.

Madaming nakakakabit na tubo sa kaniya at p-parang makina nalang ang bumubuhay sa kaniya.

Nang hindi ko kinaya ang nakita ay nagsabi ako sa nurse na babalik na ako sa kwarto.

Nang medyo tumahan na ako sa pag iyak ay sinabi ko naman sa nurse na gusto kong makita si Lincoln.

Ang sabi nang pumuntang doctor dito kanina ay stable na ang lagay ni Lincoln ngunit hindi pa ito gumigising.

Tinutulak na ng nurse ang wheelchair ko papunta sa kwartong kung saan nandun si Lincoln.

Pumasok na kami sa loob at sinabihan ko siyang iwan muna ako,sumunod naman siya kaya ako at si Lincoln nalang ang natitira dito.

"B-babe,gising ka na."naiiyak na sabi ko sa kaniya.

"B-babe h-hindi ko to kayang h-harapin mag isa,si Pio c-comatose siya ngayon tapos ikaw naman hindi pa nagkakamalay."

"Wag naman ganito Lincoln,hindi ko kaya e hindi ko kayang bantayan kayo nang sabay kaya please naman gumising ka na."naiiyak ko pang sabi.

Nang makausap din kasi ako ng nurse kanina ay ang sabi dalawang araw na daw kaming tatlong hindi gumigising
kaya nagulat sila nang bigla akong nagising.

Lumuluha pa din ako ng gumalaw ang gitnang daliri nito.

Mas lalo akong nataranta nang dahan dahan nitong idilat ang mga mata.

Hindi ko alam kung paano ko tatawagin ang nurse o doctor gayung hindi ko kayang tumayo.

Hanggang sa mapadako sa akin ang tingin nito ngunit may napansin ako sa tinging iyon.

Na para bang hindi niya ako kilala at naguguluhan siya.

"Who are you?"paos na naguguluhang tanong nito sa akin.

Itutuloy.
❄️
Hello! Ito po yung mga height nila:)
Men:                      Women:
Russell-6'0             Celeste-5'5
Zyair-6'1                 Clementine-5'6
Lincoln-6'1            Phoebe-5'4
Griffin-6'3              Addilene-5'7
Atticus-6'1
Isaiah-6'2

     Hope you all have a good day✨💜

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon