Chapter 37

10.4K 184 14
                                    

PAGOD NA PAGOD na ako kakahanap kay Pio magmula pa kaninang tanghali pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya nahahanap.

Alas dyes na ng gabi at hindi pa ako kumakain simula nang mawala si Pio.

Nagsabi na din ako sa barangay na kung makita nila si Pio ay agad akong tawagin.

"Pio,anak nasaan ka na ba?"mahinang tanong ko sa kawalan.

Nandito pa din ako sa labas nang maliit na apartment nang papasok sila nanay.

"Oy Phoebe bakish nandito ka pa sa labash?hinintay mo ba kami?siguro nagshishintay ka ng pagkain noh?"
tanong ng lasing na si tatay.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago nagsalita.

"T-tay tulungan ninyo po ako,
nawawala si Pio nawawala ang anak ko."hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak akong muli.

"Anosh?nawawala si Piosh?abay hanapish mo."lasing na sabi niya at pagewang gewang na pumasok sa loob.

"N-nay t-tulungan ninyo po ako."
nagmamakaawa ko namang sabi kay nanay na nakataas ang kilay.

"Sus,baka nagsawa na sayo kasi wala kang mapakain sa bata kaya nilayasan ka.Maghintay ka nalang hanggang bukas pag wala pa din ay mag report ka na sa police sige na matutulog na ko matulog ka na din sarado mo ang pinto ha."sabi niya.

Nagstay pa ako ng ilang sandali sa labas bago pumasok.

Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog dahil iniisip ko pa si Pio.

Nasaan ka na ba anak ko?

Iniwan mo ba talaga ako dahil wala akong mapakain sayo?

Pio,bumalik ka na please.

Mahal na mahal ka ni mama bear mo.

Ayaw mo akong umiiyak diba?balik ka na anak ko.

Maaga palang ay lumabas na agad ako ng bahay upang hanapin muli si Pio.

Pumunta muna ko sa barangay para makasagap ng balita ngunit wala pa din daw silang nakikita.

Ang malas pa dahil saktong sira ang buong cctv ng barangay namin kaya mas lalo kaming nahihirapan na alamin kung saan siya pumunta.

"Miss may nakita po ba kayong ganto kaliit na bata,maputi may dimple at medyo singkit ang mata?"tanong ko sa ale habang dinidescribe si Pio.

Pero bumagsak ang balikat ko ng umiling lang ito at umalis na.

Napaupo ako sa gilid ng kalsada at iniisip si Pio.

"Magpakita ka na anak ko please lang."

Muli akong tumayo at pumunta naman sa kabilang barangay nagbabakasaling nandoon siya.

Pero muli akong nabigo nang hindi ko siya nakita.

Nagpacheck pa ako ng cctv nila pero wala ngang Pio ang nagpakita.

Ngayon naman ay nandito ako at nakatingala sa harapan ng Police station.

"Babalitaan nalang ho namin kayo miss pag may nareport sa amin."sabi ng Police.

Bagsak ang balikat na lumabas na ako ng police station ang sabi ay wala din daw silang magagawa lalo na at wala naman akong kahit isang picture ni Pio.

Napahawak ako sa noo ko ng bumangga ako sa matigas na bagay.

Pagkatingala ko ay para akong binuhusan nang malamig na tubig sa nakita sa aking harapan.

"E-elias."naibulong ko nalang.

Itutuloy.
❄️
Guess who?
Sino kaya yang Elias na yan at ganun nalang magulat si Phoebe?
Any clue anyone?

BS #2 Phoebe's Weepजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें