Chapter 40

11K 183 6
                                    

AYOKO MANG HUMINTO sa tapat nang bahay namin dahil sa mga nag uusisang mga kapit bahay ay huminto pa din ako.

"A-ah Elias,salamat sa paghatid.
Balitaan mo nalang ako pag may balita na kay Pio."sabi ko.

Nahihiya na kasi ako sa kaniya dahil sa daming taong nakatingin sa amin.

"Hindi ba ako pwedeng pumasok?"
tanong niya.

Tumingin muna ako sa mga kapit bahay naming mga nakatingin kaya napatingin din siya dun at kumunot ang noo niya nang matantong madaming nakatingin sa amin.

"Bakit ho kayo nakatingin?"medyo malakas na boses na sabi niya kaya mukhang nahiya ang iba at umalis na.

Meron namang makakapal talaga ang mukha at umiwas lang ng tingin pero hindi umalis.

Nang mabalik na sa akin ang paningin ni Elias ay nakita ko sa gilid ng mata na muli nang tumingin ang mga chismosa.

Napalunok nalang ako at wala nang nagawa kundi papasukin sa loob si Elias.

Kinakabahan pa ako dahil baka nandito sila nanay at laking pasasalamat ko ng pagkapasok namin ay walang tao.

"Maupo ka muna."sabi ko sa kaniya.

"Anong gusto mong maiinom?nagugutom ka na ba?"tanong ko.

"No, it's okay.Just give me water."sabi niya kaya dali dali akong kumuha nang tubig.

Sa totoo lang ay wala naman talaga ako mapapakain sa kaniya dahil baon na ako sa utang at matagal tagal na ding hindi nakakapasok sa trabaho.

Kaya laking pasasalamat ko nalang nang wala siyang hiningi,nakakahiya din at nag alok ako pero wala naman talaga akong ibibigay.

"Pasensya ka na kung walang maupuan ha,g-gusto mo sa kwarto ko nalang para pwede kang makaupo sa kama ko."nahihiyang sabi ko.

Si nanay naman kasi e lahat na binenta wala tuloy magamit ngayon.

"It's okay aalis na din naman ako,i just wanna see kung saan kayo natutulog ni Pio."sabi niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang lumagabog ang pinto kaya napatingin kami dun.

Napapikit nalang ako dahil parang nangyari na ito.

Pumasok sa pinto ang nagbabangayang sila nanay at tatay.

"Hoy Lucille!wag mo nga ako tinatalikudan at bigyan mo ako ng pera!ano sosolohin mo lang yan!?Paano naman ako!?"malakas na boses ni tatay.

"Manahimik ka nga Noel!,kakarindi yang boses mo e.Matuto kang maghintay bibigyan naman kita e."iritableng sagot ni nanay dito.

Napatigil naman sila nang makita si Elias na nakatingin din ng seryoso sa kaniya,nakakunot pa nga ang noo nito.

"At sino naman itong lalaking to Phoebe?Aba at may bago ka na agad."
sabi ni nanay.

"Nay."pagpapatigil ko dito.

Sobra na ang kahihiyan ko kay Elias at ayoko nang dagdagan niya iyon.

Itutuloy.
❄️
Just short update,i miss writing agad HAHAHA anyway may kwento lang ako HAHHA kaya ko nag update.
Bale nanonood ako ng tiktok kagabi tapos pagkascroll ko nagulat ako dahil familiar yung scene na nandun,
pagtingin ko ng comments ayun nga at story ko yun.So shempre ako naman ito na tuwang tuwa kasi may nag recommend ng story ko kaso may nakita kong comment,actually alam ko naman na hindi lahat ay magugustuhan yung stories ko e kaso ang sakit din pala pag may nagsabi na hindi worth it basahin.

Hehe yun lang sorry short update lang gusto ko lang talaga ikuwento natuwa din kasi ako maraming nagreply dun sa kaniya,wag na din po kayong magalit sa ganun kung sakali:)anyway malaki ang pasasalamat ko sa mga nagrerecommend jan ng stories ko sa tiktok o sa ibang tao.Thank you so much po!

Good night everyone☺️
Stay safe and healthy 💜

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon