Chapter 17

12.8K 256 26
                                    

WARING⚠️SEXUAL HARASSMENT.

NANG MAGISING ako ay tulog pa din si Pio at wala pa si Lincoln kaya naman napagpasyahan ko munang lumabas.

Ibinilin ko kay Navya si Pio dahil hindi naman siya kasama sa meeting.

Sumakay ako ng elevator at pipindutin ko na sana kaya lang ay may kamay na humarang.

Napalunok ako ng makita ko ang mapanganib na ngiti sa mukha ni Kierol.

Mas kinabahan ako ng sumara ang elevator at kaming dalawa lang ang tao ni Kierol.

Umusog ako papalayo sa kaniya dahil sobrang dikit niya pero dumikit pa din siya sa akin.

Piping nagdasal nalang ako na sana ay bumukas ang elevator at may pumasok.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero based sa mga ngiti at tingin niya,alam kong kayang kaya niyang gumawa ng masama.

"So you still not breaking up to that fucker,i see."natatawang sabi niya.

Kinakabahan akong lumayo sa kaniya nang hawakan niya ang braso ko pero dahil mas malakas siya ay hindi ako nakaurong.

"Uh-uh not so fast honey."sabi niya at mas idiniin ang kuko niya sa braso ko.

Napadaing ako dahil sa hapdi at para na akong maiiyak lalo na nang maramdaman ko ang labi niya sa may tenga ko.

"Kung hindi man ako makaganti kay Beckham,Sayo ko nalang ibubuhos ang galit ko.Paniguradong masasaktan ko pa din siya."bulong niya sa may tenga ko.

Nagsimula na siyang hawakan ako sa maseselang parte ng katawan habang sinusubukan akong halikan.

"Wag ka nang pumalag."madiing sabi niya.

Iniiwas ko pa din ang mukha ko at tumutulo na din ang luha ko habang pumapalag palag sa kaniya.

Pero ang hindi ko napaghandaan nang bigla niya akong suntukin sa sikmura.

Bigla akong nanghina at hindi nakalaban sa kaniya,napapapikit na nga ang mata ko at nakita ko pa siyang ngumiti.

Isang malakas na sampal pa ang tumama sa mukha ko bago ako nawalan ng malay at naalala ko nalang ay dumikit na ang labi niya sa leeg ko.

Nagising ako na masakit ang pisngi at ang unang bumungad sa akin ay puting kisame.

Siguro akong hospital ito base na din sa amoy.

Tumingin ako aa gilid ko at nakita ko ang nakadukmong si Lincoln na hawak ang kamay ko.

May naramdaman din akong basa.

Gumalaw ako at siya ding paggalaw niya at itinaas ang ulo.

"Baby!"sabi niya at nakita ko ang ilang luha na tumutulo sa mata niya.

"A-anong nangyari?"medyo nahirapan ako magsalita dahil na din sa parang tuyo ang lalamunan ko.

"Nakita ka sa elavator na pinagsasamantalahan ng gagong Kierol na yon."igting ang pangang sabi niya.

"Buti nalang at bumukas ang elevator at may nakakita sayo bago pa niya matuloy ang balak niya."galit pa din ang tono niya.

Habang kinukuwento niya iyon ay bigla nalang tumulo ang luha ko.

Hindi ko akalain na gagawin niya yun.Ang akala ko ay pagsasalitaan niya lamg ako ng masasakit na salita ngunit mas matindi pa pala ang ginawa niya.

"N-nasan na siya ngayon?"naluluha kong tanong.

"In jail."maikling sagot ni Lincoln at kumuha nang tubig.

Napansin niya sigurong malat ang pagsasalita ko.

Itutuloy.
❄️

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now