Chapter 47

12.8K 204 53
                                    

TULOG SI PIO kaya naman napagpasyahan ko nalang mag impake ng aming mga gamit.

Uuwi na kasi kami sa Pilipinas sa susunod na dalawang araw.

Ganun din sila tita Lia,tito Liam, Lincoln at shempre si Pio.

Naghuhugas ako nang pinagkainan namin dahil nagprisinta na ako kanina at nahihiya na din naman akong makituloy dito kila tita Lia.

Nang matapos kong hugasan ang lahat ay umakyat na ako pero may narinig akong ungol,ungol na para bang natatakot.

Mula iyon sa silid ni Lincoln.

Alam ko ay sa kwarto nila tita Lia natulog ngayon si Pio kaya mag isa si Lincoln ngayon sa kwarto niya.

Kinakabahan man at natatakot ay pinilit ko pa din ang paa kong maglakad papunta sa silid ni Lincoln.

Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalo kong naririnig ang mga sigaw niya.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto ng kwarto niya at nakita ko siyang mag isang nakahiga sa malaking kama.

Ang likot likot niya at sumisigaw nang hindi ko maintindihan habang may mga butil din ako ng luha na nakikitang bumabagsak sa mata niya.

Mahigpit ang kapit niya sa may kombre kama habang sumisigaw.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan siya.

"Lincoln!Gising!"niyuyugyog ko ang braso niya ng malakas pero patuloy pa din siya sa pag ungol at sigaw at patuloy pa din ang pagtulo ng luha niya kasama nang pawis.

Sa sobrang taranta ay sinampal ko siya ng malakas para tuluyang gumising.

Hindi naman ako nabigo at napatigil ito sa paggalaw at agad na binuksan ang mga mata.

Akala ko ay magagalit siya sa akin pero laking gulat ko nang mahigpit ako nitong yakapin.

Hindi ako makagalaw habang dinadama ang napakahigpit na yakap niya sa akin.

Ni hindi ko nga masabi sa kaniya na nahihirapan na akong huminga sa higpit ng yakap niya.

Naririnig ko din ang mga munting hikbi niya.

Napatingin ako sa may pintuan nang bumukas ito at pumasok sila tita Lia,tito Liam,Pio at Elias.

Kitang kita ko sa mata nila tita Lia ang takot at kaba.

Si Elias naman ay hindi ko alam kung sigurado ba ako sa nakikita ko na nay lungkot at inggit pero nawala din naman nang kumurap siya.

"Anong nangyari?"tanong ni tita Lia.

Nakasubsob ang mukha ni Lincoln sa akin leeg at hindi sumagot sa ina.

Tumingin naman sa akin si tita Lia at ang mga mata niya ay naghahanap ng sagot.

"Nagpunta kami dito dahil naririnig namin ang mga sigaw ni Beckham,
nagising pa nga si Pio dahil dun.
Anong nangyari Beckham? Phoebe?"
Tanong pa nito.

"Narinig ko din po si Lincoln na sumisigaw kaya naisip kong pumasok sa kwarto niya at nakita ko po siyang umiiyak at nagsisisagaw kaya dali dali ko siyang nilapitan at ginising."sagot ko.

"Beckham,Iho ano ba ang nangyayari sayo?"tanong ni tito Liam.

Hindi pa din inaalis ni Lincoln ang mukha niya sa leeg ko pero alam kong huminto na siya sa pag iyak.

Lumapit sa amin si Pio na masama ang tingin sa akin.

"Niaway mo si daddy ko?"seryosong tanong niya.

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o tatawa dahil ang cute niya sa itsura niya ngayon.

Bagong gising pa at magulo ang buhok,nakapanjama pa siya at nakahalukipkip sa aking harapan habang akala mo ay matanda sa tono ng boses.

"Sygnómi Foívi, se thymámai tóra."
magsasalita na sana ako nang biglang ibulong yun sa akin ni Lincoln.

"H-ha?"sabi ko sa kaniya.

Hindi ko siya maintindihan!

Inalis niya na ang mukha sa aking leeg at seryoso akong tinignan sa mata.

"I-i remember you now,my love."sabi niya na nagpatibok sa aking puso.

"I'm sorry it took so long bago kita maalala."sabi niya pa.

"Nakakaalala ka na?"tanong ko.

Dahan dahan siyang tumango kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit.

Parang nakalimutan ko na din na nandito ang mga magulang niya habang mahigpit ko siyang yakap.

"K-kailan pa?"naluluhang tanong ko.

Kinuwento niya sa akin mula pa daw na pumunta kami dito ay unti unti na siyang nakakaalala yun nga lang au ayaw niya pang ipasa sakin dahil gusto niya munang maalala ang lahat.

"I want you to sleep beside me baby."
ungot niya nang akmang lalabas na ako ng kwarto niya.

Bunalik na din kanina sila tita Lia sa kaniyang kaniyang mga kwarto nila at kasama pa din nila si Pio na medyo nagsusungit pa din sa akin.

"Ha?E baka kung ano ang isipin nila tita Lia pag nalaman nilang dito ako natulog."sabi ko.

"C'mon baby,Ang tagal nating hindi nagsama at namiss kita."sabi niya at ngumuso.

Akala mo naman kina cute niya yun.

Pero totoo naman na ang cute niya iyon.

"Oh sige na nga."kunwaring napipilitang sabi ko.

Humiga na kami sa kama at agad siyang yumapos sa akin.

"Ano ba yan Lincoln.Ang laki laki ng kama siksik ka ng siksik sa akin."sabi ko.

"Nah, it's comfy."sabi niya lang hanggang sa narinig ko nalang ang mahihinang hilik niya.

Itutuloy.
❄️
Epilogue next<33

Nasa draft ko na ang BS#3 at anytime ay mapupublish ko na(◠‿◕)
Hope you read that too hehe^_^
This chapter is dedicated to bumbyish
and Ara_villa08
Thank you for always commenting and voting!ily🤩

Posted na ang BS#3!

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now