Chapter 38

10.4K 170 8
                                    

HINDI AKO MAKAGALAW sa aking kinatatayuan habang nakapako pa din ang mata sa lalaking matagal ko nang hindi ninanais makita.

"Phoebe."baritonong bigkas niya sa pangalan ko na siyang nagpapikit sa akin.

"Kumusta ka na?Matagal tagal din tayong hindi nagkita."sabi niya pa.

"Mauna na ko."sabi ko nalang at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko na naging dahilan upang mapatigil ako.

"Bitawan mo ko!"sigaw ko sa kaniya at pilit na nagpupumiglas.

Tumawa naman siya at itinaas ang kamay na parang sumusuko.

"Chill ka lang,gusto ko lang itanong itong matagal nang bumabagabag sa akin, kung nagbunga ba ang nangyari nang gabing iyon?"at ibinulong niya ang huling mga kataga.

Napapikit ako dahil sa labis na inis.

"H-hindi."nauutal na sagot ko sa kaniya.

"Oh really?"natatawang tanong niya.

"Well i know you hon,alam na alam ko kapag nagsisinungaling ka.Nauutal."
sabi niya na labis ng pakalabog sa aking puso.

"Now, tell me where is he/she?"bulong niya sa may tenga ko.

Hindi ako sunagot bagkus ay itinaas ko ang aking tuhod at tinuhod ang kaniyang kaligayahan.

Agad siya napaluhod sa dahil sa ginawa ko kaya naman dali dali ko na siyang tinakbuhan.

Tumingin pa ako bago sumakay nang jeep at nakita ko siyang sapo sapo ang kaniya.

Ayaw ko naman talagang gawin iyon pero walang saysay kung sasabihin ko pa siyang nagbunga pero nawawala naman.

Alam komg maaari niya din akong matulungan pero hindi ko iyon naisip kanina dahil na din sa labis na kaba.

Nang nasa bahay na ako ay pinilit kong kumain kahit wala talaga akong gana.

Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ko ay siya namang pagtunog ng aking cellphone na de keypad.

Binili ko lang ito para kung sakaling tawagan ako ng mga pulis.

Agad ko din itong sinagot nang makita kong ito nga ang number nang pulis.

"Hello?"

"Hello ma'am,good news ho.May lalaking nandito at nirereport sa amin ngayon ang dala niyang bata na nawawala daw,lalaki ang bata miss pero hindi nagsasalita at tulala lang.Kung hindi ho kayo busy ay pwedeng pwede kayo pumunta dito upang makita kung ito ba batang hinahanap ninyo."sabi nito.

"Ganun ho ba?sige po papunta na po ako jan."sabi ko naman at dali daling tinapos ang paghuhugas at agad na lumabas nang bahay.

Pagkarating ko sa presinto ay agad na itinuro sa akin ng mamang pulis kung nasaan ang batang sinasabi.

Kinakabahan ako habang papalapit na papalapit dito pero bumagsak ang balikat ko nang makumpirmang hindi ito si Pio.

"Ganunn ho ba?Sige po miss tatawagan nalang ho namin kayo kapag may magpunta dito."sabi ng pulis nang sinabi kong hindi ito si Pio.

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng presinto.

Nasaan ka na ba anak ko?

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada nang bumusina ang nasa gilid kong sasakyan.

Napatingin ako dito at kinabahan nang lumabas ang taong nasa loob nito.

Itutuloy.
❄️
Just short update:)
I published again the BS#3 hope y'all read that too.

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now