Chapter 36

10.4K 192 32
                                    

NASA LABAS NA kami ngayon ng bahay,nang malaman ko kasi kaninang wala na dun si Lincoln ay napagpasyahan kong umuwi nalang sa amin.

Wala din naman akong ibang way para makausap siya dahil nasira ang cellphone ko nung aksidente.

"Mama bear bakit po di na natin kasama tito Beckham?"tanong ni Pio na nakatingala sa akin ngayon.

Hindi ko nalang siya sinagot at binuksan ang pinto.

Napabuntong hininga ako pagkapasok namin.

Buti nalang at wala ngayon sila nanay at hindi kami mag aaway.

Nilagay ko ang mga gamit namin sa maliit na kwarto ko.

"Pio,gutom ka na ba?"tanong ko kay Pio na nakaupo sa lapag.

Nagtataka nga ako dahil halos wala nang gamit ang bahay.

Nang huling nandito kami ay may apat na upuan at maliit na mesa pa pero ngayon ay wala kang makikita.

Sasagot na sana si Pio nang biglang marahas na bumukas ang pinto.

"Gago ka Noel!Kung sana tinaasan mo presyo dun sa tv edi sana makakapag-
sugal ako sa may dulo mamaya!"sigaw agad ni nanay ang narinig sa buong kabahayan.

"Punyeta!manahimik ka!akala mo naman ay kaganda ganda ng tv na pinagmamalaki mo e sira na din yun Boba!"sagot naman ni tatay.

Agad na lumapit sa akin si Pio at yumakap sa aking bewang habang nakatingin sa nagtatalong magulang.

Nang mapansin nila kami ay sa amin tumuon ang matatalim na tingin ni nanay.

"Oh,nandito pala kayo.Ano pang tinutunganga mo jan!?Abay maglinis ka na kita mong ang daming kalat!"
talak pa nito.

"Bakit kayo nandito Phoebe?"tanong naman ni itay.

"H-hindi ko po kasi alam kung nasaan si Li-"

"Putangina!Iniwan ka ng lalaking yon?"marahas ang naging pagsigaw ni nanay kaya napahinto ako sa sinasabi.

"Boba ka talaga e noh?Tangina mayor na yun jackpot ka na dun!Pinabayaan mo pang mawala,ayan maghihirap na naman tayo dahil jan sa katangahan mo!"sabi pa niya.

"Bakit ninyo po sisigawan mama bear ko?"inosenteng tanong ni Pio.

"Wala kang pakialam."supladang sabi ni nanay at pumusok sa kwarto nila,ganun din si tatay.

"Mama bear,di po ba ko love ni lola?"
tanong ni Pio na tumingala sa akin,
pansin ko din ang naluluha na nitong mga mata.

"Pio,baby alam mo naman diba na ganun lang sila pero mahal nila si Pio diba."sabi ko sa kaniya at lumuhod sa kaniyang harapan para magpantay kami.

Pinunasan ko din ang tuluyan nang tumulong luha sa pisngi niya at yinakap siya.

"Hoy Phoebe hindi ka senyorita dito kaya maglinis ka,aalis lang kami.Tara na Noel ke bagal bagal mo naman."
iritableng sabi ni nanay at lumabas na.

Napabuntong hininga nalang ako at pinaglaro nalang si Pio sa may kwarto habang ako ay maglilinis muna.

Lumuwag nga ang bahay dahil sa mga nawalang gamit pero napakadumi naman.

Andaming balat nang chichirya sa gilid gilid ay ang iba naman ay bote ng alak yung iba nga ay basag pa.

Pinulot ko nalang ang malalaking bubog bago winalisan ang sahig.

Pagkatapos ay kumuha ako ng basahan at nilagyan ng sabon panlaba bago ilampaso sa sahig.

Nang malinis na ang sahig ay hinugasan ko naman ang tambak na hugasin sa maliit na lababo.

Nang matapos ay naligo muna ako at bumalik na sa kwarto.

Pero ayun nalang ang gulat ko nang wala na akong Piong nadatnan.

Ang laruan niya nalang na sasakyan ang nasa kama.

Agad ko siyang hinanap sa buong bahay pero wala ni anino niya na labis kong ikinatakot.

Itutuloy.
❄️
Suggest story please😭 wala na kong mabasa e:(

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now