Chapter 30

11.2K 232 70
                                    

PARA AKONG BINUHUSAN NANG
malamig na tubig sa sinabi ni Lincoln at hindi nakagalaw.

Hanggang may pumasok na mga nurse at pinatabi ako upang obserbahan ang nalilitong Lincoln.

Hanggang matapos nilang obserbahan ito ay tulala pa din ako.

"Miss David can we talk?"nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita ang doctor.

Tumango naman ako at medyo lumayo kami kila Lincoln.

"Based on what Mr. Smith saying and acting right now,i think he lose his memory."paunang sabi ng doctor.

"Mamaya ay gagawa kami nang test upang malaman kung bakit hindi naalala nang pasyente kung bakit siya dito,tinanong din namin siya kung kilala ka niya but he say no."

"Anyway,mamaya natin malalaman ang lahat.Excuse me."sabi ni Doc Dave at umalis.

Napatingin ako kay Lincoln na nakatingin lang sa may kisame at hindi nagsasalita.

Nang umalis nga ang mga doctor at nurse kanina ay ni hindi man lang niya ako tinignan.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at mukhang naramdaman niya iyon kaya tumingin siya sa akin.

"Sino ka?"tanong niya.

"H-hindi mo ba talaga ako naalala?"
nanginingig na tanong ko.

"Do you think that i will ask you if know?"pamemelosopo nito.

Bakas din ang inis sa mukha niya at umiwas nang tingin sa akin.

Ibang iba na talaga siya.

"G-ganun,sige a-alis muna ko."nauutal na sabi ko at tumayo.

Lumakad na ako papunta sa pinto,
nilingon ko pa siya na nagbaba-
kasaling pipigilan niya ako pero sa iba ito nakatingin.

Tumulo ang luha ko na agad ko naman pinahiran at pumunta kay Pio.

Hindi pa din daw ako pwedeng pumasok dahil kritikal pa ang lagay ni Pio.

Pio,gising ka na anak ko,hindi kaya ni mama ito,ang ama mo ay hindi ako kilala tapos ikaw ay hindi pa din gumigising.

At oo,anak ko si Pio pero hindi niya alam iyon.

Iyon kasi ang bilin ni nanay para daw makaiwas sa chismis at kaya din grabe ang galit nila sa akin.

Sa edad na 17 ay nabuntis ako ng hindi ko kilalang lalaki, nagulat nalang ako nang isang araw ay nakagapos na ang mga kamay ko at may humahalik na sa akin.

Nanlaban naman ako ngunit nakatikim lamang ako ng sampal at suntok sa tiyan kaya naman napatigil ako.

Ako,si nanay at tatay lang ang nakakalam nang totoo,habang nagbubuntis ako ay hindi ako pinapalabas nila nanay sa bahay.

Kaya ang lahat ng gusto ko ay hindi ko nakuha dahil kada hihilingin ko iyon ay pinagsasalitaan lang ako nila nanay ng masasakit na salita kaya natutulog nalang ako.

Kaya nagulat ang mga kapitbahay nang malaman nilang may bata sa amin at agad iyong pinagusapan.

Nagdahilan nalang si nanay na siya ang nagbuntis kay Pio at hindi lang nahalata,alam kong hindi naniniwala ang mga kapit bahay pero nang lumaon ay naniwala na ang mga ito.

"Tangina naman Phoebe! Anak mo yan patahanin mo! Dis oras na nang gabi nang bubulabog ka pa puta!"galit na sigaw ni tatay sa loob ng kwarto nila.

Dala dala ko kasi si Pio at nataranta ako ng bigla itong umiyak,kakapangak ko palang sa kaniya kanina at nakatulog naman ito kaya hindi ako namoblema pero bigla nalang itong umiyak nang magising.

"T-tay hindi ko po k-kasi alam ang gagawin."nanginingig kong sabi.

"Putangina! Padedein mo!boba!"masasakit na salita na tinanggap ko nalang kahit masakit.

"Ma'am pinapasabi po ni Doc Dave na kailangan ka niyang makausap tungkol sa kalagayan ni Mayor Smith."
nabalik ako sa sarili nang may magsalita na nurse sa tabi ko.

Tumango naman ako at pumunta sa kwartong kinaroroonan ni Lincoln,
nandun daw kasi ang doctor.

Nang makapasok ako sa loob ay kita ko ang galit sa mga mukha ni Lincoln habang nakatingin sa nagsasalitang doctor.

"Mr.Smith calm down."sabi ng doctor.

"How the fuck can i calm down when you say i have a fucking amnesia!?"
galit na sigaw na tanong ni Lincoln.

Nang mapansin ako ng doctor ay iniwan nito si Lincoln at pumunta sa akin.

"Miss David lumabas na ang resulta nang ginawang test,Mr Smith is now suffering from Retrograde Amnesia."
pahayag ng doctor.

"Ano ho iyon?"nagugulung tanong ko.

"Retrograde amnesia affects memories that were formed before the onset of amnesia. Someone who develops retrograde amnesia after a traumatic brain injury may be unable to remember what happened in the years, or even decades, prior to that injury."sagot ng matandang doctor.

"M-may chance pa po bang makaalala siya?"tanong ko,nagbabakasali.

"Meron naman ang kaso ay depende na iyon sa katawan niya,maaaring bumalik ang alala niya sa susunod na linggo maaari ding umabot ito ng buwan o higit ay taon."sabi pa nito.

Naiiyak na napatulala nalang ako matapos iyon sabihin ng doctor ay nagpaalam na ito.

"Hey!miss whatever you are, I'm hungry.Feed me."nagulat ako ng biglang magsalita si Lincoln.

Dali dali kong pinunasan ang pisngi ko at tatalikod na sana sa kaniya nang dumaing ito.

"Fuck!my head hurts."daing nito habang nakahawak sa ulo.

Dali dali akong lumapit sa kaniya at nag aalala siyang tinanong.

"Anong masakit sayo!?"tanong ko.

Nagulat nalang ako ng isandal nito ang ulo sa dibdib ko at yumakap sa akin.

"I-i don't know but i-i can see a-"hindi niya matapos tapos ang sinasabi niya dahil bigla nalang siyang muling napahawak sa ulo.

Aalis na sana ako sa pagkakayakap niya upang tawagin ang doctor pero pinigilan ako nito.

"No,no,no don't leave me. Stay with me please."nanghihinang sabi nito.

Gustong gustong ko nang tawagin ang doctor dahil sobra na akong nag alala sa kalagayan niya pero ayaw naman niya kong pakawalan.

"Don't leave me please."bulong pa niya.

Maya maya ay naramdaman ko nalang na payapa na ang paghinga niya at medyo lumuwag na din ang kapit sa akin.

Dahan dahan ko naman siya hiniga at inayos ang pwesto.

Ayaw pa ngang bumitaw sa akin pero binubulungan ko lang na hindi siya iiwan at napagtagumpayan ko namang makawala sa yakap niya.

Itutuloy.
❄️
ZoilaCajucom hanggang 1k words lang po kaya ko for now:)
Anyway na surprise ba kayo sayo sa mga sinabi ni Phoebe?
Nga pala ang edad nila ay si Phoebe 21 na siya ngayon 17 siya nung nabuntis at si Lincoln naman ay 29 na siya ngayon:)hulaan ninyo na din sino ang ama ni baby Pio.
Kumusta din po ang first day of school?

BS #2 Phoebe's WeepUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum