Chapter 33

10.6K 208 76
                                    

NANDITO AKO NGAYON sa silid kung nasaan si Pio at pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog.

Kanina ay nagising siya kaya labis ang tuwa ko ngunit nang icheck ito ng mga doctor ay hindi naman nag rerespond ang bata.

Kaya napagpasyahan ng mga doctor na turukan ito ng pampatulog.

"Pio,baby anak gising ka na.Miss na miss ka na ni mama bear."kausap ko sa kaniya.

Nanatili pa ako ng halos kinse minuto bago siya hinalikan sa noo at lumabas.

Pupuntahan ko na si Lincoln dahil baka magtampo na naman ang isip bata.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakahiga at nakatingin sa labas.

"Lincoln kumain ka na b-"

"Leave me alone."malamig ang boses ang siyang nagpatigil sa akin sa pagsasalita.

Napabuntong hininga na lamang ako at pumunta sa may mesa niya upang tignan kung kumain na siya.

Hindi naman kasi yan sasagot nang matino.

Chinecheck ko pa ang mga prutas kung gaano karami ang nabawas nang tumunog ang telepono ko.

Ibinaba ko muna ang masanas na hawak ko bago bahagyang lumayo kay Lincoln.

Kita ko ang bahagyang pag panic niya nang lumakad ako paatras pero nakampante din nang hindi ako lumabas.

"Hello?"sabi ko sa kabilang linya.

"Hello,iha pwede ba tayong mag usap mamaya? Kung pwede sana ay hindi kasama si Beckham."boses ni tita lia.

"S-sige po tita."pagsangayon ko at bigla akong nakadama ng kaba.

Binaba na ni tita Lia ang tawag pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay nandito pa din.

Alam niya na kaya?

Tumingin ako kay Lincoln na nahuli kong nakatitig sa akin pero iniwas din nang makita niya akong nakatingin na sa kaniya.

"Lincoln mag uusap kami mamaya ni Tita Lia kaya maaga kang matulog."
sabi ko sa kaniya na inalmahan niya agad.

"What!? Iiwan mo na naman ako?"
nakasimangot na tanong niya.

"Lincoln intindihin mo naman ako."
napahilot pa ako sa sensitido hsbang sinasabi iyon.

"Siguro hindi mo na ako love."bulong bulong niya pa pero narinig ko naman.

Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya,isiniksik naman niya ang mukha saking dibdid at yumakap din.

"Wag ka na magtampo baby ko."
natatawang ssbi ko sa kaniya.

Mas lalo niya lang isiniksik ang ulo sa aking dibdib at hindi nagsalita.

Nang gumabi ay nakatulog na si Lincoln kaya sinilip ko muna si Pio sa kwarto niya bago puntahan si tita Lia.

Nang nasa parking area na ako ng hospital ay wala pa si tita Lia kaya tinext ko ito.

Maya maya ay may pumaradang puting BWD sa gilid ko at bumaba ang ina ni Lincoln.

Nakangiti ito sa akin at bineso pa ako bago pinapasok sa kotse.

"Iha,nais kitang kausapin dahil may nabuo na kaming desisyon ni Liam,
nais naming sa ibang bansa na pagalingin si Beckham."sabi nito.

"P-po?"nauutal na tanong ko.

Napabuntong hininga muna ito bago hawakan ang aking kamay na nasa aking kandungan.

"I know na hindi mo totoong boyfriend si Beckham,nakausap namin ang mga kaibigan niya at sinabing palabas lang niya iyon."

"Ako man ay nalulungkot dahil magaan na ang loob ko sayo simula pa nung una pero sana ay intindihin mo din kami,kailangan gumaling agad si Beckham lalo na at isa siya Mayor at hindi lang basta normal na tao."

"Marami na siyang nakaligtaan na gawain simula nang mangyari ang aksidente."

"Kaya nakikiusap ako sayo iha.
Palayain mo na ang anak namin."nasa mukha ni tita Lia ang lungkot habang sinasabi niya iyon.

Para naman akong natuod sa kinauupuan at hindi makapagsalita.

A-alam niya na pala.

"T-tita pwede ninyo po ba akong bigyang pa ng kaunting oras para makasama si L-lincoln."tanong ko,nagbabakasakali pumayag ito.

Ngunit parang pinira piraso ang puso ko ng malungkot itong umiling.

"I'm sorry iha but naka ischedule na ang pag alis namin.I hope na nagkakaintindihan tayo Phoebe.Para din naman kau Beckham ang ginagawa namin."sabi pa ni tita Lia.

Pagkatapos nang pag uusap namin ni tita Lia ay bumalik na ako sa loob ng hospital.

Dumiretso ako sa kwarto ni Lincoln.

Naabutan ko naman itong mahimbing na natutulog sa hospital bed.

Dahan dahan akong naupo sa upuang katabi ng kama niya bago hinawakan ang kamay niya.

"Lincoln,pasensya ka na ha kung hindi ako makakasama sayo,sa inyo may Pio pa kasi akong hinihintay na gumising din,sana pag balik mo dito ay maalala mo pa din ako.Mag iingat ka din palagi ha,wag mo akong kakalimutan sana din ay maging maayos ang pakikitungo mo sa mga magulang mo."sabi ko sa kaniya.

Dahan dahan kong nilagay ang kamay niya sa labi ko at hinalikan ito.

I hope when we cross our paths again, this time will be real. I dont want the pretend ones.

Kinabukasan ay hindi na ako pumunta pa sa kwarto ni Lincoln dahil baka pag sinilip ko pa siya ay maiyak lang ako.

"Who are you!"

"Hindi ko kayo kilala!"

"I need Phoebe! Not you idiot!"

"Bitawan ninyo ko!"

"Phoebe!"

Napadilat ako ng marinig ko ang malalakas na pamilyar na sigaw.

Lincoln.

"Miss David,Miss David gising po nanaginip po kayo."naimulat ko ang mata at nang tumama sa aking ang reyalisasyong panaginip lang ang lahat.

Ang pag uusap namin ng ina ni Lincoln.

Itutuloy.
❄️
Wala ko maisip medyo sabaw update den update ngayon bawi nalang ako pag nakaisip hehe.

Any thoughts about Phoebe's Weep?

Stay safe everyone 🦋✨

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now