Chapter 43

10.7K 181 21
                                    

NAKASAKAY NA KAMI ngayon sa eroplano at hinihintay nalang na lumipad.

Medyo natatakot din ako dahil first time kong makasakay ng sasakyang panghimpapawid kaya todo ang kapit ko sa seatbelt.

Nagulat ako ng pinagsiklob niya ang mga kamay natin.

"Don't be scared Phoebe."bulong niya sa may tenga ko.

Tumango nalang ako habang hinihintay na lumipad ang eroplano.

Tama nga ang sinabi ni Elias na 15 hours 35 minutes ang byahe.

Masakit ang ulo ko pagkababa namin ng eroplano pero nang maalala ko na si Pio nga pala ang pinunta namin ay parang nawala.

Sunakay kami sa nirentahang sasakyan ni Elias.

Halos tatlong oras mahigit ang byahe bago kami nakarating private village sa New york.

Wala pa kaming pahinga at dumiretso kami agad dito dahil nais ko nang masilayan muli si Pio.

Miss na miss ko na ang anak ko.

Halos isang linggo din kaming nagkahiwalay.

Hindi muna kami lumabas ni Elias sa sasakyan at hinintay na may lumabas mula sa bahay sa aming harapan.

Maya maya ay hindi naman kami nabigo dahil lumabas doon si tita Lia kasama si P-pio.

Nagmamadali akong lumabas ng kotse ngunit pinigilan ako ni Elias.

"Alam kong gusto mo nang makasama si Pio pero wag tayong magpadalos dalos Phoebe."sabi niya.

Labag man sa kalooban kong tignan lang sa bintana nang sasakyan ang anak ko.

Ibang iba na si Pio mula nang huli ko siyang makasama,may benda  ang ulo niya na labis kong ikinataka at ikinakaba.

Sana naman ay walang malalang komplikasyon kung ano man ang nangyari sa kaniya.

Pero kahit pansin kong may iniinda siya ay patuloy pa din siyang nakangiti habang nakahawak sa kamay ni tita Lia.

Maya maya ay biglang kumalabog ang dibdib ko ng lumabas mula sa bahay nila si Lincoln.

Mas lalo pa akong natulala sa kaniya nang mapagmasdan ko ng mabuti ang itsura niya.

Naka itim na pantalon siya at itim na simpleng T shirt pero ang lakas na ng dating niya.

May suot din siyang relo.

"Phoebe, it's time to go out."naputol ang paninitig ko kay Lincoln nang magsalita sa tabi ko Elias.

Nahiya pa nga ako dahil huling huli niya akong tinititigan si Lincoln.

Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nang pareho na kaming nakalabas nanh sasakyan ay napatingin sa amin sila Lincoln.

Kumunot ang noo niya pero si tita lia ay bakas sa mukha nito ang kaba at takot.

Kita ko din ang paghigpit nang hawak nito sa kamay ni Pio kaya napatingin dito ang bata.

Lumapit sa may gate si Lincoln habang kunot pa din ang noong nakatingin sa amin.

Binuksan ni Lincoln ang gate at hindi naman gumalaw sa kinatatayuan sila tita Lia at Pio.

"Who are you?"tanong ni Lincoln sa matigas na ingles.

Sa akin nakatuon ang paningin niya.

"We are the parents of that kid,your mother helding."Sagot ni Elias.

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now