Chapter 42

10.8K 184 17
                                    

KABANG KABA AKO ngayong araw dahil tumawag na ang kaibigan ni Elias na si Luke at ang sabi nito ay may maganda daw siyang balita tungkol sa paghahanap kay Pio.

"Matagal pa ba siya?"tanong ko kay Elias na katabi ko.

Andito kami ngayon sa bahay niya at hinihintay si Luke na kanina pang tumawag na papunta na pero wala pa din.

"I'm sorry lagi talagang late dumating ang Luke na iyon."paumanhin ni Elias.

Tumango nalang ako at ipinadyak padyak ang paa dahil sa kaba.

Sana naman ay nakita na niya si Pio.

Maya maya ay nakarinig na kami ng busina nang sasakyan kaya dali dali akong tumayo,mas nauna pa nga kong tumayo kay Elias kaya medyo natawa siya at ako naman ay nahiya.

Agad na siyang naglakad papunta sa pinto at binuksan ito.

Bumungad sa amin ang fresh na fresh na si Luke na may dalang itim na Attache case.

"Sorry bro medyo na late,traffic kasi."
agad na sabi nito ng makita ang seryosong ekspresyon ni Elias.

Agad kaming pumuntang tatlo sa sala at agad ding tinanong ni Elias ang tungkol kay Pio.

"Anong balita?siguraduhin mo lang na maganda yan."naiiritang sabi ni elias dito.

Luke cleared his throat before speaking.

"Ayon sa mga nakalap ko ay wala dito sa Pilipinas si Pio."paunang sabi niya nagpakaba sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin!?Paanong wala dito si Pio!?"hindi ko na pinansin pa ang pagtaas ko ng boses dahil gusto kong malaman ang ekplenasyon niya.

Hinawakan ni Elias ang kamay ko para kumalma.

"Calm down miss David.Ayon sa koneksyon ko sa airport ay may kasamang dalawang lalaki at isang babae si Pio,ang hula nang tao ko dun ay ang babae at lalaki na medyo may kaidaran na ay mag asawa at anak nila ang isang lalaki."paliwanag niya.

"Sumakay ang mag anak kasama si Pio sa eroplanong papatungo sa America."dagdag pa niya.

Labis ang kabog nang dibdib ko lalo na nang unti unti kong nakikilala ang tinutukoy niya.

"Beckham Lincoln Smith,the former mayor of Isabela.Siya ang kasama ng anak ninyo,pati ang mga magulang niya."sabi niya na nagpatulo nang aking luha.

S-si Lincoln.

"Nasan na sila ngayon?Do you know the exact address?"seryoso namang tanong ni Elias kaya napatingin ako sa kaniya.

"Unfortunately,no bro.Hanggang dun lang ang kinaya nang koneksyon ko."
sagot naman ni Luke.

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak at alam kong nakatingin na sa akin ang dalawang lalaki.

Nagulat nalang ako nang may bumalot sa akin at yinakap ako.

Napahinto ako sa pag iyak at napatingin kay Elias na pinupunasan ang mga luha ko.

"Luke,i can pay any amount you will say but please kindly know tge exact address of that asshole Smith."
madiing sabi ni Elias habang pinupunasan pa din ang luha ko at hindi nakatingin kay Luke.

"Makakaasa kang gagawin ko ang lahat para maibigay sa inyo ang eksaktong kinaroroonan nila."sagot naman ni Luke.

Pagkatapos pang mag usap nila Elias at Luke ay tumahan na din ako at umalis na si luke.

"Are you okay?"tanong ni Elias sa akin pagkaalis ni Luke.

Hindi ako sumagot bagkus ay tinalikuran ko siya.

Kinabukasan ay nandito na naman si Luke dahil meron daw siyang napakagandang balita sa amin.

Nakangiti nang gwapong gwapo ngayon sa harapan namin si Luke na nakaupo sa sofa.

"Stop smiling,you look stupid."biglang sabi ni Elias kaya nabura ang magandang ngiti sa mukha ni Luke.

"Alam ko na kung nasaan ang kinaroroonan nila Beckham at Pio."sabi ni Luke.

Agad akong ginanahan na makinig sa kaniya.

Sinabi niya sa amin ang eksaktong lugar at address kung nasaan ngayon tumutuloy sila Lincoln at Pio maging ang mga magulang nito.

Ang sabi pa ni Luke ay nakita daw ng malapitan ng tauhan niya si Lincoln na buhat buhat si Pio.

Ang sabi ay kukuhanan na sana ng litrato kaso sinaway ito ni Lincoln.

"We will go to New York tomorrow.
Maaga kang gumising Phoebe at babawiin natin sa lakaking yun ang anak natin."sabi ni Elias.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok na siya sa kwarto niya at ako naman ay naiwan dito sa may sala.

Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip kung ano ang dahilan ni Lincoln para kuhain sa akin ng walang pahintulot si Pio.

Alam ko naman na close na sila pero sa pagkakaalam ko ay may amnesia pa si Lincoln kaya imposimbleng kilala niya si Pio.

Kinabukasan ay handa na ang ilang damit namin dahil maya maya ay aalis na kami papuntang airport.

"Ayan lang ba ang dadalhin mo Phoebe?"tanong ni Elias na  tinaguan ko.

May iba akong napapansin kay Elias pero hindi ko matukoy,siguro dahil excited din siyang makita si Pio pero parang iba e.

Iwinaglit ko nalang sa aking isipan ang mga naiisip ko,ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagbyahe namin papuntang New York.

"Gaano ba katagal ang byahe ang natin?"tanong ko kay Elias.

"The estimated time is 15 hours and 35 minutes."sagot niya na nagpalaki sa aking mata.

"A-ano bakit ang tagal naman?"tanong ko.

"Phoebe,malayo ang America dito sa Pilipinas."sagot niya at tumalikod sa akin.

Something is off to Elias.

May mali talaga e.

Itutuloy.
❄️
800+ words lang ito kasi magmomodule na ko HAHAHHA siningit ko lang to anyway gusto ninyo bang sumali sa gc?hehe baka lang naman😋
Kung gusto ninyo po just message me:

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon