Chapter 35

10.6K 207 8
                                    

PINAGBABALATAN KO ng prutas si Pio na ngayon ay gising na at pinayagan na din ng mga doctor na tanggalin ang mga nakakabit sa kaniya.

"M-mama bear san po si tito Beckham?"tanong ni Pio.

"Nasa ibang kwarto siya Pio,nagpapahinga."sagot ko at binigay sa kaniya anh binalatang orange.

"Gusto ko po siya makita mama bear."
sabi niya na tinaguan ko naman.

Matapos kumain ni Pio ay nakatulog na ito kaya ang sinasabi niyang gusto niyang puntahan si Lincoln ay hindi nangyari.

Maya maya ay lumabas na ako sa kwarto niya at pinuntahan naman si Lincoln.

Baka magtampo na naman sa akin iyon.

Pagkarating ko sa kwarto ni Lincoln ay nagtaka ako nang wala akong Lincoln na nadatnan.

Ang nakita ko nalang ay ang dalawang nurse na naglilinis ng silid.

"Excuse me nurse,tanong ko lang kung nasaan na yung lalaking nakahiga dito?"tanong ko sa kanila.

"Ayy maam hindi ninyo po ba alam?Nadischarge na po si Mayor Smith kakaalis lang po kanina."sagot nito.

Nagtaka naman ako dahil dapat ay alam ko kung kailan uuwi na si Lincoln pero bakit walang nagsabi sa akin?

Bumalik nalang ako sa kwarto ni Pio.

Hindi din naman tumagal ay nagising na ito at nagyayayang pumunta kay Lincoln.

"Baby kasi nadischarge na pala kanina si tito Lincoln mo kaya sa susunod nalang."sabi ko.

"Di po ko antay tito?"inosenteng tanong niya.

Medyo nahirapan pa ko sa isasagot ko sa kaniya kaya naman iniba ko nalang ang usapan namin.

Lumipas ang tatlong araw at pinayagan na si Pio na makauwi.

Kaya lang ay hindi ko alam kung saan ako kukuha nang pera pambayad sa mga bills ni Pio.

Malaki din kasi ang sinisingil samin lalo na at nacoma si Pio nung nakaraan.

Kasama pa ang mga gamot na dapat inumin ni Pio.

"Mama bear kailan po tayo uuwi?"
tanong niya.

"Hindi ko din alam baby e."sabi ko nalang.

Lumipas ang oras at nagulat ako ng puntahan kami ng nurse at sabihing bayad na ang bills namin at meron na ding gamot si Pio.

Kaya naman agad agad akong nagtanong sa mga nurse.

"Ayy, ma'am may pumunta po kanina kanina lang na lalaki dito na siyang nagbayad sa bill ninyo."ang sabi ng nurse.

Nalilito man ay tumango tango nalang ako.

Nasa jeep na kami ni Pio at kinakabahan ako dahil sa penthouse pa din kami uuwi.

Hindi ko alam kung nandun ba si Lincoln pero hindi namin malalaman kung hindi titignan.

Nang maka baba na kami ng jeep ay tiningala ko ang mataas na building sa aming harapan.

Bumuntong hininga muna ako bago kami muling naglakad ni Pio papasok..

Makalipas ang halos ilang minuto ay nandito na kami sa tapat ng penthouse ni Lincoln.

Pinindot ko ang door bell at napalunok nalang ng hindi ito bumukas.

"Tagal naman po ni tito mama bear."
reklamo ni Pio na nakatayonat nakahawak sa aking damit.

Halos sampung minuto na kaming nakatayo sa harapan ng penthouse ni Lincoln pero hindi pa din ito bumubukas.

Hanggang sa may dumaan na guard.

"Ma'am?Ano pong ginagawa ninyo jan?hindi ninyo po ba alam na kakaalis lang nang dating nakatira jan?"sabi nito.

"K-kaalis po?"tanong ko, naguguluhan.

"Oho ma'am ang sabi ay lumipat daw si Mayor.Sige po mauna na po ako."
paalam nito at umalis.

"Mama bear iwan tayo?"sabi ni Pio na nakanguso saking tabi.

Lincoln,Nasaan ka na?bakit mo kami iniwan?

Itutuloy.
❄️
This chapter is dedicated to camilevillegas6.
Sorry po medyo natagalan Update,wala po kasi akong maisip at medyo nabusy din sa acads:)
Anyway Thank you po sa 1k+followers!
I don't know why you follow me but Ily<3

BS #2 Phoebe's WeepWhere stories live. Discover now