CHAPTER 3

1.1K 76 11
                                    

ZYRIA'S POV
Halos mapasigaw ako sa sakit ng bigla akong bumagsak sa tinutulugan ko. Napadilat agad ako at doon ko napansing hindi pala ako nalaglag kundi NILAGLAG. Bwiset na Aldrake talaga to! Istorbo sa tulog.

“Baka gusto mo na akong ipagluto papasok pa ako” mataray na sabi nito. Mukang bakla amp. Napa erap nalang ako bago tumayo. Tangina ng sakit ng pwet ko.

“Tangina sakit no'n ah” mahinang reklamo ko. Napatingin ako sa wrist watch ko, 5:30 am na pala.

“Bilisan mo na may pupuntahan pa ako” pahabol nito. Agad naman akong nagtungo sa kusina para ihanda lahat ng gagamitin ko.

“Anong ulam iluluto ko?” ayoko na manghula. Saka hindi ko alam kung anong mga hilig n'ya kainin.

“Adobo” maikling sagot n'ya sa'kin.

Wala ng nagsalita, tahimik na'din buong kwarto. Napapaisip ako kung anong pahirap nanaman ang gagawin n'ya sa'kin mamaya. Kahapon talagang ikinasuko ng katawan ko 'e. Hindi na nga ako nakakain kagabi sa sobrang pagod. Ikaw ba naman maglinis ng dalawang kotse, maglinis ng condo, magluto, maglaba,maging alila hindi ka'ba mapapagod? Naghugas ka nga lang ng plato pagod na pagod kana e.

Napapa iling nalang ako habang hinihiwa yung mga sangkap na gagamitin ko. Bakit ba ang malas ko? Hay buhay nga naman. Namiss ko tuloy bigla si kuya Blake kung nandito siguro s'ya maayos yung buhay ko ngayon saka may tagapag tanggol ako.

“Wala na'bang ibibilis yan?” ayan nanaman si reklamo naguutos lang naman bwiset

“Kung ikaw po kaya magluto dito master no?” pambabara ko sa kanya. Pake ko kung magalit s'ya.

“Bakit ako ba yung katulong?” aba aba! So katulong tingin n'ya sakin?

“Wala po akong sinabi master” master ng mga demonyo.

“Btw 10 am pumunta ka sa school, 11 am uuwi ka para ipagluto ako tapos bumalik ka sa school para ihatid sa'kin. Sinabi ko sa katabing room ko na ipaglalaba mo s'ya, sinabi ko din sa mga janitor na ikaw ang maglilinis ngayon.” halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa mga sinabi n'ya.

“Bakit naman damay pati katabing kwarto?!” jusme may maipagawa lang sa'kin idadamay pati iba.

“May reklamo ka?” nakataas kilay na sabi nito. Pa'no nga kung meron? Syempre wala s'yang pake.

“Meron! Syempre hindi naman ikaw yung mapapagod no!” inis na talaga ako.

“Kasalanan ko ba kung bakit ka nasa sitwasyon na ganito? Tatanga tanga ka kasi” sabi nito saka tinalukuran ako. Hilig manabi ng tanga!

Nakasimangot akong tinuloy yung ginagawa ko. Pagkatapos ko magluto, naghain naman ako ng makakain n'ya. Gusto ko sanang lagyan ng lason kaso nakakaawa mahal pa ata s'ya ni Clarah the pokpok.

“HOY MASTER KUNO KAIN NA!” sigaw ko mula sa kusina. After 2 minutes nandito na agad s'ya sa harap ko. Nakatingin sa mga niluto ko na parang sinusuri n'ya kung masarap na o hindi. He pulled a chair saka umupo.

“Sumabay kana stupid girl” walang buhay na sabi nito bago magsandok ng pagkain n'ya. Baka nagbibiro lang s'ya kaya hindi ako kumilos.

“I said sumabay kana bingi kaba?” paguulit nito. So seryoso?

“Wag na po master mamaya nalang ako” nakakasura talaga kapag tinatawag ko s'yang master.

“Uupo ka o ibabato ko sayo tong niluto mo” nakakatakot na lintanya n'ya. Hindi na ako muling umangal pa, umupo nalang ako sa tabi n'ya a sinabayan s'yang kumain.

Tahimik lang naman kami minsan napapatitig ako sa kanya. I admit he has a perfect face. Pointed nose, mahahabang pilik mata, makapal na kilay, medyo singkit na mata at mapupulang labi. Kung titignan hindi mo mahahalata sa kanya na may tinatago s'yang masamang ugali kasi gwapo.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon