CHAPTER 28

854 41 12
                                    

FLICH POV

“Wait? Dating mag-bestfriend yung mga magulang niyo noong highschool pa sila?! Dinga?! Astig non!” malakas na sabi ko. May pagpalakpak pa na parang bata.

Hindi lang talaga ako makapaniwalang pwedeng mangyari yung ganong bagay. Imagine, para silang itinadhana sa isat-isa. Kumbaga talagang destiny na ang naglapit sa kanila at sila nadin yung naging key oara magkita-kita yung mga magulang nila.

“Oo nga!” gigil na sagot ni Zyria.

“Good for you, ria” nakangiting sabi ni Andrew. Actually gusto niya talaga si Zyria pero syempre hindi pwede yari siya kay Aldrake.

May motto sa buhay si Aldrake na talaga namang hanggang ngayon pinaninindigan at pinanghahawakan niya. Ako ang unang nakakita sa kaniya kaya akin siya. Makahanap man siya ng iba, akin padin siya. Mamatay man siya, akin padin siya. In short akin siya. Oh diba? AKIN SIYA!

“Good talaga for her. Imagine nakaligtas siya sa mabangis na dragon rawrrr”

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Clarah. Totoo naman kasi sobrang dragon ng mama ni Aldrake at yung papa niya naman parang dinosaur na kumakain ng tao. Alam mo yun yung kahit wala ka namang ginagawa na masama sa kanila parang anlaki ng galit nila sayo kapag tumitig. Yung mga kilay pa nila parang isinumpang ewan laging magkasalubong buti hindi nagkakabanggan yon.

“Gago ka Clarah HAHAHAHA” natatawang mura ko.

“Well totoo naman no! Btw, Zyria, Aldrake eto nga pala si Queenie at si Aleah” pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya.

“Hiiii” masiglang bati nung dalawa.

“Naks bagong myembro dapat diyan nanglilibre!” singit ko.

Tama naman di'ba? Dapat talaga nanlilibire sila kasi ang pagkain ang pampalubag loob namin. Sumagot kayo ng "oo" please kailangan ko ng kakampi ngayon.

“Wala ka naba talagang ibang magawa kundi kumain?” tanong ni Queenie. Parang iniinis pa ako ng isang to ah.

“Oo tas mamaya ikaw naman kakainin ko hihi”

Yuck!

Eww!

Gross!

Mandiri ka selp!

Saang lakas ng loob ko nakuha yon? Kadiri! Nagtawanan silang lahat habang si Queenie pulang-pula. Kilig yorn? Asa naman siya magaling ako sa kama pero yung galing ko hindi para sa kanya. Soon makikilala niyo din kung sino yung inaalayan ko ng katas ko este ng pagmamahal ko.

“Ayan ha may kainan na nangyayari” natatawang sabi ni Clarah.

“He's not cannibal naman di'ba? So why he wants to kain Queen?” p-potangina.

Gusto ko atang maiyak sa pagiging conyo ng Aleah na to. Kung sabagay sinabi niya sa amin na hindi talaga siya sanay sa formal na salita like deretsong English at tagalog. Mas sanay daw siya na pinaghahalo yon.

Lumaki siya sa states pero yung height niya hindi lumaki. Kaya siguro ganon nalang yung paraan niya ng pagsasalita. Sobrang arte, sobrang conyo.

“Wag ka ng sumabat girl masyado kang inosente” sabi ni Queenie ng may pagikot ang mata.

“I'm not inosente bitch!”

“Edi hindi kana din virgin?” tanong ni Andrew.

“Next tanong please”

Naiiling na natatawa nalang ako sa usapan nila. Kapag usapang virginity talaga ang arte ng tao pwede namang sabihin nalang kung virgin paba talaga sila o hindi. Hay nako buhay parang life.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now