FINAL CHAPTER

1.2K 48 8
                                    

FLICH POV

“Hindi ka talaga magpapakita sa kanila?” tanong ko sa lalaking kasama ko ngayon.

Madiin itong umiling. “Hindi na. Bantayan niyo nalang yung kapatid ko” sabi nito bago humithit ng sigarilyo niya.

Oo kasama ko ngayon si Kreus. Ako lang ang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi niya kasi balak sabihin sa kung kani-kanino kung nasaan man siya ngayon.

“How about you?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

“What about me?” takang tanong ko.

“You still stalking her?” tanong niya.

Tumango ako. “Wala pa akong lakas ng loob” mapait akong ngumiti.

“Baka mamaya kung saan na mapunta yang pang s-stalk mo”

“Hindi naman siguro. To see her happy is my happiness too. To see her aware na may nagaalala at balak mag alaga sa kanya mas nagpapasaya sa akin”

“You really love her huh” napangisi si tanda.

“I do” nakangiting sabi ko habang nakatanaw sa paligid namin.

“Ayoko lang mauwi sa kung saan yang katorpehan mo kaya binabalaan kita. Ayokong may magawa kang masama sa kanya” sabi nito at muling humithit ng sigarilyo. Ibinuga pa niya yung usok sa mukha ko.

“Trust me mataas respeto ko sa babaeng yon kaya hindi ko siya magagawan ng kahit na anong masama”

“Yeah I hope. Bantayan niyo si Zyria, sabihin mo kay Aldrake na wag niyang sasaktan ang prinsesa ko. Hindi ako magdadalawang isip na patayin siya” pambabanta nito.

Ako yata yung natakot sa sinabi yawa! May pa-walang pake effect pa kasi akala mo naman gold dejk. Hindi ko talaga alam bakit iniiwasan niya si Zyria ng ganon. Ayaw daw niyang madamay si Zyria sa galit niya sa mga magulang niya. Ayaw niya daw na nakikita ni Zyria na ganon siya kaya pinalalayo niya ito.

“Oo na saka wala padin namang label yung dalawa” wala nga ata talagang balak si Zyria na sagutin si Aldrake.

“Matalinong prinsesa si Zyria kaya alam kong madami siyang challenge na ibibigay kay Aldrake bago niya yon sagutin” naiiling na sabi ni tanda.

“HAHAHAHA sa sobrang talino ng kapatid mo parang gusto na nilang magpatayan kapag magka iba sila ng gusto”

“Edi magpatayan sila. Support”

“Gago HAHHAHA”

“Aalis na ako. Basta yung sinabi ko sayo. Sana naman makaamin kana sa kanya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari in case na may makilala siyang iba” sabi nito.

Tumango nalang ako. Sinundan ko pa ng tingin si Kreus hanggang mawala ito sa paningin ko. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kunin ang cellphone ko saka nag-text;

To; kawaiiq

Kumain kana hindi ka nanaman kakain. Tama na kaka-gym sexy kana kahit hindi mo gawin yan

I texted. I smile after I send those message. Hanggang ganito nalang ang magagawa ko. Hindi ko kayang lunukin yung katorpehang tinataglay ng katawan ko ngayon.

Paano nga ba kung may makilala siyang iba? Paano nga ba kung mawalan nanaman ako ng chance sa kanya? Paano ako? Hanggang stalk nalang ba talaga ako? Hindi naman pwedeng ganito pero hindi ko kayang umamin. Paano ako aamin? Paano kung hindi niya ako gusto?

Hanggang stalk nalang ba talaga ako?

Pero gusto kong akin lang siya! Dapat akin lang siya! Pwede siyang magkagusto sa iba pero hindi siya pwedeng mapunta sa iba?

Ano nga bang magagawa ng pang s-stalk ko?

Arghhhh putangina!

ZYRIA'S POV

“Kapag hindi mo'ko binilhan nito papatayin kita!” galit na sabi ko kay Aldrake. Ayaw niya akong bilhan ng madaming chips.

“Bawal nga may UTI ka di'ba? Bawal kana sa mga chips ngayon” madiin na sabi niya.

Ang panget niya talaga ka-bonding!

“Uuwi nalang ako at least doon is-spoil ako ni kuya” nakasimangot na sabi ko.

Padabog akong tumayo sa kama saka nagpapadyak na naglakad. Bago pa man ako makalagpas sa gawi niya agad niyang nahawakan ang pulsuhan ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya.

“Ang pasaway mo naman Mrs. Buenaventura” umiiling na sabi niya.

Magkadikit ang aming katawan ngayon. Shumay ayoko talaga ng ganito nararamdaman ko yung banana inside the pouch.

“B-Bitawan mo nga ako” naiilang na sabi ko.

“No. Aalis ka eh”

“Bitawan mo sabi ako!”

Pinaghahampas ko na yung dibdib niya dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Inilingkis niya din ang isa niya pang kamay sa bewang ko saka hinapit ako papalapit sa kanya na naging dahilan ng mas pagkakadikit ng aming katawan.

Ang init!

Shit ang init! Ang init mukha at tenga ko! Hindi ko alam nararamdaman ko ngayon. Kinikilig na naiilang huhu ayoko na.

TUKSO LAYUAN MO AKO!

Unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. Pwede ko ba siyang laplapin right now?

Kingina selp!

Nagiging manyak na ako ayoko na! Ang manyak din kasi ng may hawak sa akin ngayon.

Nanlaki ang mata ko ng unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Hahalikan niya ba ako? Wait hindi pa akong ready! Habang papalapit ang mukha niya, inaatras ko nama ang akin. Bahala na kung mabalian ng likod wag lang mahalikan.

“WAHHHHHHHHHHH PORNNNNNNN” malakas na tili na kumuha sa atensyon namin.

Agad akong binitawan ni Aldrake. Tinignan namin kung sino yung tumili, si Ferra pala. Kasama niya si Chie saka si Hiro. Tinakpan pa niya ang mata niya habang si Hiro naman natatawa.

“Naka-istorbo ata tayo sa walang label na mag h-honeymoon HAHAHAHAHA” pangaasar ni Hiro.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Aldrake. “I'm just seducing her. Masyado kasing pasaway” ano daw?!

Ako? Sini-seduce niya?! Gagong to ah!

“Naks seducing daw HAHAHAHA manahimik kayong dalawa wala kayong label!” bwiset na Ferra to.

Napa-iling nalang ako. Muli akong pumasok sa kwarto ko saka umupo sa kama. Sinundan naman ako ni Aldrake kasunod nito si Chie. Umupo din si Chie sa tabi ko saka nag-kiss sa pisngi ko.

“Tita” nakangiting sabi nito. Straight na pala siya magsalita hindi na ganoon kabulol.

“Miss mo si tita?” nakangiting tanong ko.

“Opo”

“Miss ka din ni tita”

“Hihi”

Ang cute ng batang to kainis! Kung magkaanak man po ako sana ganito ka-cute hindi kamukha ni Aldrake na mukhang aso.

Madaming nagtatanong bakit wala pa daw kaming label hanggang ngayon. Isa lang ang sagot ko, hindi ko minamadali lahat ng bagay. May tiwala ako kay Aldrake na kaya niyang mag-stay. Sa tingin ko din naman walang balak si Aldrake na madaliin lahat sa amin.

Gusto ko pa siyang makilala. Gusto ko pang malaman kung sino ba talaga si Aldrake. Gustong kong malaman buong pagkatao niya hindi dahil sa makeke-alam ako. Gagawin ko yon para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili kapag dumating nag ganoong sitwasyon.

Landian now, label soon

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now