CHAPTER 25

861 48 4
                                    

ALDRAKE POV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Zyria habang natutulog. Ang ganda talaga niya. Sobrang natural ng ganda niya.

“You're so beautiful, Zyria” bulong ko.

Natutulog pa siya at eto ako nakapangalumbaba sa harapan niya. Ayoko siyang gisingin dahil wala lang ayoko lang. Isiniksik ko sa gilid ng tenga niya ang mga takas na buhok niya.

Tangina bakit ang ganda niya?! Ang anghel niya tignan kahit sa katotohanan napaka pasaway niya. Naalala ko nung pinarusahan ko siya, yung mga parusa kong talagang sinaktan siya physically. Alam kong ayon yung binasehan niya kaya demonyo ang tingin niya sa'kin. I can't explain myself sometimes at alam ni Ferra yon.

I have my side na kapag nagising mula sa isang panget na panaginip talagang hindi ko napipigilan ang sarili ko. Gusto kong ilabas ang galit ko and worst nailalabas ko yun sa pananakit ko. Saka ko lang naman natutunang kontrolin yon when Zyria told me na pananakit nalang daw ata ang nagpapasaya sa'kin. Hindi ko daw kayang pasayahin yung sarili ko sa ibang bagay dahil masaya daw ako kapag may nasasaktan akong tao.

That time I really change. Attitude, principles at yung pride na iniingatan kong palaging nasa itaas, ibinaba ko. Kusang kumilos ang katawan ko nung mga araw na yon dahil alam kong kapag hindi ako kumilos mawawala sa'kin si Zyria.

Ayokong mangyari yon. Hindi pwede!

She's mine! Only mine!

Halos mapatay ko nga si Andrew noong dikit siya ng dikit kay Zyria. Pinabugbog ko din si Gio nung pinagtangkaan niya si Zyria. Ayokong may ibang hahawak sa kaniya bukod sa'kin dahil ang nagiisang prinsesa ng mga Zuarex ay para lang sa'kin.

Napaayos ako ng upo ng gumalaw si Zyria. Unti-unti niya ding dinilat ang mga mata niya. Shems ang ganda kahit may muta.

“Good morning” nakangiting bati ko sa kaniya.

Ngumiti din siya. “Good morning din”

Sige na ready na po ako mamatay. Yung ngiting yon matagal kong hindi nakita yon. Kasi naman palagi siyang galit sa'kin this fast few months and weeks. I know the reason, it's all because of jealous. Natawa nga ako dahil selosa pala ang Zyria ko.

“Bangon na the breakfast is ready”

“Susunod na ako”

“Sure hintayin kita” nakangiting sabi ko bago lumabas ng kwarto niya.

Oh, about sa kwarto niya hindi ko alam na sakto pala sa research ko yung taste niya. Nagtanong ako kay Kreus kung anong mga paborito ng kapatid pagdating sa mga gamit sa bahay at ang walang dulot na tanda sinabi sa'kin is yung mga paborito niya NUNG BATA pa siya. Kung kailan nabili ko na saka niya silang sinabi na hindi siya sure kasi baka nagbago na.

After a minutes lumabas na din si Zyria. Mukhang masarap ang tulog dahil nakangiti padin hanggang ngayon. Umupo ito sa may tabi ko kung saan nakapwesto ang plato niya. Syempre ako na din ang naglagay ng mga pagkain doon para hindi siya mahirapan.

“Gusto mo ng kape?” tanong ko.

“Hm? Wag na okay na ako dito” nakangiting sabi niya.

“Mukhang maganda gising mo nakangiti ka eh”

“Maybe, ewan ko ba basta parang magandang araw para sa'kin tong araw na to” talagang hindi naaalis ang ngiti sa labi niya.

Napangiti nalang din ako. Last time na nakasama ko siya nakasimangot siya tapos sinabihan niya pa ako ng parang pinaglalaruan ko daw siya. Pinalayo niya pa ako nung araw na yon. Akala ko hindi niya iisipin yung ganong bagay, mali pala. Nag o-over think na pala siya.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon