CHAPTER 22

796 51 3
                                    

ZYRIA'S POV

Nasa dean's office kami ngayon. Ako, si kuya, si Aldrake saka si Clarah. Nakatungo lang ako habang sinesermonan kami ng Dean at ni kuya.

“Just for a boy kaya mong manakit Ms. Clarah?! Are you out of your mind? That "boyfriend" word is not an excuse to hurt someone!” sermon nito kay Clarah.

“But Dean she's flirting my boyfriend!”

“I'm not flirting your boyfriend!”

“She's not flirting me!”

Buti naman kumampi sa'kin tong damuhong na to. Ngayon palang alam kong galit na galit na si Clarah dahil imbis na kampihan siya ng BOYFRIEND niya, ako pa yung kinampihan.

“Enough this thing! Aldrake college student kana, kayong dalawa graduating student na din kayo! Be matured enough!” sermon ni kuya.

Napanguso nalang ako. Ayoko talagang nasesermonan kaso kasalanan to ni Clarah. Masyado kasing protective na akala mo naman sure na sa kaniya si Aldrake. Baka kapag tinupad ko yung sinabi niyang I'M FLIRTING HER BOYFRIEND bigla siyang magpakamatay.

“Ms. Clarah you are suspended for 3 days and you Ms. Zyria and Mr. Buenaventura clean the bathroom now!”

Nalaglag panga ko sa sinabi ni Dean. Maglilinis ng cr?! What the fuck?! Hindi maganda yon ah! Hindi ako makapaniwalang tumingin kay kuya pero nagkibit balikat lang ito. Seriously?

ETO na nga kami naglilinis ng banyo. Bwiset na buhay to sa dami-dami ba naman ng parusa paglilinis ng banyo pa talaga? Ilan kaya yung banyo ng school na to, 10!

“Bwiset!” reklamo ko habang mina-mop yung tiles.

Napatingin naman sa akin si Aldrake. “Are you tired?” tanong nito.

“Tingin mo? Tss” malditang sagot ko.

Gantong hindi ko gusto yung parusa baka masampal ko siya ng mop na hawak ko ngayon din! Sa bahay nga buhay prinsesa ako tapos dito janitress!

Dami mong alam Zyria!

“Ako na bahala dito magpahinga kana”

Napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala. Tama ba yung dinig ko?

“A-Ano?”

“Maganda ka sana kaso bingi ka”

“What?!”

“Stupid!”

“Nagtatanong ako kasi hindi ko masyadong narinig!”

“Hindi ako umuulit ng sinabi ko na”

Napa-erap nalang ako. “Nyenye!”

Bwiset na to akala ko seryoso na yung sinabi niya. SCAM pala yon parang nung sinabi niya sa'kin na sabay kami mag-lunch pero hindi naman siya pumunta. Ang kaninang kunot na noo ko ay mas lalong kumunot ngayon ng kunin niya sa'kin yung mop na hawak ko.

“Problema mo?” iritang tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nag-mop lang siya ng walang imik. Akmang kukunin ko yung mop sa kanya pero iniwas niya ito.

Anong trip nito?!

Mamaya sabihan nanaman ako ni Clarah na nilalandi ko siya. Malay mo may makakita saming dalawa. Wala lang ayoko lang maglinis ng cr ulit. Hello, hindi ako nagaral para maglinis ng cr.

“Doon ka sa gilid ayoko ng may humaharang sa ginagawa ko” malamig na sabi nito.

Bahagya naman akong napaatras dahil sa sinabi niya. Pinagmamasdan ko lang bawat galaw niya. I found him sexy right now. Yung mga muscle niya naglalabasan kapag nag m-mop siya. His sweat makes him more hotter.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now