CHAPTER 12

894 66 4
                                    

ZYRIA'S POV

Hindi ko namalayan kung anong oras na. Simula kasi nung umalis sila Ferra kaninang 4 am sakto nakatulog ulit ako. Pakiramdam ko puyat na puyat ako sa kagagawan ng gagang yon. Safe naman siguro yung pag-alis nila. Ang sabi ko kasi kapag nakarating sila sa probinsya tumawag sila. Baka nasa flight or barko pa sila.

Napatingin ako sa wall clock na nasa tapat ako, 8 am na. Kaya pala sobrang sikat na ng araw galing sa veranda. Gutom na'ko, naalala ko kaya pala walang maagang gumising sa'kin kasi wala akong kasama. Wala na dito si Ferra saka si chie, wala din ai Aldrake. Wala akong mga boss.

Napag pasyahan kong bumangon na para magluto. Gutom na kasi talaga ako. Agad akong nagtungo sa kusina para magsalang ng sinaing. Pagkatapos ko magsalang naisip ko namang pumunta ng banyo since matagal-tagal pa bago maluto yung sinalang ko. Mabilis naman akong nakarating sa tapat ng banyo.

Malamang Zyria ilang hakbang lang papunta dito tanga ka talaga!

Palagi nalang tayong magkaaway selp!

Parang baliw nanaman ako. Binuksan ko nalang yung pinto para makapag-toothbrush na. Nagulat ko nung may bumungad na lalaking nakatalikod, matambok ang pwet. Sino to?! Multo?! May multong naliligo sa cr!

“WAHHHHHH!” tili ko sa sobrang gulat at takot. Naisara ko din bigla yung pinto.

May multo sa banyo! May multong matambok ang pwet! Wahhhhh! Anong gagawin ko?! May multo!!!!

“Aww shit!” reklamo ng kung sino mang nasa loob ng banyo. May multo palang nagmumura ng shit?

“HOY YAWA KA! KUNG SINO KA MANG MULTO KA PLEASE UMALIS KANA DIYAN!” matapang na sabi ko habang nakadikit sa pintuan ng cr.

“What the fuck are you saying stupid girl?! Naliligo ako tanga buksan mo nga tong pinto magbibihis na ako!” sabi nito. Teka yung boses na yon, si Aldrake yon.

“Hoy Aldrake ikaw ba yan?!” paninigurado ko. Malay mo ginaya niya lang si Aldrake para malinlang ako tapos kukunin niya yung kaluluwa ko. Creepy!

“Stupid! Malamang may iba kapa bang kasama dito sa bahay?! Tanga ka talaga!” inis na sabi nito. Okay confirm si Aldrake nga yung nasa cr.

Gaya ng sinabi niya binuksan ko yung pinto at iniluwa nito si Aldrake demonyo na naka-topless. Basa pa yung katawan nito saka buhok. Halatang kakatapos lang maligo.

Ang yummy niya tignan putangina!

Napatingin ako sa kabuoan niya. Shems ang sarap mga te! Kung pwede sana eto nalang almusal ko ehe. Na-focus ako sa 8 pack abs niya. Ang yummy talaga lalo na basa acckk. Bumalik ako sa reyalidad ng tumikhim ito habang nakatingin sa'kin. Ngayon ko lang narealize na super titig na pala ako sa abs niya. 

NAKAKAHIYA KA ZYRIA!

“Okay kana? Nabusog kana kakatingin sa katawan ko?” sabi nito habang nakangisi. Yung ngisi niyang nakakaloko.

“Asa! Alis nga magt-toothbrush ako!” pagtataboy ko sa kan'ya. Napapahiya na ako Aldrake umayos ka.

“Pft you can eat me if you want willing naman ako” nangaasar na sabi nito. Bwiset!

“Manahimik ka!” inis na sabi ko sabay tulak ko sa kan'ya papunta sa gilid sabay pasok sa banyo. Ni-lock ko din kaagad yung pinto pagkapasok sabay sandal dito.

“Nakakahiya ka Zyria!” yamot na bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin kong porma para lang makalimutan yung ginawa ko. May tatakpan ko yung muka ko, may mags-slide ako sa pintuan pa-upo tapos tatayo nanaman. Kakausapin ko yung sarili ko sa salamin sabay sasabunutan ko. Ang oa ko sa sobrang hiya tangina. PARA AKONG TANGA YAWA! Bakit ba kasi ako nakatitig sa abs niya?! Yawa! Medyo bobo ko! Hindi ko ma-imagine yung itsura ko kanina. Nakatitig ako sa abs ni Aldrake na parang pinagnanasaan ko siya. YUCK!

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now