CHAPTER 23

803 48 0
                                    

ZYRIA'S POV

Tahimik, walang ingay, walang nagsasalita. Tanging tunog lang ng kutsara ang naririnig ko. I took a deep breath. Kasalanan talaga ni Buenaventura to kaya ganito kami katahimik.

Flashback

Hindi ko alam anong trip ni Aldrake. After uwian sumama siya sa'kin sa bahay.

“Bakit kaba sasama Buenaventura?!” inis na tanong ko.

“Shut up”

Umerap nalang ako sa hangin. Shut up your face! Nagtatanong kaya ako!

Maya-maya pa nagulat ako ng pagbuksan niya ako ng pinto. He never did that before. Wala akong imik na bumaba sa kotse. Hindi ko talaga alam yung trip ni Buenaventura.

Hanggang sa makapasok kaming dalawa sa loob wala pading nagsasalita sa amin. Nang nasa harapan na kami nila mama nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Doon agad napatingin ang mga magulang ko.

“Hi tita, hi tito” nakangiting bati nito.

“H-Hi” naiilang na sagot ni mama. Talagang nakatingin siya sa kamay namin.

“Buenaventura bitawan mo nga ako!” bulong ko sa kaniya ng may diin.

Pilit kong inaagaw sa kaniya yung kamay ko pero hindi ko talaga nakuha. Masiyadong mahigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Anong meron diyan sa holding hands na yan princess?” seryosong tanong ni papa.

“Ano dad—”

“I'm his boyfriend, tito” what?!

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. He was just smiling in front of us. What the fuck is on his mind?! Namamawis na ang kamay ko sa kaba. Parang gusto ko nalang lumubog bigla dito sa kinatatayuan ako.

“Since when?” usisa ni mama.

“Kanina lang po. I'm here to tell you na starting today ikinakadena ko na po yung anak niyo sa'kin”

AT yon ang nangyari. Ngayon kasama namin siya. Miski si kuya hindi nagsasalita, ako hindi makapagsalita.

“Princess...” panimula ni papa. Sa wakas nabasag din ang katahimikang kanina ko pa inaantay mabasag.

“Po?” sagot ko.

“Since nabigla kaming tatlo kasi hindi namin inaasahan na bigla mo nalang siyang magiging boyfriend. I mean parang kailan lang kasi itinatanggi mo eh”

“She really don't like me tito” naiiling na sabi ni Aldrake.

Nagawa pa talaga niyang magdrama sa harap ng papa ko?! Jusko naman hindi ko alam bakit ganito kalakas yung loob ng lalaking to. Ako yata yung mahihiya sa ginagawa niya.

“Hindi naman ata Aldrake, iho. Ganyan talaga ang mga babae sa una pakipot” natatawang sabi ni papa.

Hindi naman ako nagpakipot ah! Pumayag nga ako sa sinabi niya tsk. Saka hindi ko ugaling magpakipot nasisira yung image ng kagandahan ko.

“Just like your daughter tito. Napaka pakipot po niya”

“Pero pa alam niyo po ba na nambabato ako ng tao?”

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon