CHAPTER 11

867 54 0
                                    

ZYRIA'S POV

3 days nadin yung nakalipas pero hindi padin umuuwi si Aldrake. Saan nanaman kaya namalagi yung bwiset na yon?! E bakit ko ba iniisio kung nasaan siya?!

Argh ewan!!!

Dapat hindi ko iniisip yung mokong na yon. After what he did may mga bakas pa ng sugat hanggang ngayon oh. Sasapakin ko talaga yan kapag nakita ko ulit siya amp.

Any way sabi ni Ferra ngayon since medyo malaya kaming dalawa lumabas kasi hindi naka-lock kakausapin daw namin si Hiro. Okay naman sa'kin kahit aagawin nanaman nilang dalawa yung pov. Maganda nga yung kasama nila ako diba? May chismis ako para sa inyo yieee. Kiligin kayo pleasee.

Malapit na talaga akong mabaliw jusko! Malakas akong napailing na pilit iwinawaksi yung mga pumapasok sa isip kong katangahan. Ayoko mabaliw ng maaga gusto ko pang magkaroon ng pamilya. Gusto ko pang makita sila mom and dad. Kung sabagay makikita ko naman sila pero nasa mental na no'n amp. Yawa na yan!

“So ready naba ako?” tanong niya habang nakatitig sa pintuan.

Nasa tapat na kasi kami ng pintuan ni Hiro and yes kasama namin si Menchie baka daw umiyak kapag iniwan namin e. Sobrang lalim ng paghinga ni Ferra habang bumibwelo. Kakatok lang yan ha bubwelo pa. Dahil hindi na ako makatiis kumatok na agad ako.

“Ria!” saway niya sakin habang nanlalaki ang mata niya. Balakadyan ayan na yon e.

“Ang tagal kasi naiinip na ako” naka erap na sabi ko. Ayoko ng masyadong matagal baka biglang umuwi si Aldrake.

Hindi nagtagal bumukas agad yung pinto. Syempre binuksan yon common sense alangang bumukas to mag-isa ay ewan nalang tatakbo talaga ako! Bumungad sa amin si Hiro na nakangiti. As always wala namang bago. Palagi siyang nakangiti since nung ko siyang nakita talagang nakangiti siya.

“Tuloy kayo” anyaya niya sa amin saka binuksan ng malawak ang pinto.

Makapal muka ko kaya ako na naunang pumasok. Bakit ba?! Nakapasok naman na ako dito kaso hindi ko masyadong natitigan. Naalala ko nagmadali ako no'n palabas kasi papatayin talaga ako ni Aldrake sa dami ng hindi ko nagawa.

“Anong gusto n'yong inumin? Juice or coffee?” alok niya.

“Ako wala” hindi ako mahilig sa ganya. Bumaling naman any tingin niya kay Ferra na naka-upo na sa sofa.

“Ikaw?” tanong niya. Nagkaka-ilangan pa yung dalawang baliw amp. Kung ako niyan laplapan na this!

“Wala din” nakangiting sagot ni Ferra. Naka-upo naman si chie sa hita niya habang nilalaro yung teady bear na dala niya.

“Ano na?! Mag-usap na kayo mamaya biglang dumating si Aldrake ay nako!” nagmamadali ako bakit ba?! Hindi dahil takot akong maparusahan. Baka mamaya magkaroon nanaman ng riot dito.

Nakatitig lang ako sa kanila habang sila naman nagkakatitigan din. Oh sige magtitigan tayo maghapon! Marunong naman daw magsalita yung mata kaya sige magusap kayo gamit mata n'yo mga yawa! Ang tatagal magsalita huhu.

“Sige magtitigan kayo mga baliw!” iritableng sabi ko. Bigla namang natawa si Hiro sa akin na ikinakunot ng noo ko.

Happy pill mo'ko bhe?!

“Tawa ka diyan?!” nakataas kilay na sabi ko. Lalo pa siyang natawa bwiset. Pati si Ferra natatawa din.

“Kalma ka lang te ha nabwelo pa” natatawang sabi ni Ferra. Inerapan ko lang silang dalawa na naiiling dahil sa'kin.

Natahimik nanaman kami, nagpapakiramdaman kung sino yung unang magsasalita. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Hiro. Tumikhim din ito saka deretsong tumitig sa mata ni Ferra.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now