CHAPTER 21

838 48 15
                                    

Note: simula po sa chapter na to hindi nalang po naka-focus sa POV ni Zyria. Bibigyan ko nadin po ng POV yung iba.

ZYRIA'S POV

Maaga akong nagising ngayon. Wala lang trip ko lang gumising ng maaga bakit ba?! Lumabas ako kaagad ng kwarto dala-dala yung damit ko saka towel. Maliligo lola niyo.

“Good morning!” masayang bati ko kay Aldrake.

Ngumiti naman siya. “Good morning” nakangiting bati niya.

Acckk ang wafu niya!

Nakaka-in love talaga yung kagwapuhan niya shit! Paano ko naman makakalimutan yung feelings ko para sa kanya kung inaakit niya ako? Pinapakita niya sa'kin yung abs niya, pinapakita niya sa'kin yung matambok niyang puwet tapos kahapon naman nahawakan ko yung jr niya.

Hay nako Aldrake! Bad ka!

“Maligo kana kakain na tayo pagtapos mo” sabi niya.

Tumango lang ako bilang sagot tapos pumunta na sa cr. Kakain daw kasi pagtapos ko maligo kana excited ako.

Teka.......

Shit! May problema nanaman ako yawa!

“U-Uhm Aldrake?” tawag ko sa kanya mula sa loob ng cr.

“Oh?” cold naman.

“M-May p-problema a-ako” shet nakakahiya.

“Ano yon? Okay ka lang ba diyan? Nadulas kaba? Ano?”

Concern yarn?!

Enebe Aldrake kinikilig ako! Okay stop na muna landi unahin natin ang problema natin.

“Kalma lang naman” natatawang sabi ko.

“Ano ba kasing problema?!” inis na tanong niya.

“Ano....”

“Ano?!”

“Kasi...”

“Oh?!”

“Ano eh....”

“Putangina papasukin kita diyan!”

“WALAAKONGNAPKINMERONAKO!” nakakahiya!

Namumula na ako sa sobrang hiya. Gosh first time kong magsabi ng ganon sa lalaki. Hindi ako sanay yawa! Crush ko pa talaga yung sinabihan ko non jusme!

Wala pading sumasagot simula nung sinabi ko yon. Naligo nalang din ako. Baka dinedma niya nalang o kaya nahimatay sa gulat. Parang ang oa naman nung nahimatay sa gulat diba? May nangyari nabang ganon? Nahimatay dahil sa sinabihan ng babae na meron siya at wala siyang napkin?

Wala pa selp kaya maligo ka ng gaga ka!

Sa kakaisip ko hindi ko nadin namalayang natapos na pala kaong maligo. Problema ko padin kasi tong regla ko. Kung hahayaan ko nalang tas bibili ako ng napkin tas sa school ko nalang ikakabit ang hassle. Hirap kasi maging babae!

“Zyria?” tawag sa'kin ni Aldrake.

“Bakit?”

“Tapos kana?”

“Yup!”

“Uhm buksan mo ng maliit yung pinto----”

“Bakit sisilipin mo katawan ko?! Ang manyak mo naman Aldrake!”

“Tanga aabutin mo tong napkin na binili ko!”

Sorry naman akala ko sisilipin katawan ko. Binuksan ko ng maliit yung pinto gaya ng sinabi niya. Ini-abot niya sa'kin yung napkin ng hindi manlang natingin. Nakatapis naman ako ng towel.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now