CHAPTER 27

751 48 8
                                    

ALDRAKE POV

Nakatuon ang atensyon ko kay Zyria na kanina pa hindi mapakalim. Mamayang gabi na ang meet up ng mga magulang namin at eto siya, kabang-kaba.

“Just relax” nakangiting sabi ko pero hindi niya iyon pinansin.

She was bitting her nails habang nakatingin sa tiles. Nagpapadyak din ang mga paa nito at sobrang likot niya  sa kinauupoan niya. Ewan ko ba imbis na aluin ko siya mas lalo akong napangiti, ang cute niya kasi.

“Look you should calm down it's just a meet up” I said. Tumingin siya sakin ng matalim.

“Sira kaba?! Hindi lang basta meet up yon no!” pasigaw na sabi niya.

Napangiwi ako. “Oh di sige hindi na basta meet up yon pero wag kang kakabahan”

“Eh sa kinakabahan ako eh!” parang batang sabi niya. Gosh ang cute.

Lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay na pawisan nanaman. Talagang pasmado siya.

“Everything will be okay hm? Wag kang kakabahan” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Bumuntong hininga siya ng malakas. Itinuon niyang muli ang atensyon niya sa tiles. Crush niya ata yung tiles kaya nakatingin siya doon. Sakit naman akala ko pa naman ako yung crush niya.

“Crush mo ba yung tiles?” di mapigilang tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya. “What? Pinagsasabi mo Buenaventura?”

“Kanina kapa diyan nakatangin. Hindi ba dapat ako yung tinitignan mo? Mas nawawala ba niya yung stress mo kesa sa'kin? Mas may nagagawa ba siyang mas makakapag pakalma sayo? May---”

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko. Nabatukan niya ako ng malakas. Yumanig utak ko doon tangina! Kung di lang masama sumakal ng mahal, nasakal ko na to.

“Aray!” reklamo ko.

“Alam mo---”

“Hindi pa”

“Tangina! Siraulo kaba?! Pati ba naman semento pinagiisipan mo ng masama?!” sunod-sunod na sabi niya.

Legit yung sakit sa tenga ng boses mga pare. Legit na legit! Legit pa sa pangako ng jowa niyong di natupad.

“Aray ko naman masabi ng siraulo ha! Tara na nga tsk”

Inerapan niya lang ako. Nauna na siyang lumabas ng pinto habang ako, eto naka-upo lang. Sanay naman akong naiiwan eh. Hindi naman masakit yon.

Tangina Aldrake anong nakain mo?!

Madiin akong umiling bago sumunod sa kanya. Nagpasya akong huwag muna siyang kausapin para kahit papaano makapag relax niya. Alam kong kinakabahan siya dahil sa mangyayari mamaya. I know mabait sila tita pero hindi ako sure kung same attitude ba ang ipapakita ng mga magulang ko sa harap nila.

Mom is one fo the spoiled brat daughter of lolo. Talagang lahat, ultimo mga hilig ni mommy ibinibigay ni lolo. Kaya ayan ngayon nasanay si mommy na kapag gusto niya masusunod. Kapag sinabi niya yun ang gawin mo at kapag naisip niya kailangan magawa niya. Parang sakit na ni mommy yung pagiging kontrabida.

Si dad naman parang ako lang. Demonyo pero hindi naman ako ganon ka demonyo. Mabait naman si dad, medyo may kayabangan lang. Kung titignan mo si dad sa una talagang kakatakutan mo yan kasi nga laging nakataas kilay niya. Masyado din siyang seryoso sa buhay, di'ko nalang alam kapag patay na. Pero mabait naman si dad, ka-ugali ko kaya pinagtatanggol ko.

Sa sobrang daldal ng isip ko hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay nila Zyria. Tinignan ko siya, tulala amp. Mukhang hindi niya din namalayan sa sobrang pagiisip.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now