CHAPTER 9

869 59 0
                                    

ZYRIA'S POV

"No kapag sinabi kong hindi, hindi makinig ka nalang era para sa inyo yon ng anak mo!" madiin na sabi ni Aldrake. Here we go again!

"Kuya naman bored na yung anak ko dito sa loob ng bahay oh! Maawa ka naman kanya" iritabling sabi ni Ferra sa kuya niya.

Kanina pa yang dalawang yan nagtatalo. Ayaw kasi palabasin ni Aldrake si chie para maglaro. Yung bata naman gustong-gusto maglaro sa labas kasi nga nab-boring na dito sa loob ng bahay. Ewan ko ba hindi naman ma-gets ni Aldrake yon e.

"Hindi padin ako papayag" hay nako kahit kailan talaga. Minsan nanghihinayang ako sa pov na binibigay sa'kin napupunta lang naman sa magkapatid na'to.

"Kuya please kahit kayong dalawa nalang ni Menchie yung lumabas. Kuya sige na oh wag lang mainip yung anak ko pleasee" pagmamakaawa ni Ferra. Hindi mo madadaan sa ganyan yang si Aldrake.

"Kahit siguro lumuha ka diyan ng dugo hindi mo mapapapayag yang kuya mo" pagsingit ko sa kanila. Matalim akong tinignan ni Aldrake habang frustrated namang nakatingin sa'kin si Ferra.

"Usapan namin ito wag kang sasabat stupid!" aniya na may pag-igting ang panga. Nakaka-attract yung panga mga te.

"Sinabi ko lang sa kapatid mo para naman inform siya na sagad sa buto kademonyohan mo" sagot ko sa kan'ya. Mas lalong umigting ang panga nito matapos marinig yung sinabi ko.

Okay Zyria lagot ka nanaman!

Bakit ba kasi hindi ko mapigilan tong bungangang to napakadaldal na wala pa sa ayos yung kadaldalan.

"Kuya please...." naaawa ako kay Ferra parang may tinataguan siya na kung sino.

He sighed heavily. Madiin niya ding naipikit ang mga mata niya na tila pinipigilan ang sarili na huwag pumayag sa gusto ng kapatid niya. That facial expression I've never seen before.

"Kuya please, please" madiing pagmamamakaawa nito. Ako talaga yung naaawa kasi ginagawa niya lahat para mapasaya si chie.

"Tama na era alam mong same answer ang makukuha mo sa'kin" walang buhay na sabi nito. Ferra look at him frustratedly, hindi niya manlang maibigay yung ka-onting bagay na nagpapasaya sa anak niya.

"Bakit ba parang itinatago mo ako kuya? Hindi na nga ako tumuloy sa mansyon dahil sabi niyo mas madali akong makakaalis-alis doon dahil walang bantay. Tapos ngayong nandito ako hindi padin ako pwedeng gumala? Kahit anak ko hindi pwede? I don't understand why!" she said. I look into her eyes at kitang-kita ko na nasasaktan siya hindi lang para sa anak kundi para sa sarili niya.

Awa lang talaga kaya kong gawin para kay Ferra. Hindi ko naman siya pwedeng itakas dito sa condo unit ng kuya niya dahil ayaw niya. If only I can do something for mabawasan man lang yung sama ng loob niya sa kuya niyang baliw.

"Wala naman kasing may sabi na umuwi ka dito sa Pilipinas tapos magrereklamo ka dahil hindi kita pinalalabas. Hindi ko lang basta kagustuhan tong ginagawa ko it was mom and dad said. Huwag na huwag kitang paaalisin dahil kilala ka nila at alam nila kung paano ka mag-isip. You're not a child any more era dapat alam mo na kung anong kahahantungan ng mga desisyon mo." mahabang lintanyan ni Aldrake.

Hindi ako makasingit sa dalawa kaya nanahimik nalang ako. Kapag sumabat naman ako magagalit yung isa diyan. Nakatingin lang ako sa dalawa pero mas napapa-focus ako kay Ferra. Nakikita ko kasi sa muka nito na napapagod na siya sa sitwasyon niya ngayon.

"Nakakadagdag kayo ng init ng ulo" mahinang sabi ko. Hindi naman siguro nila maririnig yon.

"Uuwi nalang ulit kami ng state" biglang sabi ni Ferra na ikinagulat ko.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Kde žijí příběhy. Začni objevovat