CHAPTER 13

941 57 3
                                    

ZYRIA'S POV

Nagising ako dahil sa silaw ng araw na nagmumula sa veranda. Tanghali na ata. Bakit walang gumising sa'kin hindi ako sanay.

“Morning” bati ni Aldrake na kalalabas galing lang sa kwarto.

Naka-uniform siya ngayon. Himala ata to papasok siya sa school ng suot yung uniform. Usually kasi nakapang maangas na porma yang lalaking yan. Ngayon ang disente niyang tignan. Ang gwapo pa!

“Naks naka-uniform” bati ko sa napansin ko. Ngumiti lang ito ng tipid saka humarap sa salamin.

“May paper bag d'yan sa glass table buksan mo nalang” sabi niya habang inaayos yung buhok niya sa harap ng salamin.

Agad naman akong sumunod. Kinuha ko yung sinasabi niyang paper bag sa table glass saka binuksan iyon. Uniform? Teka.... uniform na pang babae?

“P-Para saan to?” hindi maiwasang tanong ko.

“Maligo kana tapos magbihis papasok tayo” sabi nito sabay humarap sa'kin. “I'll wait for you” dugtong pa nito saka ngumiti.

SERYOSO?!

Hindi ako makasagot. Basta natameme ako sa sinabi niya. Papasok kami? Papasok ulit ako? Magaaral na ulit ako?! OH MY GOD! Totoo ba to?! Baka panaginip lang to please wag nyo'kong gisingin.

“Gumalaw kana uy! In the count of 3 hindi kapa gumagalaw bubuhatin kita papasok sa banyo. 1....” napatayo naman agad ako dahil sa sinabi niya.

“No need kaya ko sarili ko. U-Uhm salamat pala” masayang sabi ko. Nginitian ko din siya bago pumasok sa cr.

Mukang may himala talagang nangyari kay Aldrake ah. Ano kayang nakain no'n at pinabalik ako sa school? Doon niya ba ako papahirapan? Baka doon niya gagawin sa harap ng maraming tao yung parusa? Ayy ewan napa-praning nanaman ako.

Hindi ko dapat pag-isipan ng masama si Aldrake dahil lang nasanay ako sa mga bad sides niya. Siguro naman hindi gagawin ni Aldrake to ng walang magandang dahilan di'ba? Saka kung sakali mang may binabalak siyang ipahiya ako well okay lang. Sanay naman na ako sa mga pagpapahiya niya sa'kin.

Ano ba Zyria mag enjoy ka nalang!

Tama dapat i-enjoy ko tong moment na to. Nakangiti akong sinuot yung uniform na binigay niya. Nakangiti padin akong tinitignan ang sarili ko sa harap ng salamin. Namiss ko tong damit na to. Namiss kong magsuot ng uniform tapos papasok sa school para magbasa lang kaya walang natututunan 'di joke.

Matapos kong pagmasdan ng ilang minuto yung sarili ko sa harap ng salamin ay saka lang ako lumabas ng pinto. Bumungad sa'kin si Aldrake na prenteng naka upo sa sofa. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa sabay ngumiti. Nakakagulat na talaga yung mga pag ngiti niya na yan parang napapadalas na kasi. Kung bibilangin ko, hindi ko na mabilang.

“Tara na?” nakangiting yaya nito. Bakit ang gwapo niya ngayon?! Tangina ang gwapo niya lalo na kapag nakangiti siya shems!

My god cassie talagang nag-gwapohan ako sa kan'ya ngayon! Kalma mo sarili mo Zyria ayan ka nanaman.

“Teka hindi pa ako nakasuklay ng buhok ko!” naalala ko nakabalot pa pala sa tuwalya yung buhok ko.

Tinanggal ko yung tuwalya sa ulo ko saka nagsuklay. Hindi naman matigas yung buhok ko kaya hindi ako nahirapang suklayin iyon. Pagkatapos ko magsuklay sabay kaming lumabas ng pintuan. Bago din kami umalis siniguro niyang na-ilock yung pinto.

Pagkababa namin sa parking lot hinanap naman namin yung kotse niya. Speaking of kotse hindi ko padin talaga nakakalimutan yung pinagawa niya sakin dati. Napakasama niya talaga sa'kin that time. Biruin mo naglinis ako ng kotse ng iba tapos habang nililinis ko yon binuhusan niya ng putik. Sa huli hindi naman pala yon yung kotse niya my god!

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant