CHAPTER 19

786 46 0
                                    

ZYRIA'S POV

Simula noong araw na sinabi ko sa isip kong iiwasan ko na siya talagang ginawa ko. Nakapangalumbaba ako habang tinitignan lahat ng estudyanteng dumadaan. Wala akong gana lumabas, ayoko din kumain.

“Mukmok ka ng mukmok diyan” puna ni Cris.

“Alaws lang gana lumabas te” bored na sabi ko.

“May iniiwasan?” tanong niya.

Napatingin ako sa kan'ya dahil don. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa libro. May alam ba tong babaeng to?

“W-Wala” shit bakit ako nauutal?!

Tumingin siya sa'kin. “Liar” nakangising sabi niya.

What the fuck?! Ang creepy!

“At paano mo nasabing sinungaling ako?” nakataas kilay na tanong ko.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Cris. Talagang ang creepy niya! Mukha siyang aso na ewan amp.

“Baka akala mo hindi ko napapansin yung mga titig mo kay Aldrake. Don't me!”

“Masama bang titigan siya?”

Sorry pero hindi ako papahuli!

Umiling naman siya. “Hindi pero yung titigan mo siya na parang may heart-heart sa mata mo” she paused. “Masama yon. Yari ka kay Clarah”

Napa-erap naman ako sa sinabi niya. As if I care. Kahit malaman pa ni Clarah to wala akong pake. If ever na saktan, awayin or what niya ako dahil lang doon. Ang bobo niya!

Literal!

“As if naman matatakot ako” mayabang na lintanya ko.

Hindi ko ikakatakot yung ganong bagay. Oo, pagmamay-ari niya si Aldrake pero di niya pagmamay-ari yung feelings ko. Hindi niya ako basta madidiktahan.

“Good afternoon class” nakangiting bati sa amin ng prof namin.

Nagulat ako ng makitang kasunod niya sila Aldrake, Andrew, Flich, Gozon at Kyle. Ano kayang gagawin ng mga yon dito?!

Nagtama ang paningin namin ni Aldrake. Gaya ng dati walang emosyon tsk. Ganyan din kaya siya kay Clarah? Siguro hindi, malamang hindi! Syempre alangang tignan mo ng ganyan yung jowa mo di'ba?

“Babyyy!” malanding tawag ni higad este Clarah pala.

Napa-erap nalang ako ng wala sa oras. Kita ko pa kung paano ngumisi si Cris sa akin. Isa pa tong babaeng to eh! Parang gusto ko nalang mag cutting classes ngayon.

“Ms. Clarah hindi oras ng landi sa klase ko!” saway sa kan'ya ng prof namin.

Buti nga sayo!

Ang landi kasi. Baby daw? Ano yon sanggol? Kadiring endearment!

“Sorry po” pabebe talaga kahit kailan.

Humalukipkip nalang ako. Hindi ko nalang sila papansinin at hindi ko nalang din sila papakinggan. Wala akong gana ngayon, nakakatamad! Medyo naiinis din ako sa part na kung kailan ako naiwas saka ko naman siya makikita.

Nangiinis kaba tadhana?

Ayoko na! Mababaliw ako ng wala sa oras! Lumakad si Aldrake papunta sa gawi namin hanggang sa makalapit sa akin tapos umupo sa tabi ko.

Lupaaaa lamunin mokoooooo!

Okay Zyria, iiwasan natin siya ha! Hindi natin siya papansinin. Kunwari wala siya dito at kunwari hindi siya nag e-exist sa tabi natin. Kaya ko to!

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon