CHAPTER 26

838 45 2
                                    

ZYRIA'S POV

Kinakabahan ako putangina! Ngayon yon eh! Ngayon niya ako ipapakilala sa mga magulang niya shit!

“Okay ka lang ba? Namumutla ka” tanong ni Aldrake.

Kasalakuyan akong naka-upo sa sofa habang pinagmamasdan siyang nagaayos ng sarili niya. Kinakabahan talaga ako parang sinisilihan yung pwet ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang nakatayo o naka-upo sa sobrang kaba ko at sa sobrang kaba ko paulit-ulit ulit na yung words sa utak ko.

Kaba

Kaba

Kaba

Kaba

Jusme ayoko na!

“No I'm not kinakabahan ako” honest na sabi ko.

Natawa naman siya. “Wag ka masyadong kabahan andito ako”

“Magulang mo yon 'no paanong hindi ako kakabahan ha?!” nangiinis ata tong lalaking to ah.

“Hindi mo kailangang kabahan sa kanila. Ang sabi ko ipapakilala kita hindi ko sinabing kailangan ka nilang gustohin. Wala naman kasi akong pake kung ayawan ka nila ang mahalaga nakilala nila yung babaeng gusto kong pakasalan”

Napa-eh nalang ako sa utak ko. Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano sa sinabi niya. Sana all papakasalan kaagad. Enebe Aldrake pereng tenge nemen eh. Hindi na tuloy ako nakasagot sa sinabi niya basta pinagmasdan ko nalang ulit siya.

“Gwapo naba ako?” nakangiting tanong niya habang nagpapagwapo sa harap ko.

Pinagmasdan ko naman ito kunwari na parang sinusuri kung gwapo nga ba siya o hindi. Gwapo naman siya at talagang gwapo naman si Aldrake kahit saang anggolo.

“Gwapo naman” tatango-tangong sabi ko.

“Gwapo lang?” reklamo niya.

“Oo” tumatangong sabi ko habang nakatitig sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya. “Talagang gwapo lang? Yun lang?” tila hindi makapaniwalang tanong niya.

Napataas kilay ako. “Ano bang gusto mo?”

“Bukod sayo, syempre sabihin mo na sobrang gwapo ko”

“Ay wow!”

“Wow talaga! Look at me I'm so handsome”

Bakit ang hangin Buenaventura?!

Ang hangin niya literal. Natawa nalang ako sa kahanginan na taglay niya ngayon. Nagpapa pogi post pa siya sa harap ko.

“Handsome-ma ng mukha” natatawang sabi ko.

Agad naman itong napasimangot. Lumapit ito sa akin, as in yung lapit na talagang sobrang lapit. Natigilan ako sa pagtawa.

“Bakit ang ganda mo kapag tumatawa?” nakangiting sabi niya habang magkalapit ng husto ang mukha naming dalawa.

Namula ako dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang pag-init ng akin mga pisngi at tenga shit! Tapos may mga tigidig nanaman sa dibdib ko. May mga insekto nanaman sa loob ng tiyan ko.

Wahhh Aldrake ano ba?! Stop making me fall in love na!

“L-Lumayo ka nga!” sabi ko. Bahagya ko pang tinulak yung mukha niya.

Tumawa naman ang mokong. “Nailang ka nanaman? Ikaw talaga haha”

“Tse!”

“Ready kana? Aalis na tayo”

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now