CHAPTER 29

961 45 0
                                    

ZYRIA'S POV

Tanginaaaaaaaaa!

Ang gulo-gulo ng paligid ko! Lahat sila nagkakagulo yawa! Ayoko ng magulo ngayon kinakabahan ako! Gusto kong mamukpok ng mga tao kung hindi talaga talaga masama. Kailangan kong maging nice ngayon.

“Ang ganda mo ngayon, Zy” bati sa akin ni Chris.

Tumingin naman ako sa kanya. “Maganda ako araw-araw Chris ano kaba! Maganda kaya tayong dalawa”

“Tama maganda tayo!” tatango-tangong sang-ayon niya sa sinabi ko.

“HAHAHA naks naman nagbolahan ang mag-bestfriend” natatawang sabi ni tita. Mommy siya ni Chris.

Mabait yang si tita, actually kapag kasama mo siya ituturing ka niyang part ng family like ibibili ka din niya ng kung anong meron sa anak niya. She's one of the best mom that I've ever know.

“Mom maganda naman talaga kami di'ba?”

“Oo naman maganda naman talaga kayo ni ria” nakangiting sabi niya. Iginilid niya pa sa tenga ni Chris ang mga takas na buhok nito.

I took a deep breath. I'm nervous damn it! Sobrang kabado akong ngayong araw na to at talagang ikamamatay ko ang kaba ko. Iginala ko ang mga mata ko, may hinahanap akong isang tao.

Nasaan nanaman si mommy?!

Akala niyo si Aldrake no? Sorry hindi kami close ngayon. Galit ako sa kanya kasi pinagtripan niya ako kagabi. Andami niyang alam nakakainis na siya. Literal ba naman niya akong sendan ng ano basta yon na yon! Nakakainis hindi naman kanya yung sinend niya kaya bakit ko magugustohan?! Bwiset na yon!

Habang busy ako sa paghahanap naramdaman kong may biglang kamay na pumulupot sa bewang ko. Speaking of the demon hindi ko alam bakit ang hilig nito mang akap from the back.

“Congratulation Mrs. Buenaventura” bulong niya sa tenga ko.

Jusme nakakakiliti kaya yung hininga niya hindi ba niya alam yon?! Mukhang hindi nga niya alam. Hindi pa pala kami okay kaya dapat magtaray ako! Bawal marupok! Inuulit ko BAWAL MARUPOK! Caps lock para dama.

“Wag mo'kong ma-Mrs Buenaventura diyan! Alis!” mataray na sabi ko saka siniko siya.

“Aww you're so mean to me” maarteng sabi niya.

Imbis na umalis mas lalo pa niyang hinigpitan yung tingin niya. Napaka pasaway niya talaga. Akala niya ba magiging okay kami dahil sa ginagawa niya? Syempre.... depende yon.

“Mean your face umalis ka diyan!”

“Parang yun lang naman yung kasalanan ko galit na galit kana” he said while pouting his lips. He always do that na parang nagpapa-cute siya.

“Shatap Buenaventura akala mo ba hindi big deal yon?!”

“Oo na! Oo na! Sorry na nga po eh”

“Sorry your face!”

“Zyria naman”

“Hoy excuse me at pasingtabi naman sa inyong dalawa! May single oh! May single sa tabi niyo! Graduation day po ito hindi kasal niyo!” malakas na sabi ni Chris.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Damn we're doing this kind of thing in public? Naalala ko wala pa palang kami tapos ang lakas ng loob namin magpakita sa public ng ganito!

Napakagaling self!

Naramdaman kong umalis na si Aldrake sa likod ko. Matapos niyang tanggalin ang pagkaka-akap niya sa'kin, inakbayan naman niya ako. Ang tangkad niya yawa tas ako.... okay ang mahalaga maganda.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now