CHAPTER 7

954 64 0
                                    

ZYRIA'S POV

Isang malaking sana all sa babaeng nag t-twerk sa harapan ko! Nakatingin ako kay Ferra na nag t-tiktok dito sa may veranda sabi ng kuya n'ya wag ko daw iaalis yung tingin kay Ferra dahil baka tumakas. E'di sana all malambot katawan di'ba? Sana all! Isa pa, sana all!

“Sana all nalang pi” usal ko habang tinitignan s'ya. Lumingon ito sa'kin.

“Hindi ka nag t-tiktok?” tanong n'ya. Magsa-sana all ba ako kung marunong ako n'yan?! Tanga din pala to.

“Muka ba akong magsa-sana all kung naggaganyan ako?” she rolled her eyes on me. Ako dapat gagawa n'yan ah bakit nauna pa s'ya.

“Try mo din minsan nakakatanggal ng stress muka ka ng losyang e” what the fudge?! Napa-pout nalang ako sa sinabi n'ya. Malamang malolosyang ka kung araw-araw sila kasama mo.

“Ikaw ba naman gawing alila hindi kaba malolosyang?” mataray na sabi ko. Napatawa s'ya ng mahina at ibinalik ang focus n'ya sa ginagawa n'ya.

Nagpapasalamat naman ako dahil hindi na s'ya kagaya nung una ko s'yang na-meet. Medyo nagkasundo na kami nitong si Ferra may mga common things kasi kaming gusto. Una na don yung makalabas dito ng hindi alam ng kuya n'ya, mahilig kami pareho mag wattpad, favorite n'ya din yung mga niluluto ko at pareho kaming mahilig sa daks.

Naging madali naman sa'kin na makasundo s'ya kahit ilang days palang s'yang nandito. May time parin na nagsusungit s'ya kapag nagugutom pero hindi gaya ni Aldrake, etong si Ferra nakakabiruan ko. Boring nga lang minsan kasama lalo na kung kayong dalawa lang sa iisang bahay. Palagi kasing naka-focus sa cellphone n'ya.

Pinagmasdan ko nalang yung mga nakapaligid sa'min na building. Wala e ang boring talaga hindi ko masabayan trip nitong si Ferra. Habang busy ako sa pagmamasid ng sa view biglang may tumabi sa'kin, si Ferra lang pala akala ko kung sino.

“Ang boring” she said without looking at me. Inililibot n'ya din ang paningin n'ya sa mga building.

“Super sabayan mo pa ng walang kausap hay nako” natawa naman s'ya dahil sa sinabi ko. What's the funny?

“Haha I'm sorry hindi talaga ako pala salita” natatawang sabi n'ya. Siguro napansin n'ya din na nab-boring akong kasama n'ya. Totoo naman.

“Can I ask one question?” curious lang ako dito e. Tumango naman s'ya bilang oo. “Bakit ka umuwi dito sa Pilipinas?” tanong ko. She smiled bitterly.

“For someone kaso eto bantay sarado ako ni kuya. Gusto ko s'yang makita, maka-usap kaso hindi ko alam paano. I want to say sorry at handa na akong kausapin saka pakinggan s'ya” nakayukong sagot nito. Hindi ko alam bakit pero napapaligiran ata ako ng mga taong may masasamang karanasan.

“Malay mo makatakas kadin sa kuya mo” hindi naman imposible yon di'ba? Lalo na minsan wala si Aldrake dito hindi s'ya mababantayan.

“Malabo yon. Etong condo unit na to pagma-may ari ng tito namin, punong-puno to ng CCTV pwede ni kuya puntahan yung security room anytime. Idagdag pa kita na loyal na tuta n'ya tsk” ganda ko namang tuta te sarap mo hampasin.

“What if tulungan kita?” suggest ko. Gulat s'yang tumingin sa'kin hindi n'ya siguro inaasahan na sasabihin ko yon.

“Baliw kaba?! Kapag ginawa natin yan hindi lang tayo basta yare, deds din tayo. Baka hindi mo pa alam paano magparusa yan si kuya!” sunod-sunod na sabi n'ya. Halatang takot kay Aldrake ah.

“Alam ko kung paano magparusa yang panget na yan. Once ay hindi twice na din n'ya akong naparusahan. Una napunta ako sa pagiging slave n'ya dahil natapunan ko s'ya ng pagkain sa canteen. Pangalawa puro sugat likod ko kakahampas n'ya ng sinturon dahil madami akong hindi nagawa” kwento ko sa kan'ya. Nakatingin lang ito na tila hindi makapaniwala sa narinig n'ya.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now