CHAPTER 14

900 56 3
                                    

ZYRIA'S POV

Ayoko sa lahat ng binabad trip ako. Ang aga aga nakaka bwiset agad yung bumungad sa'kin!

“Hay na'ko hindi na nahiya” pagpaparinig ko. Agad namang napalingon sa'kin yung dalawa.

“Inggit ka lang bitch” mataray na sabi ni Clarah habang nakayapos sa leeg ni Aldrake. Yes literal nakaharap siya kay Aldrake habang nakalingkis ang mga braso niya sa leeg nito.

“Bakit naman ako maiinggit?” nakataas kilay na tanong ko.

“Kasi wala kang Aldrake” malanding sabi nito sabay halik sa pisngi ni Aldrake.

Grrr sasabunutan ko na to!

Umerap nalang ako dahil sa ginawa niya. Wala naman na akong sasabihin mukhang gusto naman ni Aldrake yung gano'n. Kung sabagay suit naman sila para sa isat-isa. Isang demonyo, isang demonyita bagay na bagay!

Kesa intindihin ko yung dalawang malandi sa tabi ko umalis nalang ako. Bahala sila diyan naiinis lang ako lalo.
Pareho silang malandi!

Pareho silang bwiset!

Pareho silang demonyo!

Pareho silang.... magaling sa kama. Sa tingin ko lang ha.

“Ayos ka lang te?” tanong ni Cris. Nasa loob na kasi ako ng room at panay buntong hininga.

“Oum naman” sagot ko kaagad. Baka mamaya makahalata pa si gaga e.

“Kanina kapa buntong hininga ng buntong hininga diyan para kang dragon na nagbubuga ng masamang usok” sabi nito at talaga ikinumpara pa ako sa dragon.

Yes I'm a dragon at malapit na talaga akong magbuga ng masamang apoy hindi lang usok! Kung ano ang reason? Simple dahil sa dalawang malandi na nakapaligid sa'kin! Sobrang landi nila!

“Dragon naman talaga ako hindi lang halata” makahulugang sabi ko. Kumunot naman ang noo niya hindi siguro na gets.

“Huh?” ay nako sabi na e hindi na gets.

“Wala wala never mind” ayokong magpaliwanag.

Dumukdok nalang muna ako sa desk ko para umidlip sana kaso naaalala ko padin yung kahapon saka kanina. Naiinis nanaman ako! Basta naaalala kong hinahawakan ni Clarah si Aldrake parang gusto ko siyang patayin!

What's wrong with you Zyria?!

I never been like this before. Wala nga akong pake kahit may maglampungan pa sa harap ko e pero ngayon..... iba yung impact niya sa'kin. Pakiramdam ko may kumakain sa pagkain na dapat para sa'kin. Ayy ewan ang gulo ng utak ko ngayon naiinis ako!

Nag angat ako ng tingin at sakto magkaholding hands yung dalawa papasok sa room namin. Sobrang lapad pa ng ngiti ni Clarah. MAPUNIT SANA LABI MO YAWA KA! Si Aldrake naman tahimik lang pero alam ko deep inside kinikilig siya at parang gusto kong patayin yang deep inside niya na yan!

“Edi sana all”

“Luh official na?”

“Nakss sana all Clarah!”

Sana all, sana all kayo diyan tsk! Andaming compliment para sa kanila na mas nagpalapad ng ngiti ni Clarah. Kinaganda mo yan girl ha?! Hatdog! Halaman! Hanger! Hang landi mo!

“Ah yeah official na kami. Actually nung nakaraan lang I beg for him pa nga na ibalik na si Zyria dito sa school e” pabebeng sabi nito at mas idinikit pa ang katawan niya kay Aldrake.

Kung sakali mang tinitigasan ka Aldrake maputol sana yang etits mo hayop ka!

“Ay naks hindi namin inaasahan na ikaw lang pala makakapag pabago diyan kay Aldrake” masayang sabi ng isa naming kaklase.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now