CHAPTER 15

1.1K 59 0
                                    

ZYRIA'S POV

Nakapangalumbaba ako ngayon habang tinitignan yung mga kaklase ko na nagkakagulo. May recitation kasi kami ngayon tapos yung iba hindi pa nagre-review kaya naghahapit. Ako chill lang walang pake sa recitation na yan dahil hindi na ako pagre-recite-in ng teacher. Magt-take kasi ako ng exam ko mamaya.

Isang linggo nadin akong hindi nauwi sa condo unit ni Aldrake. Ayoko muna umuwi do'n kasi wala lang ayoko lang siya makita. Feeling ko magiging hadlang pa ako kung sakaling gusto nilang magkabayuhan don sa loob ng condo niya. Isa pa I'm no longer his slave so free na ako sa gagawin ko. Almost one week ko nadin siyang iniiwasan sa hindi ko malamang dahilan.

“Good morning class” bati ng teacher namin na kararating lang. Napaayos ako kaagad naman ng upo.

“Hala ayan na!”

“Kinakabahan ako”

“Gezz di ako ready”

Imbis na "good morning too" ang marinig ko puro reklamo nila. Bahala kayo diyan hindi ako magr-recite dahil aalis din naman ako mamaya.

“Shh quite everyone! Be ready for our recitation and before I forgot Ms. Zuarex exempted kana sa recitation natin. Just sit there and be quite also mag review ka for taking 12 subject test” mahabang sabi nito. Natahimik naman buong klase may iilang bulungan pero puro "Sana all".

Akala ata ng mga to madali lang yung gagawin kong test. Kapag bumagsak ako do'n edi yari ako. Yun daw kasi yung pagbabasehan ng grades ko at yon din daw ang pagbabasehan nila kung ipapasa nila ako sa course na kinuha ko. Mahirap kasi hindi ako na-guide at self study ang ginawa ko hindi ko nga sure kung 100% papasa ako after taking the test.

“Any way class before we start may makikigulo daw satin na college student” sabi ni ma'am saka tumingin sa pinto. “You may now come in” nakangiting sabi niya pa.

Nagpasukan naman yung mga sinasabi ni ma'am. Si Andrew, Flich, Kuya at si Aldrake na mukhang sabog. Parang hindi natulog ng ilang araw yung itsura niya. Ang laki ng eyebags tapos ang pula ng mata grabe! Nagpuyat sila ni Clarah nung wala ako?

Kabayuhan pa more!

“Baby!” tawag ni Clarah sa kan'ya hindi naman lumingon. Ahhh kawawa may LQ silang dalawa. Pft parang gusto kong tumawa na ewan.

“Ms. Anderson hindi oras ng landi ang klase ko” saway sa kan'ya ng teacher namin.

Pabebe namang sumimangot si higad. Akala mo naman kinaganda n'ya yung paganyan-ganyan niya tsk. Mukha kang bulateng inasinan te! Umerap nalang ulit ako sa hangin dahil sa inis bakit pa kasi nandito tong mga to panira ng araw!

Napalingon ako ng may umupo sa tabi ko. Akala ko si Andrew hindi pala, si Aldrake pala yung tumabi sa'kin. Nakatitig ito sa akin kaya tinitigan ko nadin. Wala trip ko lang masama ba?

“Uy anong titigan yan ha!” puna ni Flich. Baliw talaga tong lalaking to.

Ako na yung umiwas ng tingin para iwas issue nadin. Baka mamaya magalit pa sa'kin si higad tapos bigla akong sabunutan ay nako ayoko ng away. Ayokong makipag away sa mga malalandi dahil matatalo lang ako. Pumapatay sila para sa lalaki while me? No thanks kung ayaw mo sa'kin di wag mo! Hindi ka kawalan, madami pang lalaki diyan sa mundo na mas makikita yung worth ko.

“Bakit hindi ka umuuwi?” mahinang tanong ng katabi ko na ikinalingon ko.

“Huh?” hakdog Zyria bobo ka!

“Bakit hindi ka umuuwi?” tanong niya ulit but this time nakatingin na siya sa mga mata ko.

“Hindi ko naman bahay yon bakit ako uuwi do'n?” tama naman ako di'ba?

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon