CHAPTER 18

859 49 0
                                    

ZYRIA'S POV

Nagmamadali ako palabas ng bahay ngayon habang kagat-kagat yung sandwich. Late na kasi ako nagising at kasalanan ni Aldrake yon.

Bwiset ka Buenaventura!

Agad akong pumasok sa kotse ni kuya Blake. Haggard ako jusme.

“Puyat pa” bungad ni kuya.

Napasimangot naman ako. Sila naman may kasalanan bakit ako napuyat. Yung isa nag-kwento, yung isa nagpakilig. Mas malala nga lang yung isa.

“Sorry na kuya” nakasimangot na sabi ko.

Natawa lang si kuya sakin. Nagsimula na siyang mag drive. Ayaw niya daw kasi ma-late sa unang klase niya. By the way kuya Blake is a professor and worst magiging prof pa ata namin siya. Baka hindi ako matuwa na siya ang teacher namin dahil alam kong pagdidiskitahan niya ako.

Isa pa bata tignan si kuya though he's already 29 years old. Gwapo kasi si kuya, matangkad, built ang katawan saka maganda pumorma. Kung titignan nga at pagtatabihin sila ni Aldrake parang magka edad lang sila.

Si kuya Kreus din ganon. Akala nga ng mga teacher dito 19 palang si kuya Kreus. Kaya nung nalaman nilang 29 na boom daming nagka crush sa kanya na baguhang teacher. Alam naman natin na hindi sila papatulan ni kuya dahil sobrang sungit non.

“Andito na tayo” biglang sabi ni kuya.

Napasilip ako sa bintana ng kotse. Oo nga andito na kami sa parking lot ng BCU. Hindi ko manlang namalayan parang ang bilis.

Bumababa na ako ng kotse kasunod kay kuya. Gentleman si kuya pero hindi ko ugaling magpabukas ng pinto. Masyado kasing pa-special tignan. May kamay naman ako saka kaya ko namang magbukas.

“Princess” tawag ni kuya habang naglalakad kami.

“Po?” sagot ko.

“If I have time sasabay ako sayo ng lunch ha. Make sure na hindi ka gagawa ng gulo at hindi ka makikipag away okay?” eto nanaman kami.

Natawa naman ako. “Kuya nasabi mo na yan kagabi” natatawang sabi ko.

“Just reminding you again”

Ngumiwi naman ako. Na-english ako bigla. Parang kagabi lang ako yung nag e-english tas ngayon ako na yung in-english.

“Kuya hindi naman po ako magpapasaway sayo saka behave po ako sa room. Sa sobrang behave ko nga natutulog ako” pabirong sabi ko. May halo namang katotohanan yon.

Sumama naman ang tingin sakin ni kuya. “Then try to sleep in my class talagang naku” kuya said.

Natawa ako dahil alam kong hindi niya ako kayang ipahiya ko pagalitan sa harap ng maraming tao. Never pa talaga akong ipinahiya ni kuya. Hindi ko din naman i-t-take advantage yung word na "teacher ko ang kuya ko".

“Don't worry kuya mag b-behave ako” nakangiting sabi ko. Itinaas ko pa yung kamay ko as promise.

”Papasok kaya si Kreus?” malungkot na tanong ni kuya.

“Hindi na”

Halos mapatalon ako sa biglang nagsalita. Napahawak din ako sa dibdib ko sa gulat. Bwiset na Aldrake to parang kabuti. Kasabay na namin siya ngayon papasok.

“Bakit?” usisa ni kuya.

“Nagpasa na siya ng drop out letter niya” walang emosyong sabi ni Aldrake.

“Eh?” di makapaniwalang tanong ko.

Tumango naman si Aldrake. Umiling ako dahil doon. Talagang malaki ang sama ng loob ni kuya Kreus sa amin. Tinignan ko si kuya Blake, halata sa mukha nito ang frustration at lungkot.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now