CHAPTER 8

937 59 0
                                    

ZYRIA'S POV

As time goes by we always have the same routine everyday. Hindi ko nga napansin na naka-isang buwan na pala akong kasama yung magkapatid na to. Sobrang puti ko na dahil palagi akong nakakulong dito. Medyo nasasanay nadin ako na palagi lang kaming nakakulong sa bahay. Kapag may bisita na kabarkada niya nasa loob kami ng kwarto, kapag aalis siya naka-lock yung pinto. Gano'n lang palagi.

Hindi nadin masyadong nagrereklamo si Aldrake kapag hindi ko siya tinatawag na master. Madalas kaming nagbabarahan, kasalanan niya naman siya yung nagsisismula no'n. Si Ferra ayon mukang tiktok at cellphone padin. Wala namang nagbago sa isang buwan.

“Ang tagal naman nila” sabi ni Ferra habang nagpapabalik-balik. May inaabangan kasi kami na dadating.

“Baka na-delay yung flight kaya wala pa” sabi ko habang sinusundan siya ng tingin. She stop for a while tapos bumalik nanaman sa ginagawa niya. Todo check din siya ng cellphone niya.

“Kasi naman bakit wala pading tawag si kuya hanggang ngayon kinakabahan tuloy ako!” malapit na akong mahawa sa babaeng to. Malapit nadin akong kabahan amp.

“Bahala ka nga d'yan ayaw mo naman mag-relax” basta ako dito lang naka-upo. Curious din ako sa sinasabi nilang dadating DAW. Siguro special kasi si Aldrake yung susundo.

Speaking of special na-miss ko si Clarah. Kamusta na kaya yung bruha na yon? Matagal-tagal nadin since nung huli ko siyang nakasagutan. Obsess padin kaya siya kay Aldrake? Nakakamiss tuloy mag-aral ulit.

Sabay kaming napatingin ni Ferra sa pinto ng marinig namin ang pag-unlock nito. Yup sa labas nil-lock yung pinto para daw sure na hindi kami tatakas. Mautak din tong si demonyo e. Mabilis na lumapit si Ferra sa pinto habang sabik na inaabangan kung sino man ang papasok. Ako? Eto naka-upo pake ko naman do'n hindi ko nga kilala yon e.

Pagbukas ng pinto bumungad sa'min si Aldrake na may hawak na maleta. Nang makapasok si Aldrake may nakasunod sa kan'ya na..... wait bata? Sa tansya ko 2 years old palang yon. Maputi, chubby, cute, maganda basta. Pinagmasdan ko ng mabuti yung bata na hawak ni Aldrake parang pamilyar yung muka. Basta may kamuka siya.

“Menchie!” masiglang bati sa kan'ya ni Ferra. Niyakap niya ito ng mahigpit na tila sabik na sabik.

“Moma” hala ang cute ng boses. Napangiti naman ako sa buka ng lips ng bata nakakadagdag kasi sa ka-cute-an niya.

“So how was the flight sweetie? Moma miss you so much can you give me a kiss?” malambing na sabi ni Ferra. Pinapanood ko lang silang dalawa parang mag-nanay sila.

Nakangiti kong tinitignan si Ferra habang kinakausap yung batang cute. Bulol pa nga yung bata sumabot pero maiintindihan naman. English speaking din ito kaya sorry kayo hindi ko siya kakausapin ayokong mabobo. Nasa ganoong posisyon ako ng biglang may naghagis sakin ng malaking bag. Putangina sapol ako sa muka ah!

Matalim kong tinignan si Aldrake dahil sa ginawa niya. He just rolled his eyes on me sabay ngisi. Bwiset talaga kahit kailan nage-enjoy akong tignan yung dalawa e!

“By the way Menchie meet tita Zyria she will be your yaya for now” ano daw?! Madadagdagan alagain ko?! Napatingin ako kay Ferra ng hindi makapaniwala. Bwiset talaga!

“Dagdag nanaman sa alagain ko amp” sabi ko habang nakatingin sa bata. Hindi ko naman sinasabing tinatanggihan ko pero parang gano'n na nga.

“Sa ngayon lang naman ria kapag nakahanap na ako ng trusted yaya ni Chie hindi mo na siya aalagaan” may paki-usap sa tono ng pananalita ni Ferra. Napabuntong hininga nalang ako bago tumango. Wala naman akong magagawa di'ba?

“Thank you. Ay nga pala si Menchie anak ko” nakangiting pakilala niya. Ahh anak niya pala yon? Wait, WHAT?!

“ANAK MO?!” gulat na sabi ko. Anak niya talaga?! How?!

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now