CHAPTER 4

1K 73 1
                                    

ZYRIA'S POV

Kanina pa ako gising, nakita ko nading umalis si Aldrake. Syempre ipinagluto ko parin s'ya sinipa pa nga n'ya ako para lang gumising. Iniligo ko yung sakit ng katawan ko. Hindi ko maiwasang maluha kapag naaalala yung nangyari kahapon ngayon ko lang na realize na talagang demonyo si Aldrake.

Habang nakaharap sa salamin pinagmasdan ko ang sarili ko. Napangiti ako ng mapait ng makita yung sugat sa ulo ko saka latay sa tagiliran ko. Ito yung mga tanda na may kasalanan ako sa mga demonyong tao pero... wala naman akong kasalanan kay kuya bakit n'ya ako sinaktan?

I just fixed myself bago lumabas ng condo unit n'ya. Inutusan n'ya akong mamili ngayon ng mga grocery tapos dadaan ako sa school. Sa paglalakad ko nakasalubong ko nanaman si kuyang tumulong sa'kin. Nakangiti ito na animo'y walang problema.

“Good morning ms.” nakangiting bati nito sa'kin. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala s'ya nakadagdag tuloy ito sa kagwapuhan n'ya.

“Morning” nakangiting bati ko din sa kan'ya. As I look at him I saw a perfect image of pilipino man. Moreno, hindi ganon katangkad, hindi pango pero hindi rin matangos sakto lang.

“Ang aga mo nanaman ata umalis” sabi nito ng may ngiti padin. Nakaka good vibes yung ganiyong klase ng tao sa totoo lang.

“Ah oo mamimili ako kasi inutusan ako ng amo ko” amo kong demonyo.

“Amo mo pala si Drake akala ko boyfriend mo” ano daw?! Si Aldrake boyfriend ko?!

“Ay hindi ah pa'no ko naman magiging jowa yung gano'n kagwapong tao” wala sa sariling usal ko. Napatakip naman ako ng bibig ko, nasabi ko talaga yon?!

“Pft sabi mo yan ha. Any way gusto mo hatid na kita wala akong gawa e” offer nito sa'kin. Agad naman akong umiling.

“Wag na kaya ko na sarili ko saka may pupuntahan pa ako after kong mamili” dadaan pa ako sa school kahit hindi ko alam kung bakit.

“Oh sige nga pala anong pangalan mo?” tanong muli nito.

“Zyria” maikling sagot ko. Ngumiti ito ng matamis bago ilahad ang kamay n'ya.

“Hiro... Hiro Costador” nakangiting sabi nito. As respect nakipag shake hand nalang ako sa kanya.

After no'n umalis na ako ng tuluyan. Sumakay ako ng taxi saka bumaba sa sm kung saan n'ya ako inutusang mamalengke. Mga ilang oras din ang itinagal ko doon bago ako makalabas. Hindi naman ganoon karami yung binili ko kaso nga lang mahaba yung pila sa counter.

Natagalan din ako sa pag-a-abang ng tricycle na pwede kong sakyan papuntang school. After a minutes nakapara din ako ng isa. Nagpahatid ako sa dating school na pinagaaralan ko, pagkababa na pagkababa ko binayaran ko lang yung driver saka pumasok. Iniwan ko nalang din muna yung mga dala ko sa gate at nagsimula ng hanapin si Aldrake.

Wala ito sa room, wala sa tambayan n'ya, wala sa canteen, wala din sa rooftop nasan nanaman kaya yon? Ipinagpatuloy ko lang ang paghahanap hanggang sa may makita akong isang tao, nakahiga ito sa damuhan na parang natutulog. Dahan-dahan akong lumapit para malaman kung sino yon. Si Aldrake pala.

“U-Uhm master” pagtawag ko dito. Dumilat naman ito saka tumingin sa'kin.

“Glad your here” sabi nito saka umupo. Hindi padin umaalis yung tingin n'ya sa'kin na parang sinusuri bawat sulok ng mata ko. Umiwas nalang ako ng tingin sa sobrang pagka ilang.

“Ano po bang i-ipapagawa mo?” tanong ko dito habang nakayuko. Sana naman hindi na mabigat kasi masakit pa yung katawan ko.

“Wala pa naman. I just to want apologize about sa nangyari kahapon” mahinang sabi nito. Napatingin ako sa kanya ng hindi makipaniwala. Isang Aldrake ba yung nagsabi no'n? Baka clone n'ya lang to.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Where stories live. Discover now