CHAPTER 20

900 46 0
                                    

ZYRIA'S POV

Napapangiti ako sa taong nagtuturo sa harapan. Si Andrew, nakakatuwa yung way of teaching niya. May hugot, may jokes.

“Ganito kasi yan kapag ex na hindi na babalikan pero..... dito hahanapin natin si X para balikan” ayan nanaman siya jusme.

“Hindi na daw babalikan tapos biglang babalikan gulo mo ha!” natatawang sabi ng president namin.

“Patapusin mo muna ako nyenye” parang batang sabi ni Andrew.

Natawa naman ako dahil sa reaction niya. Andrew is a kind of person na talagang mapapangiti ka. Yung aura niya, yung mga nakakahawang ngiti niya at lalo na yung itsura niya. Jaw dropping like what they said.

“Zyria” tawag nanaman sa'kin ng katabi ko. Tsk sino pa nga ba?!

Edi si Aldrake!

Hindi ko siya pinapansin. After what happened yesterday wag na siyang umasa na papansinin ko pa siya. Like hello ang bobo ko bakit nga ba ako nagbitaw ng words na "nakakasakit siya"?! Hindi ko din alam, sabi ko part lang ng inis tas na-realize ko part pala ng katangahan ko.

“Ah excuse me Mr. Andrew kailangan ko lang sandali ang kapatid ko” biglang singit ni kuya.

Agad naman akong tumayo saka pinuntahan siya. Baka kasi importante yung sasabihin ni kuya. Hindi naman ako biglaang i-e-excuse no'n kung hindi mahalaga.

“Bakit kuya?” bungad na tanong ko.

“Mamaya umuwi ka kaagad pagtapos ng klase mo. May pupuntahan ako, sila mommy wala sa bahay may inaasikasong business sa Tagaytay. Make sure to lock the doors and windows for your safety” mahabang sabi ni kuya.

Wait ako lang mag-isa sa bahay namin mamaya? Wala bang multo doon?

“Saan ba punta mo kuya?” usisa ko.

“Sa Bulacan may ipinapadala lang sa'kin don”

Napanguso ako. “Andaya ako nanaman mag-isa sa bahay”

“Gusto mo doon ka nalang kay Aldrake matulog” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya.

No way!

“Wag na kuya! Kaya ko naman 'nu kaba hehe” wag lang talaga sa bahay niya.

Natawa si kuya sa sinabi ko. Happy lang kuya? Happy pill mo na ako niyan? Lahat nalang ata masaya sa'kin maliban sa isa diyan tsk!

“Oh siya sige na pasok kana ulit doon. Ingat ka hm” malambing na sabi ni kuya. Ginawaran niya pa ako ng halik sa noo bago umalis.

Ang sweet!

Pumasok din kaagad ako sa loob ng room kasabay ng pag-alis ni kuya. Makikinig ako kahit wala naman akong natututunan. Nag e-enjoy lang kasi akong makinig kay Andrew ehe.

“Sana all may kuya!” sabi ni Cris ng naka-pout. Parang pato amp.

Tinawanan ko lang siya ng mahina dahil sa sinabi niya. Only child si Cris kaya ganyan siya mag-react. Sabi nga niya sa'kin after graduation baka sa USA na siya mag-aral. It was her decision kasi mas advance daw doon.

“Pwede mo din siyang maging kuya KUNG makakatuluyan mo si kuya Kreus” panunukso ko sa kanya.

“In my dreams haha sa America nalang ako hahanap ng daks acckk”

“Yucckkk mukhang daks”

“Haha syempre hahanap ka nalang ng bebe syempre doon na tayo sa daks saka ano kaba te! Mana lang ako sayo no!” gago talaga.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora